28

10.9K 272 2
                                    


DAHIL NAKATINGIN SI Mimi kina Mark at Yani, hindi niya namalayan ang paglapit ni Shawn sa kanya. Halos hindi nga niya naramdaman ang pag-upo nito sa kanyang tabi. Kung hindi pa siya nito kinalabit ay hindi pa niya iwawalay ang tingin kina Mark at Yani. Gusto na niyang tumayo kanina at lumapit sa dalawa. Gusto niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagawa nga siguro niya ang gusto kung hindi lang siya nilapitan ni Shawn.

"What are you doing here?" ang tanong ni Mimi sa lalaking matagal din niyang minahal. Ito yata ang unang pagkakataon na ito ang unang lumapit sa kanya. O sadyang ang naaalala lamang niya ay mga pagkakataon na siya ang lumapit. He never showed interest. Hindi niya sigurado kung paano niya natagalan ang ganoon. Having Mark's interest and attention was kind of addicting. Hindi niya alam na kailangan niya ng paglalambing at masusuyong ngiti. Hindi niya malaman kung paano lumago ang pagmamahal niya kay Shawn nang wala ang mga iyon. O lumago nga ba?

Salubong ang mga kilay niya habang nakatingin kay Shawn.

"She's worried about you," ang sabi ni Shawn sa banayad pero nag-aalangan na tinig.

Mas nagsalubong ang mga kilay ni Mimi. Kinailangan muna niyang alalahanin ang sinabi niya para maging ganoon ang mga salita ni Shawn. "You're talking about Ava, I presume," aniya kapagkuwan.

Tumango si Shawn. "You'e been best of friends since you were little kids. She misses you. So much that it hurts. Maraming pagkakataon na ginusto niyang makipaghiwalay sa akin. Hindi—"

"Ano ang magiging silbi ng pakikipaghiwalay niya sa 'yo?" ang halos wala sa loob na nasabi ni Mimi. "I mean, the damage had been done. You can't unring the bell. She can't unlove you."

Hindi kaagad nakapagsalita si Shawan. "You're right."

"What's with the face? You've always been smart, Shawn. I'm not sure why you look so dumb right now."

Sa mga unang sandali ay nangunot ang noo nito. Kapagkuwan ay napangiti. Ngiti na naging banayad na tawa. Hindi alam ni Mimi kung ano ang sasabihin, ang magiging reaksiyon. Ni hindi niya alam kung ano ang nakakatawa.

Nagseryoso si Shawn. "You're right, I'm dumb."

"Apparently, so am I for loving someone like you."

"But you're no longer in love with me, right? I'm not even sure if you've ever been in love with me in the first place."

"What does that mean?" May bahagi sa kanya ang nais na magprotesta. Ano ang sinasabi nito na hindi siya in love rito? Hindi iyon maaaring maging totoo. Hindi niya gustong paniwalaan na nagsayang siya ng maraming panahon kay Shawn. She may not love him anymore but she had loved him.

"You know what I'm talking about. Sanay ka nakukuha ang lahat ng gusto mo. Siguro ay isa akong pangarap na pilit mong inaabot. Siguro ay naging habit mo na ang paghihintay at paghahangad."

"I loved you."

"Sure you did. Pero hindi katulad ng nararamdaman mo ngayon kay Mark, hindi ba?"

Kaagad na tumungo si Mimi bilang pagsang-ayon. Magkaiba ang nararamdaman niya sa dalawang lalaki. Mas masidhi ang lahat ng emosyon kay Mark. Patuloy na nag-aalab at lumago. Mas makulay ang mayroon sila ni Mark.

"I'm glad you found the love you deserve, Mimi. Sasabihin ko kay Ava na hindi na niya kailangan pang mag-alala. Iniisip kasi niya na baka napipilitan ka lang kay Mark. She said something about him being a Soriano and you being a Punzalan. Nagi-guilty ang kaibigan mo. Pakiramdam niya ay hindi kami dapat maging masaya magkasama dahil nasasaktan ka."

"Nasasaktan pa rin ako, Shawn. Masakit hindi dahil siya ang minahal mo at hindi ako. Natanggap ko na iyon. Masakit na hindi niya sinabi sa akin ang totoo a lot sooner. Hindi siya lumapit. Inisip niya na hindi ko kayang magbigay-daan sa kanya. She had to love you behind my back. Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin. Mahapdi pa rin. Pero ang gusto ba talaga niya ay pare-pareho tayong maging miserable? I have decided to love a Soriano. My heart fell in love with Mark. It's fate. Gusto kong paniwalaan na laan din kami para sa isa't isa. Hindi lang namin basta pinili na mahalin ang isa't isa."

Tumango si Shawn. "One day, you're gonna talk and start rebuilding the friendship, the trust. Hindi magiging madali pero alam ko na mapagtatagumpayan n'yo dahil walang susuko sa pagkakaibigan ninyong dalawa."

Tumango si Mimi. "Now leave me alone. I wanna be with the man who holds my heart."

Natatawa na tumayo si Shawn at iniwan na nga siya. Tumingin si Mimi kay Mark na nakamasid sa kanya, hawak ang kanyang inumin. Ginawaran niya ito ng matamis na ngiti.

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon