Chapter 29

11 0 0
                                    


2 months later



"Alam mo Summer. Dapat sinasabi mo kay Stephen yung mga pag-mamaldita sa'yo nung ka-trabaho niya" sabi ni Jamie


"Oo nga. Simula nung maipakalala ka niya sa lahat na asawa ka niya, aba! Nag-magaling ang Jessica. Galit na galit sa'yo palagi." sabi naman ni Steph


"Ba't ba kasi ayaw mong patulan?" tanong ni Kath


"Ehh. Sa ayaw ko. Ayoko ng gulo. Pabayaan mo siya. Baka pag-pinatulan ko lumala lang." sabi ko naman sa kanila


"Kaya nga isumbong mo na lang kina tita" umiling ako sa suggestion ni Jamie


"Hay nako. Bahala ka nga. Matanda ka na" sabi ni Steph


"Sige. Alis na kami. May klase pa ako ng 2 pm. Bye" at nakipag beso saakin si Steph


"Ako din." sabay na sabi nung dalawa at umalis na


Simula na ng pasukan nila ulit. Nasa iisang school lang naman sila ulit na apat pero magkakaibang course.


May natanggap naman ako sa phone ko na email galing kay babi. Ni-lock ko muna yung pinto ng bahay at umakyat sa kwarto ko para kunin yung laptop ko at naisipan na doon na lang buksan yung email.


Wala sila auntie dito sa bahay. Ako lang mag-isa. Si Vince at Kyle ay nasa school. Grade 1 na ngayon si Kyle at Grade 10 naman yung kapatid ko. Si auntie nasa galaan. Hahaha.


Binuksan ko na ang email at tumambad naman saakin ang sales report.


Binasa ko naman ito at napakunoot noo noong makitang mali yung pag-compute nito.


Tinawagan ko naman si Jessica dahil siya yung gumawa ng sales report.


"Hello---"


"What?" inis na tanong niya


"About the sales report. Ba't mali yung pagkaka compute. It should be half of 2 Million pero half a million lang yung nilagay mo dito" sabi ko naman sa kaniya


"Ba't ba kasi ikaw yung nag-babasa niyan? Sa'yo ko ba yan in-email!?" pagalit niyang tanong


"Hindi. Pero ipinasa na ito saakin Stephen dahil may gagawin pa siyang iba" sagot ko


"Tss. Wag mo na nga lang pakealaman. Sabihin mo na siya yung mag-basa niyan." sabi niya


"Eh hindi nga pwede. Marami pa siyang gagawin at---"


"Marami din akong gagawin kaya pwede ba? Ibigay mo na lang 'yan sa kanya at babalik na ako sa trabaho ko. Istorbo!"



Huminga ako ng malalim.



"RESPECT ME JESSICA! I'M ALSO A DAMN OWNER OF THIS COMPANY! Kung hindi mo maalala. I'm Stephen's wife! Kaya rumespeto ka sa mga boss mo! Napaka-maldita mo. At huwag mong masabi-sabi na nakakaistorbo ako ha. We're not making a normal conversation in this phone, we're in business! Kompanya NAMIN ang pinag-uusapan natin. Kaya sumagot ka ng maayos!" mahabang sermon ko sa kanya


"S-sorry po"


"Now. Bakit mali yung nailagay mo dito sa sales report?" pa-galit kong tanong


"Sorry po madam. S-sinadya ko po iyan"


"Nasisiraan ka na ba? Bakit mo naman sinadya? Gusto mong matanggal sa trabaho?!"


"N-naku naku! Hindi po. Paumanhin po. Hindi na po mauulit Mrs. Perez. Sorry po talaga. Ma'am. Wag niyo po akong alisin sa trabaho, kawawa po kami ng pamilya ko kung aalisin niyo po ako."


"Sana naisip mo 'yan noon pa at hindi ako trinato ng gan'to. Ilang beses kong pinabayaan ang pag-mamaldita mo saakin Ms. Jessica. Ngayon. Ipagdasal mo na mag-bago ang isip ko." at binabaan ko siya ng tawag.


Tumayo ako at nag-lakad lakad sa kwarto ko.



"Bwisit na 'yon! Panira ng araw!"



"AAAH! Makaalis nga!" sabi ko kaya inayos ko na muna yung sales report at in-email kay babi.


Nag-message din ako sa kanya na ang sama ng ugali ng isa sa katrabaho niya.


Umalis ako at pumunta sa coffee shop ko.


Jusko. Makapag-relax nga. Maganda ang ambiance sa loob ng coffee shop ko eh. Kaya sure ako na makakapag-relax ako dito.



Bumaba na ako at pumasok sa coffee shop. Binati naman ako ng mga nag-ttrabaho doon.



"Good afternoon" at tinango tanguan ko sila habang nakangiti




Hanggang sa mawala ang ngiti ko nung makita kong umiinom ng kape at kumakain ang isang Austin Garcia.

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon