Kinabukasan nagising ako sa ingay sa baba. Tumingin ako sa kasama ko, lahat sila tulog pa. Dito na kasi sila natulog sa bahay kasi marami kaming nainom. Hindi nga ata kami nakakain kagabi eh. Walang nagising kahit isa saamin. Pumunta ako ng cr at nag-toothbrush at naghilamos na din.
Dahan dahan akong umalis sa kwarto para hindi ko sila magising. Bumaba ako at nakitang nandoon yung nanay ni Stephen kausap si auntie.
"Mom?"
"Mag-hahanda lang ako ng makakain" tumango naman si mom kay auntie at pumunta na si auntie ng kusina
"Summer dear!" lumapit si mom saakin at niyakap ako
"Ba't po kayo nandito?" kumalas na kami sa yakap
"Blaze told me that your working na in our company." diretso niyang sabi saakin
"Ah opo?"
"Well I didn't know about it. I was so shocked. Kaya nung maikwento yun saakin ni Blaze through phone ay pumunta ako dito agad para matanggap mo yung sweldo mo" masayang pag-kwento ni mom. Si mom talaga, akala mo naman ang lapit ng bahay namin sa bahay nila.
"Ha? Hindi na po mom" pag-tanggi ko naman
"Naku nailagay ko na sa bank account mo" sabi naman ni mom habang nakangiti
"Eh? Oh sige po. Pero sana hindi na po kayo pumunta dito. Nakakapagod po kayang bumyahe. Okay naman po kung sasabihin mo na lang saakin sa phone" pag-aalala kong sabi kay mom
"Naku! Don't mind me coming here. Gusto ko din naman mabisita ang daughter-in-law ko! At hindi lang naman ako pumunta dito para sabihin yung tungkol sa sweldo mo. May ibibigay pa ako sa'yo!" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mom habang si mom tuwang tuwa sa reaction ko
"Naku mom! Okay na po saakin ang sweldo na ibinigay niyo" umiling lang si mom at hinila ako palabas
"Here" binigay niya saakin ang isang box. Binuksan ko naman at nakitang susi ito. Kinuha niya yung susi sa box at pinindot niya yung kasamang box nun. Nabigla ako nang may tumunog. Tiningnan ko ito at shet!
"Mom! Naku! Kotse po? Hindi po ako marunong mag-drive!" sabi ko kay mom habang ibinibigay ulit sa kanya yung susi nung kotse.
"Nooo. Binili ko yan para sa'yo para hindi hassle sa pag-punta niyo ng kapatid mo sa school" binigay ulit ni mom saakin yung susi at itinulak ako papunta doon sa porsche 911 na color black.
SHET! SPORTS CAR! DREAM CAR!
Tumingin naman ako ay mom na naiiyak at niyakap ito. "Thank You mom"
"You're welcome dear"
"UY! SPORTS CAR!" biglang may sumigaw sa may likod namin at nakitang nandoon na pala yung mga kaibigan ko
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomansaSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...