Chapter 6

29 0 0
                                    

8:30 PM

Nasa loob sila ng bar habang ako lumabas muna. Hindi nila ako tinantanan kung sino daw ba si Stephen. Hindi ko naman sila sinagot. Wala muna akong balak sabihin sa kanila kung sino ba si Stephen. Sa tamang panahon ko na lang sasabihin. Ayokong mag-explain ngayon. Masakit pa din isipin na nakatali na ako kahit hindi pa ako kasal talaga.

Ramdam ko na agad na nakatali na ako. Nag promise nga diba ako, doon pa lang sa part na iyon taling-tali na ako lahat ng gagawin ko dapat alam niya. Speaking of—

Sinabi kaya nung dalawa na muntik na akong malunod kanina?

Napunta ako sa pool na malaki at mag-mumuni muni lang sana. Wala akong makausap ngayon eh. Busy yung mga lalaki sa pag inom at ganun din yung mga babae pero konti lang. Sina Jamie at Kath busy sa lablype.

Umupo ako sa side ng pool at ibinabad ko ang paa ko sa tubig. Pinag laruan ko yung paa ko sa tubig.

"Haay" bigla akong napatingin sa side ng pool at nakita yung dalawang lalaki na sumagip saakin. Nakatingin din sila saakin eh. Umahon ako sa tubig at nilapitan sila.

"Hi" panimula ko

"Hey" Sagot ni blue eyed guy

"How are you?" tanong ni blue eyed

"Ahmm. Okay naman" napatingin ako sa lalaking galit kanina. Ngumiti siya saakin

"I'm Blaze by the way and this is Jack" pakilala nung lalaking nagalit kanina

"Summer" nakipag kamay ako sa kanila

"We know you already"

"Sinabi ng mommy ni Jam-- I mean Stephen?"

"Haha. Nope" sagot ni Blaze

"Ahmm sinabi nung daddy ni Stephen?" umiling silang dalawa

"Huh? Stephen?" tumango naman sila

"Eh?" naguguluhan ako. Pano? Bakit?

"Nang malaman ni Stephen na ipapakasal siya. Inalam niya agad kung sino yung ipapakasal sa kaniya. Sinabi ng magulang niya yung pangalan mo at pinahanap ka saamin" sagot ni  Jack

"Yep. Pinahanap ka niya saamin. Workaholic yung gago na yun kaya kami yung pinag-tripan na hanapin ang isang Summer Whitney Cruz" sabi ni Blaze

"Pinahanap niya ako sainyo?" tanong ko

"Yup! Inalam niya lahat ang tungkol sa'yo" sabi ni Blaze

"Anong klase?" tanong ko umupo na ako sa tabi nila at nilublob ulit sa tubig yung paa ko

"Kung ano ka ngayon. Kung ano mga achievements mo at mga friends mo" sagot ni Blaze sa tanong ko

"Ahh" biglang tumahimik kaming tatlo nang maalala ko yung nangyari kanina

"Sinabi niyo ba sa kanya yung nangyari sa'kin?"

"Hindi" sagot ni Blaze

"Ah"

"I told him to not mingle with others business. You should be the one to tell him what happened to you this day" sabi ni Jack

"Ha? Eh. Wala naman yun pake. Sabi niyo nga workaholic yun wala yung pake saakin. Hindi naman kami close at arrangement lang naman nangyari saamin" sagot ko

"Yes but he's still your fiance. You should tell him about the incident. He still have a heart you know. Even though it's just and arrangement and there's him being workaholic, he still cares for those people around him. He just, he doesn't show it that much." sabi ni Jack

"I'll think about it." sagot ko sa kanila

---

6:00 AM

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kasama ko sa kwarto.

"Summer! Bangon na. Swimming tayo! Sulitin na natin dahil after natin mag lunch aalis na tayo" paalala ni Kath saakin

Tumango na lang ako at nag-ayos ng higaan.

Natandaan ko yung nangyari kagabi. Instead na sumunod sa sinabi ni Jack, hindi ko na sinabi kay James. Natutuwa nga ako eh. Jack yung name niya. Kapangalan nung kapatid ni James na crush ko haha.

Kinuha nila yung number ko at ganun din sila. Binigay nila yung number nila saakin in case na may mangyari nanaman daw saakin na masama. Sus! sinabi ko nga sa kanila na 'I'll be careful na next time' tumawa lang sila. Nag-stay lang kami doon at nagkwentuhan pa hanggang sa antukin ako. Hinatid lang nila ako sa kwarto tapos natulog na ako. Wala pa yung kasama ko nung pumasok ako sa kwarto.

Nag-ayos na ako pero parang tinatamad talaga ako kaya pinanood ko na lang silang maligo sa dagat at ang iba naman sa pool.

Tiningnan ko naman yung phone ko at nakitang nag text si James

Kuya James:

I'm going to send you some paper works

Summer:

Ha? Bakit?

Kuya James:

I want to test your ability in case of having a business problem

Summer:

I'm not good pa sa pag solve sa mga problema sa business

Kuya James:

That's why I'm testing you so that I'll be able to know kung ano yung kulang sa'yo



Tss. Aray naman! Kailangan ba maging perfect akong wife?!



Summer:

Fine fine. Mamaya ko babasahin kapag nakabalik na ako sa bahay

Kuya James:

Your still not home!?

Summer:

Overnight kasi yung swimming eh

Kuya James:

Go home na

Summer:

Ha? Eh di pa sila tapos. Mamaya pa kami uuwi kapag nakapag-lunch na kami

Kuya James:

Fine. Make sure that you'll study hard!

Summer:

Opo



Ano ba iyan! Wag mo na ipaalala. Kakayanin kong mag high honor! Sana kayanin. Mama, tulungan mo ko ha.

---

Time flies too fast. Pasukan na naman! Huhu.

"Classmates be good to me" sabi naman ni Austin sa mga kaklase namin

"Gago!" sigaw ng mga kaklase namin

"Ayaw namin!" sigaw naming lahat

Tumawa naman si Austin at bumalik sa inuupuan niya.

Nag-papakilala kaming lahat sa unahan. Wala naman pinag-bago dati pa din yung mga kaklase namin except sa room at adviser. Kaya kailangan ulit namin mag-pakilala para sa bagong adviser namin.

Nakipag-kwentuhan lang naman yung adviser namin saamin hanggang sa matapos yung umaga. Nag-laro din kami at kung ano-ano pa.

Tatlong araw kasi hindi pa masyadong seryoso. Parang winewelcome kami at parang nasa getting to know each other stage kami pati yung mga subject teachers namin.

Balik iskwela. Dito na mag-sisimula ang kalbaryo ko.

Nag-advance naman na akong mag-aral. Napag-aralan ko na din yung business at nagawa ko din yung mga pinapasagot saakin ni James. Gora lang.

Kaso hindi ako nakakatakas sa mga masasakit niyang salita. Nakakabiyak ng puso. Yung mga barkada ko lang talaga ang makakapag-pagaan ng loob ko.

Haaay.

Kaya mo 'to Summer Whitney Cruz.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon