Chapter 18

16 0 0
                                    


Pumasok ako sa room na may malawak na ngiti sa labi. Ih! Kinikilig ako eh. Wag kayo.


"Ayos ah! May aso tayo ngayon" biglang salita ni Austin nung makita akong abot langit ang ngiti


"Gago! Panira ka alam mo iyon?" sigaw ko sa kanya


"Anyare? Ba't ganyan ka makangiti?" tanong ni Kath. Nilagay ko yung bag ko sa upuan at tiningnan sila at ngumiti ulit at natandaan yung nangyari kagabi at kanina. Kung alam niyo lang na aawkwardan akong humalik sa kanya at yumakap pero dapat chill lang eh. Wag mag-pahalata na kinikilig. HOHO.


"HOY! Mukha ka nang camatis!" sigaw ni Jamie


"Haha. Wala naman. Hinatid lang naman ako ni James dito iiih" sabi ko habang kinikilig


"Oh? Umuwi?" tanong ni Kath


"Tatagal ba daw siya? Jam tayo?" tanong ni Austin


"Umuwi na. Nag-freak out lang iyon kagabi kaya pumunta dito sa probinsya" sabi ko


"Bakit nag freak out? Seloso noh? Nalaman yung kay Jacob?" tanong ni Steph


"Deh! Nakita niya yung video kahapon na hold-upan" sabi ko


"Ay speaking of. Kinongrats ako ng mga classmates natin kanina. Nakita daw nila yung video kasi kalat daw sa social media at yung post nung nanay." aniya ni Austin


"Wow! Ikaw lang yung sinabihan ng congrats? ha? ha?" biglang sabat ni Steph kay Austin


"Kami rather. Yan okay na?" tanong niya kay Steph. Mga baliw talaga mga kasama ko


"Teka ano yung post nung nanay?" tanong ko


"Nag-pasalamat saating anim sa pag-tulong natin sa kanya. Kumalat din 'yon eh" sabi ni Steph


"Ahh galing ah. Heroes na pala tayo ngayon haha" sabi ko


"Haha oo nga. Pero teka nawala nanaman tayo sa main topic natin eh. Anong nangyari kagabi?" tanong ni Kath


Oo nga. Buti napapansin mo din na kapag nag-kkwentuhan tayo kung saan-saan napupunta yung kwentuhan kahit hindi pa tapos ang main topic natin.


"Ayun. Sila mommy at daddy pumunta din pati mga magulang niya at sina Blaze" sabi ko


"Haha. Ayos ha" sabi ni Austin


"Haha. Ayos sa'yo dyan. Nasa board meeting sila tapos biglang umalis agad. Nambulabog sila sa bahay ng 3 am!" sabi ko sa kanila habang nag-mmake face


"Hahahaha. Lupet ng magiging pamilya mo Summer!" komento ni Jamie


Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon