Chapter 2

33 0 0
                                    

-10:00 AM-

Pinagbihis ako nila mommy dahil pupunta daw kami sa SM. Bibili daw kami ng mga damit at kung ano-ano pa. Bukas na din yung alis nila kaya gusto nila ako makabonding. Hindi na daw sasama sina papa, auntie at Vince dahil may pupuntahan daw sila.

Simple lang naman ang suot ko, black na fitted na shirt, pants na maong and converse na black. 

Pag-baba ko hinead to foot ako ni mom.

"Ahm, may mali po ba?" tanong ko

Tiningnan ko yung sarili ko. Ayos naman ah. Nag-lagay ako ng make up pero yung light lang naman. Tiningnan ko yung mga suot nila. Naka dress si mom tapos naka maong din naman si mommy. Ano ba yan! Buti pa sila hindi mukhang matanda na. Sana ako din haha.

"Ah, wala baby. Tara?"

Pumunta na kami sa kotse. Ang laki naman netong sasakyan na 'to. Sumakay na sila at kanya-kanya silang pwesto. Di ko alam kung saan ako uupo. Kasi may bakanteng upuan sa katabi ni future husband.

"Summer dear. Come in and sit sa tabi ni Stephen" sabi ni mommy

Tingnan ko naman si Stephen. Aba't inirapan nanaman ako. Ambastos din talaga netong fiance ko. Ang sarap sipain palabas ng kotse! Ang kaso nga lang hindi to saakin baka ako pa mapalabas kung sisipain ko tong Stephen James na 'to.

Pinabayaan ko na lang siya at umupo na lang ako sa tabi niya. Nilabas ko na lang yung cellphone ko at yung earphones. Nag-patugtog na lang ako ng mga kanta ni Kuya James. Oh diba! Maka kuya kala mo kapatid talaga haha.

Nag-bukas ako ng messenger at nakitang may mga bagong messages ang gc namin na Gr. 11 at yung GC naming lima. Inuna kong binasa yung GC naming siopao squad.

Siopao Squad

Jamie:

Hey ppl! Sama tayo sa swimming ha.

Kath:

Try ko.

Austin:

Lahat sasama anobaaa!

Stephanie:

Game ako guys.

Kath:

Kelan ba yung swimming?

Austin:

Magbasa-basa kasi sa GC! Sa Sabado daw

Jamie:

Di yan nag-babasa ng GC! Busy yan sa lovelife!

Stephanie:

Oo nga! Tingnan mo hindi na nag-reply.

Seen by Summer

Jamie:

Hoy @Summer! Walang seen-seen! Reply!!!!

Sasama tayo sa swimming ha! Buo tayo! Solid! Walang aayaw!

Summer:

Try ko

Kath:

HAHA OO NGA! TRY NAMIN!

Stephanie:

Ayan! Nag-sama nanaman ang mag best friend na 'to

Austin:

Seryoso nga guys! Sasama lahat!

Summer:

HAHAHA. Mag-papaalam ako.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon