Chapter 17

17 0 0
                                    


Nagising ako sa pag-bukas ng marahas nung pinto at mga taong nag sisigawan.


"Summer!?"


"Babi?"


"Summer dear!"


"Okay ka lang?"


"Summer?!"


Napakamot naman ako sa ulo at tiningnan sila isa-isa. Naandito sa loob ng kwarto ko sina mommy, daddy, nanay at tatay ni babi, si Blaze, Jack at si babi. Nandoon naman si auntie sa likod at nagkakamot ng batok niya.


"Ano pong meron? Ba't nandito po kayong lahat?" tanong ko sa kanila. Umupo ako ng maayos sa kama ko at tiningnan sila isa-isa. Lumapit naman si James saakin at niyakap ako ng mahigpit.


"We saw a video and you're fighting with the holdapers" sabi ni daddy


"Eh? Sino pong nag-post?" tanong ko. Sakit ng ulo ko ah. Tiningnan ko yung orasan ko at nakitang 3 AM. Jusko pong mga pamilya kong ito oh o. Napakamot ako sa ulo ko.


"It's all over the internet, Summer" sagot ni Jack


Kumalas naman si James sa pagkakayakap. "Don't do that again Summer. You all gave us a heart attack" sabi nito saakin


"He freaked out when he saw the video Summer. Haha! He was like O o O. Hahaha. Then he told everyone that he's leaving dahil pupuntahan ka daw niya. Tiningnan namin kung anong nakita niya kaya naandito kaming lahat" napakamot naman ako sa ulo dahil sa kwento ni Blaze


"We're all in the board meeting that time" tatawa tawang sagot ni dad. Napanganga naman ako. Myghad. Nakakatakot mag freak out ang mga ito jusko!


"Eh. Okay lang naman po ako. Natuto po ako last last summer kung pano po mag taekwondo at kaklase ko po si Austin doon. At kawawa po yung bata at yung nanay, walang nag-tatangkang tumulong." pag-explain ko sa kanila


"Maganda yung nagawa niyo actually kaso nag-freak out lang yung mga nanay mo at fiance mo sa nakitang video. Hindi lang ata sanay na makita kang ganun" ngmuti naman si dad saakin at binigyan ko sila ng awkward na ngiti.


"Pero maayos ka ba talaga? Hindi ka naman nasuntok o ano?" tanong ni mommy


Umiling ako. "Wala naman po. Okay na okay po" ngumiti ako sa kanila


"Nakakahiya po tuloy. 3 am na po oh,  pumunta pa po kayo dito para masiguro kung maayos po ako. Matulog na muna po kaya kayo. Alam ko pong pagod kayo sa byahe at sa pag-aalala" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila at kanya-kanya silang alisan sa kwarto ko. Naiwan sa kwarto si Blaze, Jack at babi.


"Good to see you two doing well" sabi ni Blaze habang nakangiting nakatingin saamin ni James. Nginitian ko naman ito.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon