Nandito ako sa kwarto ko at nag-aaral. Apat na araw na ang nakalipas nung mabigyan ako ng kotse ni mom. Di pa kami nakaka joyride talaga, yung iikot kung saan saan kasi busy kaming lahat.
Himala nga wala na akong natatanggap na chat o emails mula kay James eh. Nakakabigla. Tinuon ko na lang sa research namin yung utak ko. Gusto ko na ito matapos para bukas wala akong gagawin. Gusto ko sanang pumunta kami nina auntie sa mall eh.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ko nang may biglang kumatok. Napatingin naman ako agad sa orasan kasi nakagawian ko nang pag may kumakatok sa kwarto ko tinitingnan ko yung orasan ko 11 na ba. Pero hindi 9:30 pa lang.
"Pasok po" sabi ko habang may binabasa sa laptop. Narinig ko naman na pumasok ito. Naguluhan ako kasi hindi siya nag sasalita kaya tiningnan ko naman siya.
"Ja-Stephen?" ba't nandito 'to? May papagawa iyan sigurado
"Hey. Are you busy?" tanong niya
"Hmmm may hinahanap pa. Pero keri pa naman. May papagawa ka?" ikinalaki naman ng mata ko ng umiling siya
"Hmm? Bakit?" tanong niya
"Wala. Wala na talagang gagawin. Sina mommy muna ang in-charge sa company" minsan talaga nalilito ako dito sa lalaking ito. Minsan pure english tapos minsan din puro tagalog na siya. Sabagay half-half nga pala siya.
"Ahh" napakamot naman ako ng batok ko.
"Matatapos ka na ba?" lumapit naman siya at tiningnan yung ginagawa ko. Awkward ako mga bes.
"Oo. Kaso pag hindi pa ginawa nung mga ka member ko yung pina-search ko sa kanila, ako yung gagawa" binasa ko yung nahanap kong link
"What? Dapat pinapabayaan mo sila. That's their responsibility, don't spoiled them. They should also do their part if not then report it to your teacher" napatingin naman ako sa kanya. Nakaupo na siya ngayon sa kama ko.
"Eh? Kawawa naman. Di natin masasabi kung papagalitan lang sila eh pano kung ibagsak sila sa research na'to?" alala kong tanong sakanya
"Then so be it. They should learn from their mistakes you know" nag-isip namana ko
"Alam mo. Napakabait mo talaga. Anghel na anghel. Look, if you don't want to report them then takutin mo sila na irereport mo sila. Dapat gawin din nila yung part nila sa research niyo. Kaya nga groupings eh hindi individual. Dapat lahat mag ambag."
"Eh baka magalit?" sinamaan niya naman akong tingin
"Then let them hate you. At least hindi mo sila na-spoiled" napanguso nalang ako sa pinagsasabi ng kasama ko. Ibinalik ko na sa laptop yung tingin ko at tinapos ito.
"Hay salamat. Tapos na din" tiningnan ko yung group chat namin at sinend doon yung document na nagawa ko at sinabing gawin na nila yung part nila with a please. Matapos ko silang chinat tiningnan ko naman yung tao na nasa kama ko
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomanceSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...