6

12.6K 286 4
                                    

PAGKATAPOS NG hapunan ay nagkumpulan ang ilan upang makapagkuwentuhan. Kausap ni Mimi sina Wallace at Liza pero humiwalay rin siya paglaon. Hindi na niya matagalan ang ka-sweet-an ng dalawa. Lalo siyang naiinggit. Lalo siyang naaawa sa sarili dahil parang ang pathetic lang ng love life niya.

Nagtungo siya sa balkonahe upang magpahangin, tangan ang isang bote ng wine at isang wine glass. Abala ang lahat sa isa't isa kaya inakala niyang magkakaroon siya ng tahimik na sandali.

Mali siya ng akala dahil may nauna na pala sa kanya sa balkonahe. Natigilan siya nang makita roon si Mark. Nakatalikod sa kanya ang lalaki, nakatingin sa madilim at mabituing kalangitan. Maaari pa siyang umatras habang hindi pa nito nakikita o nararamdaman ang kanyang presensiya. Mukhang gusto rin nitong mapag-isa lang at hindi dapat niya inaabala.

Imbes naman na umatras ay humakbang si Mimi palapit. Siguro ay napukaw nang talaga ang interes niya sa lalaki. Siguro ay gusto lang niya ng makakausap. Isang tao na walang tinitingnan nang malagkit o nginingitian nang matamis.

Tinabihan ni Mimi si Mark. "Hi!"

Bahagyang napapitlag si Mark at napatingin sa kanya. Nakahanda na ang matamis na ngiti ni Mimi. Muli, nagsalubong na naman ang mga kilay nito sa pagtataka.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" ang hindi napigilang itanong ni Mimi. "Nakapagtataka ba talaga na nilalapitan at kinakausap kita?"

Marahang tumango si Mark. "Yes. Hindi mo 'ko nilalapitan at kinakausap dati."

"Ikaw rin naman, hindi mo 'ko kinakausap at nilalapitan dati."

"Why would I?"

Natawa si Mimi. Why would he indeed? "Good point. Pero hindi rin naman siguro masama kung lalapit ako at mag-uusap tayo ngayon."

"Bakit?"

Nagkibit ng balikat si Mimi. "I'm bored? You also look bored."

"I am not. I'm usually like this."

"Uptight?"

Tumikwas ang isang kilay nito. "Are you allowed to talk to me this way?" ang sabi nito, medyo pormal ang tinig.

Masisindak siguro si Mimi kahit na kaunti kung hindi niya nasilip ang pagkaaliw sa mga mata nito. Dinala nito sa bibig ang bote ng beer na noon lang niya napansing hawak nito.

"I think I am ten years older than you."

"I like older men," ang halos wala sa loob na nasambit ni Mimi. Nakagat niya ang ibabang labi pagkatapos. Nagsisisi siya sa sinabi pero hindi na rin naman niya mabawi.

Nasamid si Mark. Kaagad din namang nakahuma ang lalaki. Tumingin ito sa kanya na parang hindi nito malaman kung matatawa o maiirita. "You shouldn't say those kinds of words. It's a little creepy."

"Why? I like older men." Shawn had been eight years her senior. "Why is it creepy?"

"Have you looked at yourself at the mirror lately?"

"Of course," ang nakangiti niyang sagot. "Maganda ako. Magandang-maganda."

Parang gustong mapangiti ni Mark pero pilit nitong pinipigilan ang sarili. Magmumukhang ngiwi o lukot ang mukha ng iba pero hindi ang lalaking kaharap. He suddenly looked younger. He looked adorable.

"You look a lot younger than your age."

Tumango si Mimi. Hindi si Mark ang unang tao na nagsabi ng bagay na iyon sa kanya. Madalas niyang marinig iyon sa mga tao sa paligid niya. Madalas siyang mapagkamalan na college student lalo na kapag walang makeup. Petite siya. Halos hindi umabot ng limang talampakan ang height niya. Halos hindi nga siya umabot sa balikat ni Mark at kailangan niyang tingalain ang lalaki.

Medyo bilugan at maliit ang kanyang mukha. May dimple siya sa kaliwang pisngi. Mahaba at medyo may kakapalan ang kanyang buhok. Hindi iyon unat na unat pero hindi rin naman kulot. She was dainty and very feminine.

Ibinaba ni Mimi ang mga dala sa malapit na mesa. Sinalinan niya ng red wine ang glass bago siya sumandal sa railing kasama si Mark. Sa loob ng ilang sandali ay tahimik lang sila. Komportable naman siya sa katahimikan pero hindi yata siya sanay na hindi nagsasalita.

"So... what do you do?" ang kaswal niyang pagbubukas ng usapan.

"I'm a lawyer."

"I know that already."

"Then you shouldn't ask."

"Hmn. Pero it's a good subject for a small talk."

"We're seriously doing this?"

Tumango si Mimi. "Wala namang masama, 'di ba? Magkaibigang matalik ang pamilya natin pero wala man lang tayong alam tungkol sa isa't isa."

Sandaling nag-isip si Mark. "Good point. So what do you do?"

"I'm a jewelry designer."

Mukhang ikinagulat nito ang bagay na iyon. "I didn't know that."

"Interesting, isn't it?"

"Ano ang exactly ginagawa ng jewelry designer?"

"Bukod sa pagde-design ng jewelries?"

Napapangiti na tumango si Mark. Dinala nitong muli sa bibig ang bote ng beer. Nakita niya ang totoong interes sa mga mata nito. Walang judgment na madalas niyang makita sa mata ng ibang taong nakakasalamuha niya. Kapag sinasabi kasi niyang jewelry designer siya ay parang lumiliit ang tingin sa kanya.

Of course, it had something to do with jewelries. She's a princess after all. Malamang na hindi naman siya ang nagde-design talaga ng jewelries.

Iilan lang iyon sa mga sinasabi ng iba kapag nakatalikod siya. Hindi na niya sinusubukan na ipagtanggol ang sarili dahil wala naman talaga siyang mapapala. Alam naman niya ang totoo. Jewelry designing had not just been a hobby for her, it was a passion.

"I design at madalas na ako mismo ang bumubuo sa kanila. I don't have shop kasi hindi ko pa afford pero nagbabagsak ako ng pieces sa ilang boutiques at malls. Ilang online sellers din ang kumukuha ng pieces sa akin."

"Sounds good."

"Not as important as being a lawyer but I'm happy. Iyon naman ang mahalaga, 'di ba? Maging masaya sa trabaho para hindi kaagad tumanda."

Madali mong nasasabi iyan dahil lumaki ka sa rangya. May ilang tao sa mundo na hindi gaanong mahalaga kung masaya man sa trabaho at ginagawa. Ang mahalaga ay may kita.

Hindi niya sigurado kung bakit bigla na lang niyang narinig ang tinig ni Ava sa kanyang isipan. Matagal na nitong sinabi sa kanya ang bagay na iyon. High school pa lang sila. Pangarap na kasi talaga nito ang isang marangyang buhay. Pinagsumikapan nitong makamit iyon.

Ipinilig ni Mimi ang ulo. She refused to feel bad about anything. She refused to feel anything negative about her doing things that made her happy.

"'Something wrong?" ang kaagad na tanong ni Mark nang mapuna ang kanyang pag-iling.

"Happiness is a choice, you know. Suffering is optional."

Napakurap-kurap si Mark. Waring pinag-iisipan nito kanyang sinabi. "I guess," ang sabi nito kapagkuwan.

"What I do may seem mababaw para sa ibang tao pero masaya ako. I like designing. I don't earn much, I have to admit. Binibigyan pa rin ako ng allowance ng papa. Pero hindi ko naman kasalanan na ipinanganak sa ganitong buhay. Hindi ko kasalanan na prinsesa ako, hindi ba?"

Hindi tumugon si Mark. Parang hindi nito sigurado kung paano sasagot o ano ang magiging reaksiyon. Hindi rin nito marahil gaanong maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kanyang mga sinasabi. Maging siya ay hindi gaanong sigurado kung paano sila napunta sa ganoon.

"Happiness is a choice, that's what I'm just saying."

"You know, mas maigi nang may ginagawa ka kaysa naman sa wala. Maigi na iyong may pinagkakakitaan ka kahit na maliit kaysa naman puro ka na lang hingi at lustay."

Sunod-sunod ang naging tango ni Mimi. "Damn right! I'm not a horrible person."

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon