Chapter 5

29 0 0
                                    


Tapos na akong kumain at ganun din yung mga kaibigan ko. Nag-kkwentuhan lang sila tungkol sa mga babae. Naku naman hindi na nag-sawa ang mga ito sa babae. Dami na nilang napag-tripan.


Umalis si Kath kasama yung boyfriend niya. Si Jamie naman nakaupo habang kaharap yung phone niya. Kachat ata yung boyfriend niya. Si Stephanie kausap yung mga kaibigan niyang taga Stem. Si Austin busy sa pakikipag kwentuhan sa barkada niya tungkol sa mga girls nga. Haay. Ako lang yung walang ginagawa. Ayos ah!


Tumayo na muna ako dahil gusto kong mag-lakad lakad. Di ko pa ito nalilibot eh. Nag-picture lang naman kasi kami nina Kath sa kwarto lang.


Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at pinicturan yung paligid. Hindi maaraw ngayon kaya lumapit ako sa dagat. Nag-start akong mag picture. Photographer yata to haha. Napatingin ako doon sa mga surf boards at pinicturan ko ito.


"Someday"


"Someday na?" napatingin naman ako agad sa likod 


"Oh Jacob!"


"Hi, anong someday?" tanong niya at tumabi sakin


"Ha? Ah wala. Yung mga surf boards lang naman." saad ko at umupo at binabad ko yung paa ko sa tubig


"Gusto mo mag surfing? Marunong ka ba?" tanong niya


"Yun nga eh. Simpleng pag-langoy nga hindi haha. Pero marunong naman ako konti pero pag nasa malalim na, na part, hindi ko na keri." sagot ko sa kanya


"Gusto mo turuan kita?" suggest niya


"Sus. Simpleng motor nga ayaw niyo kong turuan, kayong magkakaibigan. Pag-swimming pa kaya? Baka lunurin mo lang ako diyan haha"


"Hindi naman uy! Hindi ka namin tinuturuan kasi papagalitan kami ng papa mo pag nalaman niya at pati ikaw papagalitan din. Risky ang pag momotor"


"Risky din naman ang pag langoy sa malalim ah" sagot ko sa kanya


"Hay nako! Bahala ka na nga. Ayaw mo lang mag-paturo eh"


"Haha syempre gusto. Tara ba!" aya ko sa kanya. Tumayo na ako at nag start nang pumunta sa tubig


"Seryoso ka? Ngayon na?"


"Oo! Hmmmph. Sabi na nga ba nag jojoke ka lang na tuturuan mo ako" pabalik na ako sa tinatayuan ko kanina nang tumakbo siya at hinila ako papunta sa tubig. Hawak hawak niya yung kamay ko habang papunta kami sa malalim lalim.


Nandoon pa lang kami sa part na nababasa na yung shorts namin nang may tumawag saamin.


"Jacob! Summer!"


Napatingin naman kami sa tumawag. Naandoon yung mga kaibigan namin na taga Stem. Bumalik kami kasi parang may sasabihin sila.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon