Chapter 10

17 0 0
                                    


"Yung mga ka-close ko na mga lalaki puro kabulastugan lang naman ang ginagawa. Siguro may pagka-gentlemen din sila pero hindi ko lang pansin" tiningnan ko siya at parang hindi pa siya kumbinsido


"Yun na yun haha" tiningnan naman niya ako ng masama


"Kasi lahat ng mga kilala ko playboy. Ni-walang nag-seseryoso puro lang laro. Puro sila paiyak ng mga babae. Ganun" sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan yung case ng phone ko


"At isa ka sa napag-laruan?" tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.


"Pero okay naman na iyon. Sinabi ko din naman sa kanila na quits lang kami kasi nakipag-laro lang din ako" sabi ko pero hindi siya naniniwala sa sagot ko


"Dami mong pinagdaanan noh? Pero nakangiti ka pa din. Pano mo nagagawa 'yon?"


"Lahat ng tao may pinagdadaanan. Kung iisipin may mga taong mas malalaki pa ang problema kaysa saakin. Naka-depende sa'yo kung magiging masaya ka o hindi. Kung gagawin mong miserable ang buhay mo wala naman mag-babago. Kung mag mumukmok, kung iiyak lang. Mas mabuti pang mag-isip ng ibang bagay at ituon doon yung pansin mo yung bagay o mga taong nag-papasaya sa'yo. Gawin mo silang motivation para hindi ka malungkot. Kasi meron namang plano ang diyos sa lahat ng tao. Lahat ng pinag-dadaanan ng mga tao ay isang pag-subok. Kailangan lang kumapit at wag bumitaw sa kanya. Palaging positibo lang. Lahat naman ng problema malulutas eh basta ba maniwala ka lang." mahabang sabi ko sa kanya


"Kung playboy talaga yung ibang lalaki. Iniisip ko na lang na may pinagdadaanan din sila kaya tinutuon nila yung pansin sa mga babaeng nag-papasaya sa kanila. Mali man pero maiisip din nila yan pag-dating ng panahon" patuloy ko sa sinasabi ko


"Wow! Grabe! Parang lahat ng problema ko din sa buhay parang naging maliit na lang para saakin. Napaka positibo mo eh noh?" natawa naman ako sa sinabi niya


"Pero seryoso. Lahat na nang-gago sa'yo, lahat sila dapat mag-sisi. Isang package ka na! Maganda, matalino, mabait, maintindihin siguro talented din. Ano ba ang mga talents mo?" tanong niya saakin. Biglang dumating yung pagkain namin. Uminom ako ng pineapple juice at kumuha ng chicken. Binuksan ko na din yung gravy.


"Hmm. Kasali ako sa choir tapos natutunan kong sumayaw ng elementary ako tapos nag-pplay din ako ng instruments kagaya ng guitar, piano and violin" napa face palm naman si Blaze sa mga sinabi ko


"Complete package!" sabi niya habang tinuturo niya ako


"Haha! Wag ka nga. May mga flaws din naman ako noh"


"Oo. Lahat naman ng tao may mga flaws pero para saakin. Perfect ka na haha" napakamot naman ako sa ulo


"Wag ka na ngang mambola. Kumain ka na lang." sabi ko


Nang-matapos kaming kumain nag-tanong naman ako kung saan na kami pupunta.

"Mag-lilibot. Kahit saan" sagot naman niya

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon