Chapter 22

16 0 0
                                    


Kath's POV


"Kath!" sigaw nung tatlo saakin


"Bakit si Blaze?" rinig kong tanong ni Jamie


Agad ko namang nilabas yung phone ko nung makaalis sina Summer.


"Kath? Ano yung sinabi sa'yo ni Summer?" tanong nung mga barkada namin. Hindi ko na sila pinansin at agad na tinawagan si Blaze. Hindi na din ako pinakialaman ng mga barkada namin dahil busy na sila sa panonood sa kanya kanya nilang phone dahil nakikita doon sina Summer.


"Hello?" rinig kong sabi ni Blaze sa phone at naririnig ko din yung boses ni Kyle. Mukhang nasa bahay nila Summer si Blaze


"Blaze! Emergency. Si Summer nakipag ahhh. Tsk! Drag racing!" natataranta ako bwisit.


Narinig ko naman na bigla siyang naubo. Umiinom ata ito ng tubig.


"ANO!?"


"Tumawag ka na Blaze ng pulis. Jusko baka kung anong mangyari kay Summer" nag-aalala kong sabi sa kanya


"Sige sige. Nasan ba kayo?" tanong niya


"Nasa school. Bilisan mo!" binaba niya na yung tawag


"Anong sabi?" tanong nung tatlo


"Papunta na daw yung mga pulis. Kaya pala si Blaze kasi siya yung nasa bahay ni Summer" sabi ko. Tumango naman sila at pinanood si Summer sa phone ni Austin.


Nabigla kami nung may narinig kaming paparating na train. At halos hindi kami makahinga nung makita namin na nakalagpas si Summer bago pa dumaan yung train at samantalang yung bakulaw ay huminto. Sus! Weak!


"SHET! ANG GALING NI SUMMER!" rinig kong sabi nung mga barkada namin. Tiningnan ko sila at manghang mangha sila sa nakita


"WOOOOOH!" sigawan nila nung dumating si Summer na mabilis pa din ang patakbo at nag-drift at hininto yung motor. Pero kita mo pa din sa mga mukha nila ang gulat at naguguluhan kung pano iyon nagawa ni Summer.  Lumapit kaming apat sa kanya at niyakap siya.


Dumating naman yung bakulaw na kalaban ni Summer at agad na bumaba ng motor.


"Pano mo iyon nagawa?!" sigaw niya habang papalapit saamin. Nakita kong nginitian lang siya ni Summer.


Dumating na yung mga pulis at ikinataka ng mga barkada namin.


"Pano nalaman ng mga pulis?" tanong nila


"Patay na. Masasali ba tayo dito?" rinig kong tanong nila


Nawala yung kaba nila noong ang dinampot lang ay yung mga lalaking naka uniform. Mukhang may Saturday class sila kaya naka uniform sila.


Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon