8

11.2K 256 1
                                    

ISANG NAGTATAKANG Mark ang lumabas ng malaking bahay. Kaagad na inihanda ni Mimi ang magandang ngiti sa kanyang mga labi.

"What's going on?" ang tanong nito, kunot ang noo.

"Pasyal tayo," ang walang anumang sabi niya. Nalaman ni Mimi mula sa kanyang papa na ilang araw na mananatili sa probinsiya si Mark. Sa wakas daw ay nagbakasyon ang binata. Masyado raw kasi itong subsob sa trabaho. Nagpasya siya na manatili rin ng ilang araw. Sinabi niya sa sarili na walang kinalaman doon si Mark. Gusto lang niyang makahinga. Gusto muna niyang makalayo kina Ava at Shawn.

Aaminin niyang talagang napukaw ni Mark ang kanyang interes. Nang nagdaang gabi ay hindi niya nakita ang awa at simpatya na inakala niyang makikita niya pagkatapos niyang sabihin ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Shawn. May pang-unawa sa mga mata nito. Pang-unawa na parang malalim at may pinag-uugatan.

Sinabi ni Mimi sa sarili na wala namang magiging masama kung maging magkaibigan silang dalawa. Magkaibigang matalik naman na ang kani-kanilang mga pamilya.

Paggising niya kaninang umaga ay alam na niya ang gagawin niya sa araw na iyon. Nagpasya na lang siya na isama si Mark sa lakad na iyon.

Hindi kaagad nakasagot si Mark. Pinagmasdan nito ang dala niyang sasakyan, ang kanyang scooter. Mas lumawak ang ngiti ni Mimi nang mabasa ang pag-aalangan sa mukha ng binata.

"Tara," ang masiglang pagyayakag ni Mimi.

"I'm not so... sure."

Banayad na natawa si Mimi. "Sama ka na sa akin. Wala ka namang gagawin, hindi ba? Bakasyon mo 'tapos hindi ka man lang lalabas sa bahay n'yo."

"I have my car—"

Umiling si Mimi at hindi na pinatapos ang sinasabi ni Mark. "Where's your sense of adventure? Huwag mong ipahalata na nagiging old ka na."

"Saan mo ba gustong pumunta?"

"Baranggay Pawit."

"That's far."

"Hindi naman gaano." Ang totoo ay mas na liblib at masukal ang lugar. Isa iyon sa mga baranggay na malayo sa bayan. Naipasemento na ang bukana ng baranggay pero mahaba-haba pa rin ang rough road. Iilan lang kasi ang mga naninirahan doon kaya hindi rin priority ng gobyerno.

"Halika na. Mataas na ang araw." Inabot niya ang kamay nito at hinila.

"You're just gonna go without bodyguards?"

"Bodyguards? Ang OA naman. Pupunta lang tayo ng barrio, kailangan pa ng bodyguards."

"You're the vice mayor's only daughter."

"And you're the the mayor's youngest brother. We'll be fine."

Nababaghan na napatingin si Mark sa kanya.

Natawa si Mimi. "Kumpara sa ibang mga bayan, tahimik ang Matangcaoa. Walang conflict dahil magkaibigang matalik ang dalawang pamilya na may mataas na katungkulan sa gobyerno. Mahal ng mga tao rito ang mga Punzalan at Soriano. Hindi natin kailangan ng bodyguards dahil hindi naman tayo mapapaano. Walang danger." Hindi naman niya sinasabi na walang kaaway ang kanilang mga pamilya. Mayroon naman. Nasisiguro nga lang niya na walang kakanti sa kanila. There would be hell to pay.

"Hindi mo sigurado ang bagay na iyan."

"Malayo pa ang susunod na eleksiyon. Isa pa, walang magtatangka na saktan tayong dalawa. Alam mo, ang dami mong arte, halika na." Bahagya pa niya itong pinandilatan ng mga mata.

"I don't think so."

"Don't you wanna be with me?" Bahagyang pinapungay ni Mimi ang mga mata at lumabi.

Mukhang hindi malaman ni Mark ang gagawin sa pagiging ganoon niya. Nagsalubong ang mga kilay nito. Ibinuka nito ang bibig at akmang may sasabihin pero mukhang nagbago ang isipan nito sa huling sandali.

Napabuntong-hininga ito kapagkuwan. Sumusuko. "Where's the helmet?"

Muling hinila ni Mimi si Mark. "Anong helmet-helmet? Sa barrio lang naman tayo pupunta."

"But—"

"Huwag ka nang maarte."

"Okay, but let me drive."

"Hindi ka marunong sa scooter."

"Sino ang may sabi?"

Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Hindi ka marunong."

Natawa si Mark. "You want to drive," he stated.

Tumango si Mimi. "I'd always like to drive."

Mukhang nag-aalangan pa rin ang binata.

"Mark, come on. Do something fun with me, okay? Huwag ka nang gaanong mag-isip."

Natuwa si Mimi nang sumampa sa kanyang likuran si Mark. Kaagad niyang pinasibad ang scooter bago pa man magbago ang isipan nito.

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon