KAILANGANG AMININ NI Mark na paminsan-minsan ay sumasagi pa rin sa isipan niya si Yani. Karaniwan naman sigurong maituturing iyon. Matagal-tagal din ang pinagsamahan nilang dalawa. Hindi biro ang nai-invest niya sa relasyon nilang dalawa at hindi ang financial aspect ang kanyang tinutukoy. Ang tagal na minahal ng kanyang puso si Yani.
Pero mula nang maging opisyal ang relasyon nila ni Mimi ay mas nadadalang na ang pagdaan nito sa kanyang isipan. Nagiging madalang na ang pag-alala niya sa nangyari sa nakaraan. Humuhupa na rin ang ilang damdamin. Kapag magkasama sila ni Mimi ay walang tanging mahalaga kundi silang dalawa. She took all his energy ang focus. He had been really happy and he had prevented himself from thinking of Yani. He wanted things to stay that way.
Ang sabihin na hindi siya handa sa pagkikita nila nang gabing iyon ay kulang. Hindi na sana niya gustong makita si Yani. Lalong hindi niya gustong makita ang lalaking ipinalit nito sa kanya. Hindi pa niya masabi kung nagseselos siya at nasasaktan. Hindi siya komportable. He liked his situation currently. Gusto niya na walang conflict at drama ang relasyon nila ni Mimi. Gusto niya ang pagiging magaan at masaya ng lahat sa pagitan nila ng nobya.
Napatingin siya kay Mimi na nakatingin kay Ava. Kasama ng dating kaibigan nito ang isang lalaki na halatang nobyo nito. Hindi mahirap hulaan kung sino ang lalaki. Shawn.
Lumago ang nadarama niyang iritasyon. Hindi niya gustong makaramdam niyon. Hindi naman niya inasahan na magiging masayang-masaya ang gabi nila dahil totoong hindi niya gaanong kinaaaliwan ang mga ganoong kasiyahan. Kung tutulong sa mga nangangailangan, bakit kailangan pa ng lavish party at gathering? Hindi niya iyon gaanong maintindihan. Pero hindi naman din niya inasahan na magiging ganoon ang kanilang gabi. Hindi niya inasahan na makikita nila ang mga taong hindi na sana nila gustong makita.
"Should we just leave?" ang tanong sa kanya ni Mimi.
Sasabihin na sana niya na magandang ideya iyon pero naunahan siya ng isang lalaki na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanila.
"Mimi, my love!"
Napatingin si Mark kay Freddie at pagkatapos ay kay Yani. Mukhang hindi inasahan ng dati niyang nobya na makikita siya nito roon. Nabasa niya sa mga mata nito ang pinaghalong gulat at pagtataka. She had loved going to parties like this. She would always act indifferent but she truly liked meeting people like the people around them now.
Niyakap ni Freddie si Mimi habang abala siyang nakatingin kay Yani. Hindi na niya naitago ang pagkayamot. Inilapit niya ang bibig sa tainga ni Mimi nang pakawalan ito ni Freddie. "Tell him to never call you 'my love' ever again. Also, never ever let him hug you in front of me." He was acting like a jealous teenager, he was aware, but he didn't really care. Nahihirapan siyang pakitunguhan ang mga nararamdaman sa kasalukuyan. He wanted to get out of there.
Nginitian siya ni Mimi pero pasimple nitong kinurot ang kanyang braso. Hindi niya sigurado kung bakit nito ginawa iyon, kung ano ang ibig sabihin.
Ibinaling ni Mimi ang tingin kina Freddie at Yani. Ipinakilala siya ng nobya sa kaibigan nito. Habang tumatagal ay mas lalong nayayamot si Mark kay Freddie. He was truly a very gorgeous and stunning man. Halos lahat ng babae sa lugar ay napapatingin sa lalaki. Maging siya ay may parte na hindi gaanong makapaniwala na may ganoon kagandang lalaki.
Tinanggap ni Mark ang pakikipagkamay ni Freddie upang hindi siya masabihang bastos kahit na ayaw sana niya. Ipinakilala ni Freddie sa kanila ang kasama nitong babae, si Yani. Hindi nagbuka ng bibig si Mark para sabihin na kilala na niya ang babae. Sinikap ni Mimi na ngumiti at inilahad nito ang kamay sa kanyang dating nobya. Napatitig si Yani kay Mimi. Gusto niyang alisin nito ang mga mata sa kanyang nobya. Hindi niya gustong tinitingnan nito si Mimi.
"It's been a while," ang sabi ni Freddie kay Mimi. Hindi gusto ni Mark na masyadong komportable ang lalaki sa kanyang nobya. "How are you? I missed you." Muli nitong niyakap si Mimi.
Sa pagkakataon na iyon ay hinila na ni Mark ang kanyang nobya sa kanya. Hindi siya tatayo roon at manonood na lang. Tiningnan niya nang masama si Freddie. Tumingin sa kanya si Mimi, nagbabanta ang mga mata. Hindi naman natigatig si Freddie na banayad na tumawa.
"I get it, man. I'm sorry. I'm just excited to see Mimi again. This girl is just the sweetest."
"I know how sweet she can be," ang tugon ni Mark sa malamig na tinig. "I'll just appreciate it if you keep your hands to yourself."
Natatawang tumingin si Freddie kay Mimi. Nagsasayaw ang mga mata nito sa labis na kaaliwan. "I can't believe you finally got yourself a boyfriend, Mi."
"I can't believe you got yourself a girlfriend," ang tugon ni Mimi na tumingin kay Yani na nakatutok pala ang paningin sa kanya.
Malapad ang ngiti na inakbayan ni Freddie si Yani at hinagkan sa sentido. Hindi kailanman hinayaan ni Yani na gawin niya ang kaparehong bagay kapag nasa labas silang dalawa. She had always been distant and cold. She said she was uncomfortable doing those kinds of things with other people around.
Naramdaman ni Mark ang paghigpit ng hawak ni Mimi. Halos wala sa loob na napatingin siya sa kanyang kasalukuyang nobya. Anuman ang nararamdaman niyang hindi maganda ay unti-unting napawi. Bakit niya hahayaan ang sarili na isipin masyado ang mga bagay na may kinalaman kay Yani? Magseselos pa ba siya? Maghihinayang? Manghihinakit?
Bakit? He had Mimi now. All things were okay because Mimi was his. Ano nga uli ang sinabi nila ni Mimi sa isa't isa noong mapagpasyahan nilang magkaroon ng relasyon?
Happiness was a choice. Suffering was optional.
They had been happy. Why would they let themselves suffer now?

BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomanceSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...