AAAUUUUSTIIIN!
Naku naku nakuuuuuuu. Nangigigil akoooo.
Papalapit na ako sa kanya pero biglang may humarang saakin.
"Ma'am Summer" sabi nung in-assign kong manager dito sa coffee shop
Tiningnan ko naman ito.
"A-ano po kasi ma'am. Yung kaibigan ko pa kasi ay nag-hahanap ng trabaho, nasabi ko sa kanya na kulang pa tayo ng tauhan dito sa coffee shop. Pwede mo po bang iinterview siya?" pag-aalinlangan niya namang kwento saakin
Tiningnan ko muna yung gawi ni Austin at nakita itong may kausap sa phone at nakakunot ang noo. Binalingan ko naman ng tingin yung manager.
"Sige. Sabihan mo siya na mag-submitt sa'yo ng resume at ipasa mo saakin" natuwa naman ito
"Thank You po Ma'am Summer! Naku matutuwa po siya kasi working student po yung bata na iyon." tumango naman ako sa kanya
"Si Austin" banggit ko sa kanya at napatingin naman siya sa gawi ni Austin
"Nag-bayad ba 'yan?" tanong ko
Napakamot naman ito ng ulo. "Eh ma'am. Kasi sabi po niya, okay naman daw po sa'yo na hindi daw po siya mag-bayad eh"
"Sige, balik ka na sa trabaho mo"
"Sorry po ma'am. Sige po" at umalis ito sa harap ko
Lumapit naman ako dito at mukhang kakatapos niya lang sa phone at nakita niya ako na masama ang tingin sa kanya.
"S-summer!" bati niya
"AT BAKIT---"
"Hep hep! Teka. Tingnan ko mo muna phone mo. Kanina pa daw tumatawag si Stephen hindi ka daw sumasagot. Mukhang naka silent nanaman phone mo" sabi niya. Sinimangutan ko siya at kinalkal yung bag
Tiningnan ko naman siya at nakitang nakangiti siya.
"Oy! Hindi ka pa ligtas. Huwag kang ngumiti diyan" masungit kong sabi sa kanya. Tinawagan ko si babi.
"BABI! WHERE ARE YOU? WHY ARE YOU NOT ANSWERING MY CALLS?" pag-galit niyang tanong saakin
Huminga ako ng malalim. "Sorry. Naka-silent eh" sabi ko sa kanya
"You okay?" tanong niya
"Hmm. Yung totoo? Hindi. Umiinit yung ulo ko sa Jessica na katrabaho mo jusko!" umupo ako sa harap ni Austin
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomanceSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...