Chapter 1

32 1 0
                                    


04/29/19

-5:30 AM-

Bumangon na ako at nag-ayos ng higaan. Pupunta ako ngayon kay mama. Once in a week pumupunta ako sa sementeryo para dalawin siya. Bike lang gamit ko para makapag-exercise naman puro ako higa sa kama ngayong summer. Ang boring nga eh.


Naikwento ko na din kay mama yung tungkol sa engagement ko last last week. Wish ko lang na sana maging maayos ang buhay namin sa gagawin kong ito. May pinirmahan lang ako na papel na nagpapatunay daw ng kasunduan namin. Pirma ko, ni daddy (Mr. Tan) at ni Mr. Perez ang nandoon.


"Hi mama!" Nilapag ko yung flowers na kinuha ko sa mga halaman niya sa bahay. Nag sindi na din ako ng kandila


"Mama, di ko pa din po nakikita yung fiance ko. Gwaping kaya siya mama? Siguradong kilala mo na mama yung fiance ko kasi nakikita mo mula sa itaas. Hmm, gwapo ba siya ma? Haha. Haay dati nasasabi ko lang sayo na may crush ako kay Jack Reid. Taus ngayon malalaman mo na engage na agad ako. Eh pag-boyfriend at crush nga ayaw mo ko magkaganun eh" at tumawa ang sa pinag-sasasabi ko kay mama.


"Engagement agad ako ma haha. Level up" tumawa ulit ako at naiyak dahil hindi ko to gusto. Actually may gusto ako kaso ex siya ng isa kong friend. Si Jacob. Ang sakit sa ulo ang mga nangyayari sa buhay namin ngayon. Maayos naman noon, ngayon lang talaga nagkagulo nang ganito.


Haay miss ko na si mama. Nag stay lang ako doon ng 30 minutes at umalis na din. Kumain muna ako pagdating ko sa bahay. 7 am pa lang naman kasi ng makabalik ako. Gising na din si papa at si Vince.


Pagkatapos kumain, umakyat na ako at nag linis ng kwarto at kwarto nina mama. Si Vince yung taga hugas ngayong umaga kaya nag-linis na lang agad ako ng kwarto. Simula nang mawala si mama puno ng kalungkutan ang bahay. Hindi kami masyadong nag uusap-usap. Stay lang kami sa kanya kanyang kwarto hanggang sa mag lunch at dinner.


"Summer, pupunta na dito mamaya sina mommy mo, kasama ang mga Perez at yung anak nilang bunso" aniya ni papa


Kinabahan naman ako sa sinabi ni papa at naiiyak na din kasi haaay poreber natoooo eh. Pero bahala na, basta maging mabuti lang ang buhay nina papa at Vince, okay lang na ako. Kaya ko to.


Yung mapapangasawa ko daw may dalawang mga kapatid at may mga asawa na. Swerte yung kuya at ate niya nakapili ng sariling mapapangasawa yung mahal niya talaga. Siya lang ata yung minalas pero di ako malas! Mabait naman ako eh tyaka talented pa't maganda! 20 years old na daw siya eh. Hihintayin lang daw na mag 18 at 21 na daw kami para nasa legal daw na age kami. Hayst.


- 3 PM –

"Kamusta naman po ang byahe ninyo?"


"Maayos naman"


"Where's Summer?"


"She's upstairs Ms. Perez"


Nagising ako sa ingay sa baba. Nag-sisigawan at nagtatawanan ba naman kasi sila. Mukhang naandyan na sila sa baba ah. Nag-ayos ako ng buhok at naglagay ng pulbo at liptint. Tapos inayos yung shorts kong maong at t-shirt ko na puti. Bumaba na ako pagkatapos ko mag-ayos.


Nadatnan ko silang kumakain sa dining.


Uuuuy. May gwapo. Kaso mukhang bata pa. Hindi ata yan yung fiance ko.


"Summer! Iha!" Pagkababa ko lumapit agad sakin si mommy, nagkiss naman ako sa kanya. Napatingin ako sa gawi ni Mr. Pogi. Aba't! Tinarayan ako! Sipain ko kaya to!?


"Summer this is Mr. and Mrs. Perez" pakilala ni mommy sa maganda't gwapong nilalang na nasa table. Ayos ah. Parang hindi pa sila matanda! And sexy ni Mrs. Perez! Sana all!


"Hello po, sir-"


"Dad! Call me dad!"


"Mom naman saakin!" nilapitan nila ako at niyakap. Ayos ah. Ang babait nila.


"I'm so glad na magkakaroon na ng girlfriend ang anak ko. Ever since na nag highschool kasi yan ni wala man lang girlfriend jusko! Then we realized na baka gay yung bunso namin kasi may lahi kaming lgbt eh. But he assured us na di naman daw siya gay." Kwento ni mom. Gosh nakakahiyang mag-tawag ng mom at dad sa kanila.


Bigla naman lumapit saakin yung lalaking nanaray saakin. Matangkad siya saakin actually. Gwapo nga kaso panget naman ata ugali neto.


"Hi, I'm Stephen James Perez" nakipag kamay ako sa kanya. Wait? Perez? So siya-


"Your fiance" pahabol niya at nag smirk. Napanganga naman ako sa mga pangyayaring ito. Wait wait. Ang bata pa neto eh!


"Ahm, Your kinda confused iha. He looks a young boy but he's 20 years old. Gwapo noh?" tapos tinukso nila ako. Ako? Nakatunganga lang.


Nang makabawi ako sa pagkakatunganga ko, umupo na ako at nagsimulang kumain na din, kaharap ko si James at nasa kaliwa ko si mommy Tina at right naman si papa. Yeah James ang tatawag ko sa kanya hoho! Ka name niya si Kuya, Kuya James Reid IHHHH! Kaso mabait si Kuya eto aba't pinaglihi ata to sa yelo eh. Ni hindi man lang ako nginitian. Nag smirk lang sabay taray!


"Kailan ba ang kasal?" tanong ni papa


"Pagkatapos lang ng birthday ni Stephen, siguro sa May 21 kasi May 15 yung birthday ni Stephen. May konting araw pa para makapaghanda sila." Sabi ni dad.


Aba't na p-pressure is me. Huhu.

Pinabayaan ko na lang silang mag usap at wag na makinig. Tumingin ako sa harap ko, nakatingin sakin si James at aba't tinarayan ako. Tss. Kailangan ko maging mabait noh. Baka mawala yung napagkasunduan namin na pag-aaralin si Vince, sayang naman.


Nginitian ko na lang siya at hindi na tiningnan yung reaction niya. Kumain na lang ako ng gelatin. Actually nandito yung kapatid ni mama. Tumulong sa pag-luluto. Ayaw niya nga din netong arrangement na ito kaso wala naman siyang magagawa. Kaya pumayag na lang siya.


Haay. Goodluck sa future ko.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon