7

13.1K 298 7
                                    

HINDI SIGURADO ni Mark kung bakit naaaliw siya sa kasalukuyang company, si Mimi. Gusto sana niyang mapag-isa sa balkonahe pero hindi niya maitaboy ang dalaga. Bahay ng mga ito ang kinaroroonan niya. Lumabas siya at lumayo sa mga kasama nila dahil may pakiramdam siya na hindi siya dapat naroon. Masyadong masaya ang mga tao sa paligid niya na medyo ikinaiirita niya.

Aware rin naman siya na siya ang may problema at hindi ang mga tao sa kanyang paligid. Naiirita siya dahil masaya ang iba at pakiramdam niya ay pinagkakaitan siya ng kaligayahan.

Hindi rin naman niya maaaring sirain ang kaligayahan ng iba kaya naman lumabas na lang siya. Tahimik ang kanyang mundo hanggang sa samahan siya roon ni Mimi. Totoong ikinagulat niya ang paglapit nito sa kanya. Nahuli niya itong nakatingin kanina. Nagulat pa siya nang ngitian siya nito nang matamis. Hindi niya magawang mainis sa ipinapakita nitong ngiti dahil nakita niya ang bahid ng lungkot sa mga mata nito.

Dahil yata sa lungkot na iyon kaya hindi pa niya ito iniiwan, kaya nakikipag-usap siya. Siguro ay nakapagbibigay kahit na paano ng comfort sa kanya ang kaalaman na hindi lang siya ang malungkot sa salo-salo na iyon. Hindi lang siya ang napapalibutan ng mga taong masaya at kontento sa buhay.

"Never let anyone make you feel you're a horrible person," ang sabi niya bago inubos ang laman ng kanyang bote. Hindi niya kilala si Mimi pero may pakiramdam siya na wala itong kakayahan na maging horrible. Her eyes were too clear and kind. Her smile was gentle and sweet. Masasabing hindi lang ang Kuya Antwon niya ang marunong bumasa sa isang tao. Mas mahusay siya lalo na sa linya ng kanyang trabaho.

Sa isang tao lang talaga siya nagbulag-bulagan.

"Thanks for those kind words."

Hindi na pinigilan ni Mark ang ngiti niya sa pagkakataon na iyon. "Walang anuman."

"Are you usually quiet?"

Tumango si Mark. Mababakas ang papalagong interes sa tinig nito.

"Bakit? Pareho naman tayong bunso. Bakit madaldal ako?"

Ilang sandali muna siyang nag-isip ng maaaring itugon sa tanong na iyon. Kapagkuwan ay naitanong niya sa sarili kung bakit siya nag-iisip. "I don't know. Bakit ka nga ba madaldal?" At interesado nga ba siyang malaman?

Napangiti si Mimi. "Masarap magsalita nang magsalita, eh."

"Well, masarap manahimik."

Mas lumapad ang ngiti ni Mimi. "You're funny."

Pinigilan niya ang sarili na matawa. "I am? I think you're the one who's funny here." Hindi gaanong mapaniwalaan ni Mark na talagang naaaliw siyang kasama si Mimi. Parang nata-transfer ang enerhiya nito sa kanya.

Dadalhin sana niya ang bote ng beer sa bibig ngunit naalala na wala na pala iyong laman. Inilapag niya ang bote sa mesa, katabi ng bote ng wine na dala ni Mimi. Inalok ng dalaga ang wine glass nitong may laman pa. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Share na lang tayo. Huwag ka munang pumasok para kumuha ng beer. You like red?"

Hindi na gaanong nag-isip si Mark, tinanggap na lang niya ang inaalok ni Mimi. He sipped. She had a very good taste in wine. "Bakit ka malungkot?"

Hindi lang si Mimi ang nagulat sa biglang tanong na iyon, maging si Mark mismo. Mabibilang sa isang kamay ang mga pagkakataon na nagsalita siya nang hindi gaanong pinag-iisipan. Hindi rin siya ang tipo na nakikialam sa buhay ng iba. Hindi naman na niya mabawi ang tanong. Siguro ay gusto talaga niyang malaman ang sagot.

"Malungkot ako?" ang sabi ni Mimi pagkatapos matigilan sandali. Binigyan siya nito ng malawak at matamis na ngiti, pilit na pinagtatakpan ang lungkot sa mga mata.

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon