IPINARADA NI Mimi ang scooter sa ilaliw ng isang malagong puno ng mangga. Naramdaman niya ang pagbaba ni Mark.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" ang tanong ng binata. "Wala akong dalang pamalit, Mimi. Ayokong mag-swimming."
Napangiti si Mimi. Natural lang na ganoon ang isipin nito dahil may ilog sa malapit. "Paliliguin ba naman kita sa ganyang ilog," ang kanyag tugon habang ibinubulsa ang susi. Muddy ang ilog.
Hindi siya nagsisi sa naging desisyon na isama si Mark. Nakita niya na naaliw niya ang binata. Naaaliw rin siyang kasama ito. Lumalabas pala ang pagiging madaldal nito kapag hindi ito ang nakahawak sa manibela. Panay ang puna nito sa pagmamaneho niya. Hindi siya nairita dahil kahit na paano ay sanay na siya sa ganoon sa apat na nakatatandang kapatid na lalaki. They loved nagging.
"Ano nga ang ginagawa natin dito?" ang tanong uli ni Mark.
Inilahad ni Mimi ang mga bisig. Humugot siya nang malalim na hininga at pinuno ng sariwang hangin ang baga. "Ang ganda rito, ano?"
Iginala ni Mark ang paningin sa luntiang paligid. "I'm not sure. Medyo masukal."
Tumango si Mimi bilang pagsang-ayon. Medyo masukal nga ang paligid. Masyado ngang makitid ang daan papasok doon. Kaya nga scooter talaga ang dala niya.
"Iyon nga ang maganda sa paligid na ito. Unspoiled ang beauty." Nagsimula na siyang maglakad patungo sa ilog. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Mark.
"Wait," ang sabi nito bigla nang itulak niya patungo sa tubig ang balsa na yari sa kawayan. "What are you doing? Hindi iyan laruan."
Natawa si Mimi. "Alam ko pong hindi ito laruan. Wala pa tayo sa destination natin. Kailangan po nating tumawid sa ilog."
"What? Hindi mo sinabi sa akin kanina na kailangan nating tumawid sa ilog."
Banayad na natawa si Mimi habang itinutuloy ang ginagawa. "Saan mapupunta ang saya kung lahat na lang ay alam mo? You should let life surprise you once in a while."
"I had enough surprises in my life, thank you very much."
Mas natawa si Mimi. Hindi niya akalain na maaaliw siya nang husto kay Mark. She had always thought he was a stuck-up, masungit. Bakit ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon?
Sumakay na si Mimi sa balsa. "Come on."
Nag-alangan si Mark pero humakbang pa rin at sinamahan siya sa balsa. Sinabi niya kung saan ito maaaring tumayo para mabalanse silang dalawa. "Marunong ka ba?" ang tanong nito nang simulan niya ang pagsagwan.
Tumango si Mimi. "Hindi ito ang first time ko, don't worry."
Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha nito, gayumpaman. Parang inaasahan nitong lulubog sila anumang sandali. Sinikap nitong itago ang pag-aalala. Siguro ay upang ma-maintain ang pagiging macho at cool nito. Hindi niya napigilan matawa sa naisip.
"Do you wanna share? Gusto ko ring maaliw sa ginagawa natin."
Lalong natawa si Mimi. "I bet pinagsisisihan mo ang pagsama sa akin."
"Hindi ako makikipagpustahan dahil tama ka."
"I also bet na magbabago ang isip mo mamaya."
"Teka, iisipin ko pa if I'll take that bet."
Nabasa niya ang kaaliwan sa mga mata nito. Nakikita rin niya ang munting ngiti sa mga labi nito. That smile. How can it be so cute and adorable?
"Kahit na mahulog tayo ay wala namang kaso. Marunong ka naman sigurong lumangoy," ani Mimi.
BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomanceSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...