"Mommy! Move it a left, a little"
"Oo Summer. Konting left lang. Magkadikit ng onti yung o at u eh" sabi naman ni Jamie. Sinunod ko naman sila at pumunta sa pwesto nila at tiningnan yung nilagay kong 'Happy 21st Birthday James taus sa baba nun ay We love you'.
"Ayan! Maganda na!" sabi ko at tiningnan yung kwarto ko na puno ng dekorasyon. Mamaya maya dadating na si babi. Kakain muna kami bago umalis. Pupunta kaming Coron at doon mag cecelebrate ng birthday ni babi.
Naandito ang squad dahil tinulungan nila ako sa pag-aayos atyaka hindi yan mag-papahuli. Aalis nanaman kami eh. Buti nga pinapayagan sila ng mga magulang nila na sumama saamin.
Tuwang tuwa naman nina mommy sa kanila. Parang mga ampon na sila ng mga ito eh.
"Mommy! Nandyan na si daddy!!!" agad namang umalis si Kyle sa kwarto dahil narinig niya kasi sa labas yung boses ni mommy.
"Uy! Pwesto na tayo" sabi ko
"Asan yung party popper?" tanong ko
"Nasa akin" sagot ni Jamie at Steph
"Eh yung banner?"
"Nasa amin" sagot naman ni Austin at Kath. Binuksan na nila ito. Ang nakalagay lang naman doon ay picture naming tatlo at may happy birthday din haha.
"Hmm. Yung cake?" nag-kibit balikat sila
"HALA! Asan yung cake?!" taranta kong tanong
"Eto" tiningnan ko si Austin na tatawa tawa at sinapak ito sa braso
"Oh mahulog!" sabi niya
"Gago ka kasi. Pag ito nahulog nako! Hindi kita papasamahin!" pananakot ko sa kanya
"Sus! Isasama ako ni Mommy Tina kahit hindi mo ako pasamahin. Beh!" tinangka kong sipain siya kaso bumukas yung pinto
"HAPPY BIRTHDAY DADDY!" sigaw ni Kyle
Nagulat naman kami.
"Happy Birthday!
Happy Birthday!"
Nagkatinginan kaming apat kasi hindi kami nagkasabay sabay mag greet. Bigla namang pumutok yung party popper.
"Wew" sabay sabay naman silang nagkamot ng ulo. Samantalang ako, tumalikod sa kahihiyan.
"Epic haha" rinig kong sabi ni Blaze at tumawa pa ito. Tumalikod naman yung apat at nagkumpulan kami.
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomanceSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...