Chapter 28

18 0 0
                                    


Lahat kami nandito sa isang restaurant. Pinaclose nga muna ito ng magaling kong asawa para makapag-usap usap kami. Galing eh noh? Pag-mayaman nga naman.


Noong gabi kasi umamin na ako sa kanya na nag-aaway away kami dito at ayun nagalit siya ng konti saakin pero napatawad din naman niya agad. Buti nga eh. Baka hindi na ako makasali sa game.


Hindi pa naman tapos yung surf game sa labas, marami pang mga contestants.


Tiningnan ko naman silang lahat. Si Kyle ay kalaro ang mga kaklase ko. Ang squad nag-uusap usap kasama sina Blaze at Jack. Ang sasama nga ng tingin kina Jacob eh.


Si babi naman nandito sa tabi ko. Tinitingnan ako.


At yung mga ibang strand naman ay nakatingin lang saamin.


"Simulan mo na kaya" sabi niya



"Guys!" pag-tawag ko sa attention nila


"Gusto kong ipakilala sainyo si Stephen. Asawa ko. Kinasal lang kami last week at yung si Kyle ay adopted child namin. Namatay kasi yung mga magulang niya sa plane crash at kami na yung kumuha sa kanya kasi as best friend ni James. Kinupkop niya na si Kyle" napa 'aww' naman sila dahil kawawa naman daw yung bata.


Tiningnan ko naman yung mga barkada ko at sina Jacob at mukhang gulat na gulat sa pangyayari.


"We'll just leave. I think it's better if you guys talk without us hearing it. Away niyo yan eh. Okay na yung nandito kami, naipakilala mo kami sa kanila ng maayos" ngumiti naman si James saakin at kiniss yung noo ko


"Let's go" sabi ni James sa mga pinsan niya


"Ha! Bakit? Makikinig din ako!" makulit na sabi ni Blaze at tumango naman si Jack


"Come on! Hindi naman tayo kasali diyan" sumimangot naman yung dalawa


Binuhat niya na si Kyle at nag goodbye si Kyle sa mga kaklase ko. May sinabi si James kay Kyle at napatingin ito saakin.


"Good luck mommy. I love you" at nag flying kiss ito at nag wave siya saakin. Umalis na silang apat at kami na lang ang natira dito


"Totoo pala lahat ng sinabi mo" rinig kong sabi ng isa sa barkada namin. Tumango naman kami.


"Boyfriend ko si James noong summer pa. Nag-sisimula pa lang kami noon pero totoong may gusto ako sa'yo nun Jacob. Pero yun nga yung sabi ko. Nawala yun kasi nandyan na si James. Napagkasunduan na ikasal kami ng mga magulang niya at yung mga kaibigan ni mama na chinese" kwento ko


"Arrange marriage?" tanong naman ni Jacob na naiiyak


"Yes. Naging mag-partners sila mommy at yung mga magulang ni James. At yun! Hanggang sa dumating si Kyle sa buhay ko noong kinabukasan ata iyon ng debut ko" tumingin naman ako sa mga kaibigan ko at tumango sila

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon