Nagising ako ng 7 am na ng umaga. Nag-ayos ako ng kwarto at naghilamos. Mamaya na ako maliligo pagkatapos kumain o baka mamayang hapon na. Tiningnan ko yung bata na katabi kong natulog gabi-gabi.
Isang linggo na itong batang ito dito at masayang kasama si Kyle. Pag-uuwi ako palagi akong may dalang pasalubong sa kanya at tuwang tuwa naman siya. Kilala na din niya ang siopao squad. Tita at tito ang tawag niya sa kanila. Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan ko kay Kyle.
Sabi nga ni auntie wag ko daw i-spoiled masyado. Sabi ko naman kay auntie 'okay lang naman auntie. Ngayon lang naman.'
Bumaba na ako para makakain. Pagkatapos kong kumain tumulong ako kay auntie na mag-linis ng bahay. Dahil ngayon nanaman lang ako nakalinis dahil palagi akong nasa kwarto. Meron pang mga iniwan na gawain saamin yung mga teacher namin.
Madali lang lumipas ang araw. Parating na ang Graduation Day namin. Tinatapos na lang namin yung thesis namin at nang makapag-final defense na.
"Naku Summer. Tama na 'yan. Pahinga na" sabi ni auntie na nakaupo na sa sala. Sumunod naman ako sa kanya at umupo. Nag-punas ako ng pawis ko.
"Mommy!" rinig kong tawag ni Kyle na pababa na pala ng hagdan
"Yes, baby?" lumapit naman ito saakin ng makababa
"Good morning Kyle" bati ni auntie
"Good morning tita mommy" bati naman ni Kyle at nag-kiss kay auntie sa cheeks
"Did you get a good sleep?" tanong ko at tumango naman siya. Nag-kiss siya at inaya ko na siyang kumain. Nilagyan ko ng kanin, hotdog at itlog ang plato niya.
"Thank You mommy" tumango lang ako habang naka-ngiti at masaya na siyang kumain
"Good Morniiing!" pumasok siya ng bahay habang malawak ang ngiti
"Mommy?" nakipag beso naman ito saakin at sumunod naman kay auntie
"Napapunta ka dito madam?" pabirong pag-tanong ni auntie
Humalik na muna si mommy sa kumakain na Kyle at tiningnan kami ulit.
"Eh. Di ko pa nabibigay yung gift ko kay Summer eh" binigay niya naman saakin ang isang envelope
"Ano po 'to mommy?" binuksan ko at binasang lupain ito. Hindi naman siya kalakihan, yung tama lang.
"Yup! Ikaw na ang bahala diyan kung anong gusto mong itayong business" sabi ni mommy habang may pa-gestures pa siya na para bang gumagawa siya ng imahe gamit ang kamay niya
"Wow mommy thank youuu!!!!" niyakap ko naman siya ng mahigpit
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomanceSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...