Chapter 14

18 0 0
                                    


Monday nanaman kaya kailangan na naman mag-ayos ng maaga. Nag-stay lang dito si James hanggang Sunday at tinuruan ako mag motor,  umalis din siya kinagabihan. Maayos na kaming dalawa ngayon at tuwang tuwa saamin si auntie sa ka-sweetan namin.


Madalang lang kami mag-chat o text kasi pareho kaming busy. Okay lang naman saakin. Basta alam kong ako- sakanya, siya-saakin. Oh keleg much!


Kinuha ko na yung susi at bag ko sa kwarto at bumaba na.


"Auntie, alis na po kami" paalam namin ni Vince. Nag-kiss kami sa cheeks ni auntie at umalis na. Wag ko muna daw turuan sabi ni auntie si Vince mag-drive. Kapag nasa legal age na daw siya turuan. Ayun! Nag-tampo ang lolo niyo pero naging maayos din naman sila kasi kinausap ni James nung isang araw.


Bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa school. Hindi pa din alam ng mga barkada ko kung saan kami sumasakay. Ang alam lang nila sa tricycle pa din kami. Ang nakakaalam lang na may kotse na ako ay yung siopao squad.


"Yoow!" bati ng mga kaklase ko saakin


"Hey!" masigla ko namang bati sa kanila


"Aba! Good mood si madam. Anyare?" tanong ni Kath saakin. Lumapit na din sina Jamie at Steph habang si Austin ay ewan kung nasan. Nowhere to be found haha.


"Hmm. Maayos na kami ni James" sabi ko sa kanila habang kinikilig


"Ohh. Maayos yan" sabi nila


"And official na in-relationship na kami" shinape ko yung kamay ko na parang puso at sumayaw sayaw


"Ang loko! In-love!" sabi ni Steph


"Awww! We're happy for you!" nag-yakapan kami nang biglang may nag-salita sa likod namin


"Oy! Ano meron? Sali ako!" eto na pala yung nowhere to be found


"Wala. Sa'n ka galing?" tanong ko


"Dun sa kabilang room. Ay oo nga pala Summer! Lagot ka!" sabi naman bigla ni Austin


"Ano nanaman? Bakit?" tanong ko


"Galit daw si Ericka sa'yo eh" napa-kunot noo naman ako sa sinabi niya


"Ay oo!" biglang pag-agree nung tatlo


"Ha!? bakit daw?" tanong ko


"Hindi ka kasi nag-online sa twitter kahapon. Halata na ikaw yung pinariringgan sa mga tweets niya at ganun din yung new friends niya" sabi ni Jaimie na mas lalong ikinagulo ng utak ko. New friends, yun yung mga baguhan last year na kaibigan na nung mga barkada ko. Samantalang ako, hindi kami close.


"Eh bakit nga daw?" tanong ko


"Selos ata eh. Ba't ka ba hindi nag-online kahapon?" tanong ni Austin

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon