"IT'S A GOOD thing, Mark."
Ipinagpatuloy ni Mark ang pagbibihis na para bang wala siyang narinig mula sa nakatatandang kapatid na si Antwon. Nakabihis na ito at hinihintay na lang siyang matapos. Sabay silang matutungo sa mga Punzalan para sa isang salo-salo. Regular na ginagawa iyon ng dalawang pamilya pero hindi siya madalas na makadalo. Hindi rin inasahan ng kanyang pamilya ang pag-uwi niya sa weekend na iyon. Biglaan ang naging desisyon niya. Para kasi siyang hindi makahinga sa lungsod.
Hindi niya sinabi sa mga kapatid ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Yani pero hindi na siya gaanong nagtaka na alam na ng mga ito. Bunso siya sa tatlong magkakapatid at malaki ang agwat ng edad niya sa dalawang nakatatandang kapatid. Sorpresa ang pagdating niya. Hindi na inakala ng kanyang mama na mabubuntis pa ito. He had been the baby of the family.
Sampung taong gulang lamang siya noong sumakabilang-buhay ang kanyang mama. Dahil madalas na abala ang kanyang papa sa mga trabaho at responsibilidad, ang dalawang kuya niya na sina Antwon at Jadrien ang halos nagpalaki sa kanya, ang humalili sa role ng kanyang ina.
"Mark, she's not the one for you. Simula pa lang ay sinabi na namin iyon sa 'yo. Ayaw mo lang makinig. Hindi mo lang makita."
Napapabuntong-hininga na hinubad ni Mark ang suot na kurbata. Sa palagay niya ay masyado siyang magiging pormal kung magsusuot pa siya niyon. Isang simpleng puting button-downs lamang ang suot ng kanyang Kuya Antwon.
Hinubad niya ang suot na dress shirt at nagsuot ng itim na long-sleeved shirt.
"Ginamit ka lang niya. She wanted your money more than she ever wanted you."
Muling napabuntong-hininga si Mark. Alam niya na hindi siya sadyang sinasaktan ng kapatid. Sinasabi lang ni Antwon ang totoo. Hindi naman na kailangan dahil alam na niya ang mga bagay na iyon. Hindi naman siya ganap na nagbulag-bulagan sa mga nakalipas na taon.
"Are you listening to me, Mark?"
"Yes, Mister Mayor," ani Mark. "Can we go now please?" Si Antwon ang kasalukuyang mayor sa bayan ng Matangcaoa. Tinitingala at inirerespeto ng lahat. Makapangyarihan. Para sa kanya ay mananatili itong Kuya Antwon, gayumpaman.
"You don't wanna talk about it?"
Tumango si Mark. "I don't wanna talk about it."
"Okay." Lumabas na sila sa kanyang silid. Tahimik silang lumulan sa sasakyan. Inakala niya na magiging tahimik din ang buong biyahe nila ngunit nagkamali siya.
"I think you should date."
"Kuya—"
"Ilang taon ang sinayang mo sa babaeng iyon? Walo? Sampu? Hindi namin siya ginusto pero hinayaan ka namin dahil alam naming mahal mo siya. Pagbigyan mo naman ang sarili mong makakita ng ibang babae. Bigyan mo ng pagkakataon ang puso mong magmahal ng iba."
Mark looked at his brother. "Really?"
Nginisihan siya nito. "I'm sorry. I know how I sounded. Pasensiya na. Siguro ay madalas ko lang nakakasama ang lovesick mong pamangkin na nahawa na ako."
Dalawa ang pamangkin ni Mark kay Kuya Antwon. "Nerisa?" ang bunso nito ang kanyang tinutukoy. She was eighteen at ayon sa kuwento ay madalas na in love. Ayon na rin sa kuwento ay masyadong nahuhumaling ang pamangkin sa K-Pop.
Umiling si Antwon. "Wallace. May seryosong girlfriend ang pamangkin mo."
"Ang bunso ni Vice?" Sinikap niyang ilarawan sa isipan ang mukha ng anak ni Kuya Sebastian, ang panganay sa tatlong anak ni Anselmo Punzalan. Isang imahe ng dalagita ang nabuo sa kanyang isipan. Dalaga na siguro ito ngayon. Hindi na niya ito gaanong nakikita nitong mga nakalipas na taon. Hindi rin naman sila nag-uusap talaga. Magkakilala lamang sila. Naalala lang niya na madalas itong nakadikit kay Wallace. Ipinagkasundo ang dalawa ng matatanda.
Hindi niya malaman kung bakit ayaw pang sumuko ang dalawang pamilya sa kasunduang ganoon. Hindi naman nagkakaroon ng katuparan. Maayos naman ang dalawang pamilya kahit na walang magpakasal.
Umiling si Antwon. "Hindi si Mimi ang girlfriend niya. Nakatagpo siya ng ibang babaeng mamahalin. Naku, lokong-loko sa girlfriend. Parang ikaw. Mag-aalala sana ako pero nakilala ko naman ang babae. We instantly liked her. She's not like Ya—you know."
"I'm guessing she came from a wealthy family," aniya sa tinig na puno ng sarkasmo.
"Don't do that," ang pananaway ni Antwon, bahagyang nalukot ang mukha nito. "Hindi namin kailanman inapi si Yani, alam mo 'yan. Hindi man namin siya gaanong gusto para sa 'yo, tinanggap pa rin namin siya. Hindi namin siya pinakitaan ng hindi maganda. Kahit na alam kong darating ang araw na iiwan ka rin niya, pinagbigyan kita sa mga gusto mo."
"Paanong alam mo na iiwan din niya ako?"
"I have good instincts, Mark."
He scoffed. "Just tell me."
"She never looked at you the way you looked at her. Never."
His heart contracted violently. Everyone saw that except him. Siguro ay nakita naman niya, ayaw lang niyang tanggapin noon. Ayaw niyang paniwalaan na hindi maaari.
"So back to Wallace," ang sabi na lang ni Mark.
"He's planning to propose. Kinausap na niya kami ng mommy niya."
"He's just twenty-four," ang nababaghang sabi niya.
"Hindi na siya bata. Twenty-four is good marriageable age."
"Good? He's young."
Natawa si Antwon. "He isn't like you, Mark. Alam niyang ito na ang babaeng gusto niyang makasama habang-buhay at hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng panahon. So you really should be dating kung ayaw mong maunahan ka ng pamangkin mo sa napakaraming bagay. Hindi ka na bumabata. Dapat ay may anak ka na ngayon."
Marriage and having a family had not been in his mind for a long time. Isinantabi niya iyon dahil alam niyang may mga gusto pa siyang gawin sa buhay at naisip niya na hindi siya magiging devoted sa magiging asawa at pamilya kung hindi niya naisakatuparan ang ilang plano at pangarap. Isang dahilan din ay dahil ayaw pang magpakasal ni Yani.
Nang maisipan na niyang lumagay sa tahimik ay hindi naman umayon ang lahat sa kagustuhan niya.
Hindi sigurado ni Mark kung saan nanggaling pero nakaramdam siya ng kaunting inggit sa pamangkin na si Wallace. Gusto niyang isipin na mali ang desisyon nitong magpakasal sa ganoong edad ngunit hindi niya magawa. Wallace was not like him.
"So paano ang anak ni Kuya Sebastian?" Magkakaroon ba ng komplikasyon sa dalawang pamilya dahil sa kasunduan?
"Sa palagay ko ay magiging maayos naman ang lahat. Ang sabi ni Wallace ay magkaibigan lang talaga sila ni Mimi. Mapag-uusapan namin ang tungkol sa bagay na ito ngayong gabi. Dadalhin ni Wallace ang girlfriend niya sa salo-salo. Naisip ko na hindi iyon magandang ideya pero ang sabi ng pamangkin mo ay magkakasundo ang dalawang babae. Sigurado si Wallace na magiging masaya si Mimi para sa kanya."
"Pero umaasa ang dalawang matanda na magkakatuluyan ang dalawa."
"Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hindi nagkatuluyan ang pinagkasundo ng dalawang pamilya. Wala na tayo sa panahon ng arranged marriage. Hindi naman pipilitin ng dalawang pamilya ang hindi puwede."
Tumango si Mark bilang pagsang-ayon. Siguro ay susuko na ang dalawang pamilya sa pagkakataon na ito. Siguro ay kaya na nilang tanggapin na walang magkakatuluyang Soriano at Punzalan.
BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomansaSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...