5 AM
Nakakaantok naman. Pwedeng huwag na pumasok?
Deh joke lang.
Nag-ayos na ako ng higaan at bumaba na. Nakita kong naandon na si Vince sa baba. Kumakain na.
"Good morning anak" sabi ni auntie
"Good morning auntie" sabi ko naman sa kanya
Si papa nakabalik na ulit siya sa trabaho. Mabuti nga eh. Para sa pang-gastos dito sa bahay. Pag-nakapag trabaho na talaga ako hindi ko na papapuntahin si papa sa ibang bansa para mag-trabaho.
"Kain na anak" sabi ni auntie
Umupo naman ako sa usual kong upuan at kumain na. Naunang naligo yung kapatid ko at sumunod naman ako. Sinuot ko na yung uniform namin na mahaba yung sleeves niya and color white ito tapos black na skirt na hanggang tuhod ko. Tapos mahabang socks at 2 inch na heels na color black. Meron din akong suot na neck tie color black. At sinuot ko na din yung i.d. ko.
Nag-lagay lang ako ng pulbo at liptint sa cheeks and lips. Nag-curl din ako ng lashes ko. Nakalugay lang yung buhok ko na hanggang bewang. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto.
"Tara?" alok ko sa kapatid ko. Tumango naman siya saakin at tumayo na sa kinauupuan niya.
"Auntie. Alis na po kami" lumapit ako kay auntie at nag kiss sa cheeks niya. Ganun din yung ginawa ni Vince
"Sige, ingat kayo mga anak"
Sumakay na kaming dalawa sa tricycle. Nang makarating kami sabay na kaming umakyat sa hagdan.
"Bye ate"
"Sige" sa 2nd floor kasi yung classroom ni Vince at ako naman sa 3rd floor. Oh diba. Pagod ang lola niyo. Umagang-umaga.
Papasok na ako sa classroom ko. Haay ano ba iyan! Parang gusto kong umuwi at matulog ulit.
"BOO!"
"AY PALAKA KA!" sigaw ko
"Ano ba naman yan Allison!" tinampal ko nga habang tawa siya ng tawa
Nilagay ko na yung bag ko sa upuan ko. "TAWANG TAWA KAYO AH!?" sigaw ko sa kanila. Aba't ang mga loko nag-sitawanan lang.
"Guys guys! Nandyan na si Kath" sabi ni Allison
Agad naman akong pumunta malapit sa pintuan at nag tago sa gilid, ganun din ang ginawa ni Allison sa kabilang gilid ng pintuan.
Pinatay naman ni Allison yung ilaw at yung mga magagaling kong kaklase ay nag-tago din.
"KAAAATH!" sigaw namin nang mabuksan ni Kath yung pintuan
"HAAAAAAAA!" sigaw niya habang nakahawak siya sa dibdib niya
"HAHAHHAA"
"AYYY! VERY BAAD!" padabog naman siyang pumunta sa upuan niya
"HOY--"
"Shh! Paparating na si Steph" dating gawi. Lumapit naman agad si Kath saakin at nakitago.
*yawn* -Steph
"STEEEEEEPH!"
"AY TANGINAAA!"
"HAHAHHAHAHAHA!"
"Bwisit kayo" mahinahon na sabi ni Steph saamin
"Oy oy! Paparating na si Jamie HAHAHA" sabi naman agad ni Allison. Dali daling ibinaba ni Steph yung bag niya sa upuan at tumakbo papunta saamin nina Kath.
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomanceSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...