Chapter 15

22 0 0
                                    


Papunta na ako sa classroom ko habang masayang nag-lalakad. Kasi PE day namin ngayooon! Haha. Sarap sa feeling pag naka pe eh. Free ka kahit anong gawin mo. Hindi hassle tumakbo o kahit bumukaka ka. Okay lang haha.


"Oy! Sinabi mo kay Stephen yung nangyari kahapon?" imbes na 'hi' ang madatnan ko sa mga kaibigan ko eh tinanong agad nila ako nang makapasok ako ng room.


"Hindi" nilagay ko yung bag ko sa upuan ko. Magkakatabi lang naman kasi yung upuan naming apat. Nasa pinaka likod kami ng room. That's what you called... wala lang.


"Bakit?!" tanong nila


"Ehh. Para hindi na lumala. Ayoko naman ng away eh. Kayo ba? Ready kayo makipag-away?" tanong ko sa kanila


"Ba't kami kasali? Away mo yan. Taga nood lang kami habang kumakain ng pop corn" sabi ni Jamie


"Naku. Ansarap niyo maging kaibigan. Supportive! Nakakatulong sa problema ko! Sobra" sarkastikong sabi ko sa kanila. Wala lang sa kanila. Tumawa lang sila. Ang sarap nilang itapon sa Mars eh.


"Pero sabagay. Ayaw din namin ng away eh. Kung mag-aaway man mas gusto ko yung tayo tayo lang mag-aaway o yung buong abm" sabi naman ni Kath at naki-apiran ito kay Stephanie


"Ang galing talaga ng imahinasyon mo eh noh?" tanong ni Austin na ikinatango lang ni Kath at natawa na lang kami


Tumigil kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok sa pintuan at hanap daw si Jamie. Lumakad naman si Jamie palabas ng room habang kami nag-kkwentuhan ng kung ano ano. Alam niyo na. Puro nanaman katarandtaduhan. Ano pa ba maasahan niyo sa mga kaibigan ko? Pero wag kayooo. Matatalino yang mga 'yan kahit ganyan haha. Si Austin, matalino din. Hindi lang talaga halata haha.


Bumalik naman si Jamie sa room at pumunta sa unahan. "Announcement!" lahat naman nag-sitigil sa mga ginagawa at tumingin kay Jamie.


"May meeting daw yung mga teachers. Free cut tayo ng dalawang period!" sabi niya naman habang pumapalakpak pa. Nag-sigawan lang yung mga kaklase ko. Ang galing ng president namin noh?


"Canteen tayo" aya ni Stephanie. Tumango naman kami sa kanya at kinuha na namin yung wallet namin sa bag.


"Punta lang ako sa kabilang room" lumabas na si Austin. Pupunta daw siya doon sa stem eh.


Umalis na kami ng classroom at tumungo papunta sa canteen. Actually halos buong abm ay pupunta sa canteen eh.


Bumili lang ako ng popcorn at coke. Papunta na ako sa table namin nang may biglang bumunggo sa balikat ko. Agad naman akong napatingin sa gumawa nun.


Tinaasan ako ng kilay ni Ericka at nag-tawanan naman yung mga bago niyang kaibigan at samantalang yung mga barkada namin ay hindi natutuwa sa nangyayari. Napakalaking tension ang bumuo sa loob ng canteen na kahit ang mga estudyante sa loob ay tumigil sa pinagagagawa at nakatingin saamin.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon