Chapter 11

17 0 0
                                    


Kinabukasan ay puyat na puyat ang lola niyo! Haha. Orayt. Tawa ka lang Summer kahit hindi ka natulog kagabi kakatapos ng gawain. Binantayan ba naman ako ni James. Pero nakatulog din naman agad siya kakabantay saakin.


Nang-matapos ko yung gawain ko kagabi. Tumabi na ako sa kanya sa pag-higa. Pero nung nagising na ako wala na siya sa tabi ko. Awww. Ouch! 


Baduy! SERYOSO NA NGA!


Tiningnan ko yung orasan ko.


Ay lintik na oh. 11 am na!


Bumaba naman ako nung makaligo na ako at nakapag-ayos ng kwarto.


"Tita? Ano ba pinag-gagagawa ni Summer?"


"Ewan ko dun. Siya na lang tanungin niyo"


May narririnig akong nag-uusap sa baba. Bumaba naman ako para makita kung sino yung mga nandoon.


"Oy! Mga gagong siopao!" bati ko sa kanila


"Gago!" sabi naman ni Jamie saakin. Nag-tawanan lang sila.


"Anong nangyari sa'yo at bangag na bangag ka? ha?" tanong ni Kath


"Wala naman. Tamang trip lang haha" sagot ko sa kanya


"Jusko Puting tag-init. Mag-sabi ka na, huli ka na sa akto eh. Atyaka sabi din ni tita hindi daw siya mag-sasalita hanggat di mo daw sinasabi. Sabihin mo na kung anong tinatago mo" sabi naman ni Jamie


"Ang bantot ng puting tag-init!" singit naman ni Austin


"Kasing bantot nung may ari nung pangalan" dagdag naman ni Steph


"Ang bababoy niyo eh noh!" napameywang naman ako habang tinitingnan sila ng masama


"Hahaha. Pero seryoso Summer" bigla naman silang nag seryoso. Kitang kita yung pag-aalala nila saakin.


"Bili muna kayo nung maiinom" sabi ko naman


"Ano gusto mo beer o gin?" game na game na tanong naman ni Austin


"Basta talaga sa inuman eh noh?" natawa naman siya sa sinabi ko


"Bahala ka na" sabi ko


"Pwede ba?" tanong ni Steph


"Auntie, pwede ba?" tanong ko


"Sige na anak. Kailangan mo din mag unwind. Kailangan mo mailabas yan" biglang kumirot naman yung dibdib ko

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon