Chapter 4

20 0 0
                                    

Kakatapos ko lang maligo. Nag-ayos na ako ng sarili ko dahil mamaya-maya dadating na mga kaibigan ko. It's Saturday kaya mag-lalangoy ang lola niyo haha.

Sinuot ko yung swimsuit na binili saakin ni mommy na revealing yung likod color peach ito at nag-suot ako ng maong na short. 

Umalis na kahapon sila mommy at ito ang binilin nila saakin na suotin ko daw. Kakaloka, sinoot ko naman kasi parang ayos naman tapos nag maong na jacket ako. Nag light na make up lang din ako yung usual ko lang na ginagawa sa mukha ko kapag aalis.

Bago din umalis si James sa bahay pinaalala niya saakin na 'I'm watching you' daw. Tss. Tse!

"Ate! Nandito na sina Kuya Austin!" Sigaw ng kapatid ko

"Sige! Pababa na!"

Kinuha ko na yung bag na dadalhin ko. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Hmm. Okay na.

Pag-baba ko nakita ko sila sa dining. Aba't kumakain ang mga siopao! Biglang lumingon sa gawi ko si Jamie.

"Oooh! Ayos ang damitan natin diyan Summer ah! Summer na summer talaga!" napatingin naman saakin silang lahat dahil sa sinabi ni Jamie.

"Sexy! witwiw!" aniya ni Kath

"Yuck! Ang manyak mo!" sabi ni Steph kay Kath

Napasipol naman si Austin nang makalapit na ako sa kanila.

"Alam niyo kahit kelan! Ang gagago niyo pa din eh noh?"

"Nag-salita!" aniya nila

Natawa na lang ako sa mga pinag-sasabi namin sa isa't isa

"Tita! Tito! Alis na po kami!" paalam ni Jamie

"Oh sige! Ingat kayo ha!" paalala ni Auntie

Nag-kiss ako kay papa at auntie sa pisngi nila at pumunta na ng van. So ang plano nila kanya kanya na lang pupuntang resort. Wala din kaming dalang pagkain dahil bibili na lang daw kami doon. Nag-rent lang kami ng van so kung titingnan mo lima lang naman kami kaya maraming bakente. Lahat kami nasa likod at walang katabi yung driver. Keri niya na yan.

Nag-patugtog na lang kami nung Summer ng Jadine na kanta. Natawa naman kami kay Austin nang biglang sumayaw ito kahit nakaupo habang sinasabayan yung kanta.

I want all summer with you

Boy let's get in trouble

Drive through the city with you

Lets leave it in rubble

Run from the bullshit with you

Let's hide in the covers

I feel there's something with you

Can I be your lover

"Hey! hey! hey!" sigaw namin habang sumasayaw si Austin

"Ang laswa mo Austin!" sigaw ko

Tumawa lang kami nang tumawa hanggang sa matapos yung kanta. Sumunod naman na kanta ay yung Turnin' up ni James Reid.

Sabay-sabay naman namin yung kinanta...

I'm turnin' up

On top of my city

I've rocked that crown

I'm burnin' up, so lit

All the ladies, they love my sound

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon