Chapter 23

16 0 0
                                    


Lumipas ang panahon. Natapos na namin ang projects at thesis namin. Nakapag-exam na din kami. Thank You Lord!


Pero meron pa din isang bagay o topic na hindi matapos tapos. Jusko! Nag-daan na ang pasko at New Year. Malaki pa din ang galit saakin ni Ericka pero hindi naman na ako ginugulo nung mga bago niyang kaibigan. Naku! Subukan lang nila.


"Congrats sa atin Siopao Squad!!!" sigaw ni Jamie. Nag-yakapan naman kaming lima sa tuwa dahil graduate na kamiiiii! Woooh!


"Thank You Lord dahil graduate na kami at hindi lang 'yan. With honor at with high honor kaming lima" ngumiti naman kami sa sinabi ni Steph. Kaming apat na babae ay with high honor samantalang si Austin naman ay with honor. Sayang nga eh. Muntikan na siyang mag high honor.


"Congratulations graduates!" rinig namin na sabi nung emcee. Tinanggal namin yung cap namin at tinapon paitaas


"YEEEEAAAY!" sigawan ng mga estudyante


"Selfieeee!" sigaw ng adviser namin saaming abm.


"Groufie ma'am. Grou-fiee" pag-tatama ni Austin na ikinatawa namin


"Oh edi GROUFIE!" sigaw ni ma'am at itinaas niya na yung phone niya para makapag-picture kami


"SMILE!" sigaw ni ma'am


"WACKY!"


Biglang dumating naman yung ka-schoolmate namin na may palaging dala na dslr. Umayos naman kami at nasa gitna namin si ma'am.


"1, 2, 3" nag-flash yung camera. Papaalis na sana yung ka-schoolmate namin pero tinawag siya ni Austin.


"Isa pa!!!" sigaw ni Austin habang nakataas pa yung kamay niya


Tumawa naman kami at nag ready ulit nung bumalik yung lalaki sa pwesto niya. Tinutok niya sa amin yung cam at imbes na siya yung mag-bilang. Si loko-lokong Austin ang nag-bilang.


"Oh! 1, 2, 3. Saaay S*X!" imbes na nakangiti kami na formal, lahat kami nakatawa except kay ma'am na tiningnan si Austin ng masama.


"Austiiin!" sigaw ni ma'am at pinalo palo ito. Tawa lang kami ng tawa.


"Wooh! One more time Austin!" sigaw ni Allison at nakataas yung phone niya para mag groufie kami.


"Say S*---" hindi na natuloy ni Austin dahil tinakpan na ni ma'am yung bibig niya


"Naku talagang bata ka! Puro bastos ang naririnig ko sa bibig mo" inis na sabi ni ma'am


"Hala. Edi po pala pag-tinawag po kita bastos na din po pala ang pangalan mo" napa-nganga naman kami sa sinabi niya at lumakas lang yung tawanan dahil may ibang nakarinig ng sinabi ni Austin

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon