Chapter 26

19 0 0
                                    


Ilang araw na ang makalipas nung maganap yung kasal namin ni babi. Wala naman nangyari nung gabi. Natulog lang kaming magkakatabi, kasama si Kyle sa hotel.


WALA NAMAN KASI DAPAT MANGYARI! Haha.


So ayon. Balik ulit kami sa probinsya. Balik sa trabaho si James at pinapabayaan niya pa ako ngayon. Wag na muna daw akong mag-trabaho. Alagaan ko na lang muna daw si Kyle at sulitin ang pagiging teenager ko daw.


Nag-eempake ako ngayon ng gamit dahil aalis kami mamaya. Pupuntang beach. Ewan kung saan nanaman kami pupunta. Basta game ako sa pag-sama sa kanila dahil outing ito ng lahat ng Grade 12.


Siguro dito ko na din sa kanila sasabihin yung mga naganap. Hindi naman kasi kumalat yung mga pictures namin na merong asawa na si Mr. Perez kasi walang pinapasok na media sa kasal namin. Sila mommy, nag-popost ng mga pictures namin at nalilimot na i-tag kami kaya hanggang ngayon hindi pa din alam ng mga kaklase ko. Kakaunti lang din naman mga friends nina mommy sa fb kaya hindi kumalat.


Pero alam nila na may Kyle sa buhay ko. Dahil mi-namy day ko siya. Pero hindi nila alam na literal na anak ko talaga 'to. Haha.


Narinig ko namang may maingay na sa baba. Nag-text ako sa kanila na mag-bibihis lang ako.


Nag-suot lang ako ng dress na sleeveles na puti at may mga design itong bulaklak. Nag-lagay ng tint sa cheeks. Drunk blush ba at nag-lagay sa lips. Tapos pulbo lang. Ewan, parang ayokong mag-lagay ng foundation.


Bumaba na ako dala yung bag ko. Hindi ko isasama si Kyle kasi baka mapahamak lang ito doon. Okay lang naman daw sa kanya para wala daw akong bantayan doon. Ang sweet nga ng baby ko eh.


"Yow!" bati nila. Kinuha naman ni Austin yung maleta ko


"Ayos ah. Fresh look" sabi ni Kath


"Naman!" sabi ko naman sa kanya


"Alis na po kami auntie" paalam ko kay auntie at nag-kiss sa kanya


"Baby. Behave ka lang dito ha. Wag maging pasaway kay tita mommy" pag bilin ko dito. Ngumiti naman ito saakin at tumango.


"Enjoy ka mommy doon" nag-smile ako sa kanya at ginulo yung buhok niya. Nag-kiss lang ako sa cheeks niya at lumabas na kami.


Nakita ko naman sila na nag-aabang na sa sasakyan. Nandoon na din yung mga bag nila sa likod ng kotse ko. Ako muna yung mag-ddrive. Katabi ko si Jamie. Sa likod naman si Kath at Austin at sa pinaka likod si Steph. Solo niya yung mga upuan doon para daw makatulog siya ng maayos.



---


Nung mag 12 na. Dumaag muna kami sa fast food at nag order ng makakain at umalis din agad. Si Austin na din yung nag ddrive kaya doon naman ako sa tabi ni Kath umupo.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon