24

10.4K 254 1
                                    

"THANK YOU FOR doing this," ang sabi ni Mimi kay Mark habang papasok sila sa isang malaking bulwagan kung saan gaganapin ang marangyang charity event.

"It's fine, babe," ang nakangiti nitong tugon. "It's for charity."

"With lots of pomp." The event was so over the top. Everything was shiny and lavish. Almost outlandish. Mga kaedad niya ang may ideya ng party na iyon para sa mga taong labis naapektuhan ng giyera sa Marawi. Sa ilang buwan nilang relasyon ni Mark, alam na niya na hindi nito hilig ang mga ganoong party. Hindi nito gusto ang maiingay na kasiyahan. Kahit sa mga pagtitipon sa probinsiya ay hindi madalas na nakikita ang binata. He loved staying in.

"But if you're onto those things, I can indulge you, babe," ang sabi ni Mark sa kanya minsan. "We can dance and party once in a while."

And they had. Nagtungo sila sa mga lugar na maiingay. They drank and danced. Pero hindi naman nila madalas na ginagawa. They also loved a quiet night in. He liked cooking for her, he realized. He liked trying new recipes. Mga simpleng recipes lang na madaling sundan. Siguro ay may mga taong natural ang husay sa pagluluto dahil masarap at perfect ang lahat ng inihain nito sa kanya. They also loved just sitting in a sofa, snuggling while watching TV. Of course, they had made out in her and his sofa. Hindi pa sila lumalampas sa hindi dapat. Mark had so much self-control. May pagkakataon na ipinagpapasalamat niya iyon pero may mga pagkakataon din na hindi.

Hindi sana niya gustong isama si Mark sa party na iyon dahil pagod na ang nobyo sa isang kaso na hawak nito. Isa uli iyong pro bono case. Kailangan nitong mag-relax at kailangan niyang aminin na medyo nakaka-stress ang ilang mga tao na makakasalamuha nila. Nabanggit nga lang niya na kailangan niya ng date at sinabi nitong sasamahan siya nito kahit na sinabi niyang okay lang. Ang totoo ay hindi naman niya gaanong ka-close ang mga tao roon. Naroon lang siya dahil gusto talaga niyang makapagbahagi ng tulong.

"Aalis din tayo kaagad kapag naibigay ko na ang check at nakapag-mingle na tayo nang kaunti. Hindi tayo magtatagal, promise. Makapagpapahinga ka."

Hinila siya ni Mark palapit at hinagkan ang kanyang sentido. "It's really okay. We can stay. Like I said, it's for charity. We should enjoy the night and have fun."

Nakangiting tumango si Mimi. Ang totoo ay hindi talaga niya masabi kay Mark ang dahilan ng kagustuhan niyang umalis kaagad sa kasiyahan. Hindi masasabi na sanay siya sa mga ganoong kasiyahan pero madalas siyang nakakadalo. Minsan ay mas outlandish pa kaysa sa party na kinaroroonan nila. Inilinga-linga niya ang paningin sa paligid. Everyone was smiling and happy. Everyone was also put together, wearing their best gowns and jewelries.

"Mimi!"

Napangiti si Mimi nang makita ang palapit sa kanila. Si Trutty Charles, isang fashion designer. She was also a young successful entrepreneur. Si Trutty ang isa sa mga unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon bilang designer. May kaibigan ito na mas sikat at mas talented pero binigyan pa rin nito ng pagkakataon ang kanyang pieces. Naka-display ang kanyang mga gawa sa ilang stores nito. Isa ring mabuting kaibigan si Trutty.

Nagyakap silang dalawa. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita. Mabilis niyang ipinakilala si Mark. Ipinakilala rin ni Trutty sa kanila ang date at boyfriend nitong si Blu. Kahit na paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam dahil isang kaibigan ang unang nakita at nakasama niya. Hindi nga lang tumagal ang magaan na pakiramdam na iyon dahil nakita na niya ang taong hindi siya komportableng makita kahit na alam niyang makikita niya ito roon.

Napansin si Trutty ang babaeng tinitingnan niya. "Ava did a good job, Mimi. She's also stunning."

Tumango si Mimi, sinikap na panatilihing pleasant ang kanyang mukha. Ava was an event organizer. Alam niya na ito ang organizer ng party. Mahusay ito sa pagbibigay ng gusto ng kliyente. Naramdaman niya na humigpit ang pagkakahawak ni Mark sa kanyang kamay. Tiningala niya ang nobyo at nginitian. Hindi siya nito tinanong kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. Hinagkan lang nito ang kanyang pisngi, ipinaramdam na hindi siya mag-isa. She was ever grateful for having him.

"It's gonna be okay," ang bulong nito sa kanyang tainga, napakabanayad ng tinig.

Tumango si Mimi bago siya muling tumingin kay Ava na nakatingin na rin pala sa kanya at hindi na kausap ang isang guest. Sinubukan nitong ngitian siya. Nabasa niya ang pagkagulat sa mga mata nito. Inasahan na siguro nito ang hindi niya pagdalo. Iniisip din talaga niya ngayon kung bakit siya dumalo. Kung gusto lang niyang makatulong, maaari naman siyang magpadala ng check. Gusto niyang makahalubilo ang ilang potential clients? Halos lahat ng naroon ay kilala na siya at alam ang ginagawa niya.

It suddenly dawned on her. She missed her best friend.

Isang matangkad na lalaki ang tumabi kay Ava at hinawakan ang kamay nito. Kaagad niyang nakilala ang lalaking iyon. Si Shawn. Hindi na katulad ng dati pero may kurot pa rin siyang naramdaman sa kanyang puso. Masakit pa rin palang makita ang dalawa na magkasama. Masakit pa ring maalala ang ginawang paglilihim ng dalawa sa kanya.

"Look who's here!"

Nagkaroon ng dahilan si Mimi na iiwas ang mga mata kina Ava at Shawn. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ni Trutty. "Freddie," aniya na napangiti kahit na paano. Papasok sa bulwagan ang matangkad at napakaguwapong lalaki na si Freddie. He was an international model. May lahing Chinese, American at Pinoy. He was so beautiful. Nakilala niya ang lalaki dahil kay Trutty. Naging modelo si Freddie ni Trutty. Nabigyan niya ng ilang male accessories ang binata at anong tuwa niya nang suutin nito ang karamihan sa mga iyon. He had also dropped her name to important people. Dahil sa binata kaya siya may ilang international clients. Freddie is one of her favorite people in the world.

Naramdaman niya ang pagkatensiyon ni Mark sa kanyang tabi. Nagtataka na napatingin siya sa nobyo. Hindi ito nakatingin sa kanya. Nakapako ang mga mata nito sa direksiyon ni Freddie. Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay sa pagtataka. Kilala rin ba nito si Freddie? Nagpasya siyang itanong ang bagay na iyon.

"No. Pero kilala ko ang babaeng kasama niya."

Noon napatingin si Mimi sa babaeng kasama ni Freddie. Isang matangkad at magandang babae. She looked so elegant and lovely. Parang may ere na mahirap abutin at kausapin pero iyon din yata ang maituturing na appeal nito.

"You know her?" ang halos wala sa loob na nasambit niya.

"She's my ex. She's Yani." Dumampot si Mark ng dalawang flute ng champagne mula sa dumadaang waiter. Ibinigay nito sa kanya ang isa.

Halos sabay nilang dinala sa bibig ang flute. Hindi nila iyon ibinaba hanggang sa maubos ang laman.

Hindi makahuma si Mimi. Ano ang nangyari sa kanilang gabi? Bakit nasa isang lugar ang kanilang mga nakaraan.

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon