Chapter 7

20 0 0
                                    

Pangatlong araw na ng pasukan namin. Last day na nang pagiging masaya ng mga estudyante. Mag-seseryoso na kami bukas huhu. Busy kaming mga ABM sa pag-iisip ng laro. Wala yung mga teachers eh. May meeting daw sila. Kaya eto kami, magulo nanaman.

"Hide and seek tayo!" sabi ni Jamie. Tingnan mo 'yan ha. President ng klase yan! Siya pa yung nag-aya na mag laro

"Game ako!" sabi ko

"Ako din!" sabi nina Kath

"Ikaw na Summer yung seeker! Tara guys! tago na tayo!" agad na sabi ni Jamie

"Anduga naman! Walang ganyan!" sabi ko sa kanila with matching dabog dabog pa

"Oh sige sige" nag-tipon tipon naman ang lahat na ABM. Lahat daw sila sasali eh. Walang kj kj daw

"HAHA! Steph! Ikaw yung seeker! HAHA! TARA GUYS!" tawang-tawa na sabi ni Austin

Pwedeng mag-tago sa 1st floor, 2nd floor, 3rd floor tapos sa canteen pero bawal sa kabilang building. Pagod ang mag-hahanap sigurado 'to.

So ang napagkasunduan kung sino ang unang mahanap nung seeker yun yung magiging seeker sa next game. Kapag may nahanap na yung seeker edi hahanapin pa nila yung ibang kasali sa game para masabihan na meron nang bagong seeker. Haha! Oh diba! Uuwi kaming pagod neto.

Sumunod naman ako kay Jamie.

"Summer! Alis ka nga! H'wag kang sumunod saakin!"

"Ayokooooo!" tatawa tawa akong sumunod sa kanya. Pumunta kaming 2nd floor. Triny na buksan ni Jamie yung pinto ng cr ng girls.

"Sarado" sabi niya

"Dito na lang kaya" suggestion ko sa cr ng boys

"Gaga ka ba! Solo ka kung gusto mo" tapos tinulak niya ako papasok doon at iniwan ako

"Suggestion lang naman ah haha!" sumunod ulit ako sa kanya. Papalapit na kami sa hagdanan nang makita namin si Stephanie na pababa ng hagdan.

"Tangina Summer!"

"Jamieee!"

Nagulat kasi ako dahil pababa na si Steph kaya naitulak ko si Jamie papuntang hagdan at nag-tago ako doon sa may fire extinguisher.

"Haha! Sorry sorry! I'm so soreeey" tawang-tawa akong lumapit kina Steph habang tinataray-tarayan naman ako ni Jamie

"Aray-aray!" daing ko nang masampal ako. Walangya!

"You hurt me! Walang kwentang kaibigan! Hmpf!"

"Mas wala kang kwenta! Itulak ba naman ako sa hagdan. Gaga ka talaga!" pailing-iling siya habang lumalakad

"Hahaha! Sorey" tapos nag peace sign at pacute. Bigla ba naman habulin ang lola niyo. Ano na bang klaseng laro 'to? Wala namang ganto sa hide and seek

Bigla kaming natigil sa pag-habulan nang makita namin yung iba naming kasama.

"Oy! Tapos na! Si Jamie na yung seeker" sabi ni Steph sa kanila

"Ohh! Tago na ulit tayo! Akyat ka na Jamie sa 3rd floor!" sabi ng kaklase namin

"Oo nga Jamie! Akyat sa 3rd floor!" tawang-tawa kong sinabi sa kanya. Kaso binatukan ba naman ako

"Ikaw ang una kong hahanapin gaga ka!" umakyat naman siya sa hagdan papuntang 3rd floor.

"Pano 'yon nahuli?" tanong ng kaklase namin

Nagkwento naman si Steph sa nangyari at sinabihan akong bobo daw.

"Kaka-hurt kayo ah! Hahaha" sabi ko sa kanila

Naghiwa-hiwalay naman kaming mag-kakaklase at sumama na ako kay Kath at Steph.

"Hoy Summer! Wag kang sumama samin. Baka itulak mo din kami sa hagdan pag nakita si Jamie" pag-papaalis saakin ni Kath

"Di naman" pag-tatanggol ko sa sarili ko

Pumunta kaming 1st floor at nakitang walang gawa yung mga grade 8.

"Dito kaya tayo maki-tago?" tanong ko

"Nakakahiya" sabi ni Steph

"Psst psst! Pwedeng makitago?" biglang tanong ni Kath sa mga grade 8

"Gagi!" sabay sampal namin kay Kath

"Walang hiya ah! Tularan!" sabi ko kay Kath habang patawa-tawa kaming pumasok sa classroom nila. Pinayagan kasi nila kaming maki-tago

"Alam niyo para tayong mga timang--"

"Ikaw lang" putol nung dalawa sa sasabihin ko

"Lul! Teka, pakingan niyo muna ako. Tingnan niyo ba naman kasi, Grade 12? Naglalaro ng hide and seek?" natawa naman sila sa sinabi ko.

"Antagal naman ni Jamie" biglang tumayo si Kath dahil pagod na siyang umupo sa sahig. Sa sahig kasi kami naka upo at naka-tago sa likod ng mga upuan.

"Pano kaya pag nahuli tayo ni Jamie noh?" tanong ni Kath

'"Edi mahuhuli!" sagot ko

"Di ako mahuhuli" at nag-lakad ito na parang-siga sa classroom. Tumatawa naman yung mga Grade 8 sa pinag-gagagawa ni Kath

"Oy Kath!" biglang may tumawag galing sa labas ng classroom

"Oy! Jamie!" tapos nag-lakad lakad ulit ito

"J-JAMIE!" bumaling ito sa may pintuan. Tawang-tawa naman kami sa reaction ni Kath

"Oy Jamie! Kunyari di mo ko nakita. Bulag kaaaa, bulaaaag" sabi ni Kath at nag-tago ulit

"Hahaha! Gago! Ikaw na yung seeker! AKYAT SA 3RD FLOOR! HAHA" tawang tawa na sabi ni Jamie

"Akyaaat!" sabi namin ni Steph

"Ayoko na" biglang tumayo ang Kath at nag-lakad papalabas ng classroom

"Hoy! Walang madaya! Ikaw na yung seeker! Akyat!" sabi ko sa kanya. Tinulak namin siya papuntang hagdan.

---

Natapos ang araw na ito na puro kalokohan at puro laro. Halos lahat naging seeker pero ligtas ako doon! Hahaha. Nag-papahinga kami sa classroom namin. Lahat halos nakahiga sa classroom. Jusko. Kung makikita kami ng terror na teacher namin baka pinagalitan na kami haha.

Sa ngayon hinihintay na lang namin yung bell para makauwi na kami. Habang hinihintay ito puro kwentuhan kami sa loob ng classroom.

"Austin? Di mo nakita si Kath?" tanong ni Steph

"Hindi, bakit? Sa'n ba siya nag-tago?" tanong naman niya

"Haha! Actually hindi yan nag-tago. Nag-papatali ng buhok si Kath kay Trix. Dumaan ka nga daw eh sabi ni Kath. Bobo mo daw eh sabi niya"

"Huh? Wala naman akong napansin. Nag-hanap kaya ako sa classroom ng stem" sabi naman ni Austin

"Haha! Bobo naandon ako! Nag-papatali ng buhok! Hahaha"

"Bulag!" pag-tukso ko naman sa kaniya. Ganun na din yung buong klase. Wala lang pake ang Austin pumunta sa unahan at pinatugtog yung love shot sa phone niya.

"Kadiri ka Austin!" sigaw namin dahil nag-sesexy dance na ito sa unahan

Sana ganito na lang palagi.

Biglang nag ring yung bell, hudyat na pwede na umuwi. Nag-dasal lang kami ng Glory at nag-goodbye na sa isa't isa.

Haaay. Magsisimula na kaming maging seryoso bukas. 

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon