11

12.5K 286 22
                                    

HINIMAS-HIMAS NI Mimi ang tiyan na masayang-masaya sa mga kinain. "Busog na busog ako," aniya, stating the obvious. Nilingon niya si Mark na kasama niya sa shed. Sandali silang iniwan ng matatanda roon para makapagpahinga. Masarap sa balat ang dapyo ng hangin. Kahit na tanghaling tapat ay hindi niya maramdaman ang init dahil mahalaman sa gawing iyon. Parang ang sarap matulog.

"Kakakain mo lang, huwag ka munang mahihiga," ani Mark nang makitang akma niyang ihihiga ang sarili sa mahabang upuan na yari sa kawayan.

Lumabi si Mimi at isinandal na lang ang sarili. "Gusto kong mang-usisa," ang pag-amin niya. Interesado siyang malamn ang tungkol sa kinasama nito sa Maynila. Bakit hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon? Ano ang nangyari at hiwalay na ito? What was she like? Did he love her so much?

Hindi muna sumagot si Mark.

"Hindi ko alam kung bakit hindi ako naging interesado sa buhay mo noon. Hindi ako gaanong interesado sa 'yo, period. Pero ngayon ay interesado na ako."

"Bakit?"

Nagkibit ng balikat si Mimi. Bakit nga ba? "Naisip ko na baka puwedeng ikaw na lang ang sunod kong mahalin."

Labis na ikinagulat ni Mark ang naging pahayag niya na iyon. Hindi niya napigilang matawa sa reaksiyon ng mukha nito. Bahagyang napamulagat ang mga mata nito. Malinaw na mababasa ang shock at pagkabaghan. Ibinuka nito ang bibig at akmang may sasabihin pero mukhang nagbago ang isipan nito at muling itinikom. Nagsalubong ang mga kilay nito at mukhang mataman na pinag-iisipan ang kanyang sinabi.

Napahalakhak si Mimi.

Tiningnan siya nang masama ni Mark. "Ako ba pinaglololoko mo?"

Umiling siya. "Hindi. Hindi gaano. I mean, you should've seen your face." Muli siyang natawa.

"Mimi—"

"And I wasn't really kidding. Siguro ay hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganoong bagay sa ngayon. Sariwa pa ang mga sugat. Baka hindi pa handa ang puso ko. Pero ayokong magmaganda at sabihin na hindi ko iniisip ang isang posibilidad para sa ating dalawa. Matagal naman na kasing gusto ng pamilya natin na may magkatuluyang Punzalan at Soriano. Naisip ko pa nga na baka si Wallace ang for me." Natawa siya sa kagagahan niya. Bahagya ring nahiya nang maalala na dinala ng kaibigan ang girlfriend sa kanilang salo-salo.

"You're just trying to distract yourself."

Tumango si Mimi. "That can be true. Or galit lang ako kay Shawn. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong magmahal ng iba, na hindi lang siya ang lalaking kaya kong mahalin. Siguro ay ayokong maging kawawa sa paningin ng kahit na sino. Siguro ay pagod na ako. Gusto ko namang maranasan kung paano magmahal ng ibang lalaki. Isang lalaki na mamahalin din ako this time. Siguro ay nagsama-sama na ang lahat ng dahilan na iyon."

Sinalubong ni Mark ang kanyang mga mata. Kaagad niyang nakita na lubos siya nitong nauunawaan. Nasisiguro niya na halos pareho ang kanilang karanasan. Nasiguro na niya na hindi rin naging madali ang pakikipaghiwalay nito sa karelasyon.

"So hindi naman masama siguro masama kung mag-iisip ako ng mga magagandang posibilidad para sa ating dalawa?" Wala naman sigurong masama kung makaramdam siya ng attraction sa binata.

Tumango si Mark. "Walang masama."

Mas lumapad ang ngiti ni Mimi. "So you should see me as a woman. Hindi little girl na malapit na kaibigan ng pamilya mo."

Napangiti na rin si Mark. "O girlfriend ng pamangkin ko."

Natawa si Mimi. "That's settled then. We'll see each other as a prospect. Hindi naman kailangang malalim kaagad ang expectation. Sapat nang hindi natin isasara ang mga sarili natin sa isang posibilidad."

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon