12

10.3K 262 4
                                    

NANG SUMUNOD NA araw ay hindi nagkita sina Mimi at Mark. Naging abala sila sa kani-kanilang mga pamilya. Pero nang sumunod na araw ay nag-dinner sila sa restaurant sa kabilang bayan. Isang restaurant na nasa tabing-dagat na madalas puntahan ng kani-kanilang mga pamilya.

"Is this a date?" ang nakangiting tanong ni Mimi kay Mark pagkatapos nilang umorder.

Inabot muna ni Mark ang bote ng light beer at uminom bago siya sinagot. "Do you want it to be a date?"

"Sure. Why not? Ang corny naman nating dalawa kung hindi."

"Then this is a date." Napapangiti man, makikita pa rin ang pag-aalangan sa mga mata nito.

"Bakit parang hindi ka komportable? Napatunayan ko naman na sa 'yo na good company ako. Masaya akong kasama. Kahit na date ito, hindi mo naman kailangang ma-pressure. I have no expectations."

"Wala talaga?"

"Wala nga. Kakain lang tayo at magkukuwentuhan."

"Akala ko ba, naging prospect na ako?"

"Propect na maging future boyfriend, sure. Pero hindi ko naman igigiit kung hindi talaga puwede. Kung magiging magkaibigan lang tayo, okay rin lang naman. Magiging masaya na lang muna ako sa company mo. Kikilalanin kita at mas gugustuhin. Hindi na ako gaanong mag-iisip masyado. Masakit sa ulo. Saka pareho naman tayong may karapatang huwag gaanong magseryoso sa mga ganitong bagay pagkatapos ng mga pinagdaanan natin. Chill lang dapat."

Napangiti na si Mark. Naglaho na ang pag-aalangan sa mga mata nito. Mas naging maaliwalas ang mukha nito. Mas naging relaxed ang katawan.

"You are right."

"I'm smart."

Banayad na natawa si Mark. "Yeah, you are."

"Hindi mo 'ko kailangang bolahin, alam mo."

"Hindi naman kita binobola. You're not just smart, you're fun. May part sa akin ang nanghihinayang na ngayon lang natin nadiskubre ang isa't isa."

"Honeymoon stage ito, Mark. Magwe-wear off din ang fascination at admiration. Makikita mo rin paglaon ang mga bagay sa akin na hindi mo magugustuhan. May mga bagay tungkol sa akin na hindi magiging cute at adorable. Naitanong ko na rin kung bakit hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon noon samantalang our families are so close. Bakit hindi man lang tayo nakapag-usap katulad ng ginagawa natin ngayon. Bibigyan kita ng corny na sagot. Hindi pa natin panahon noon."

Muling natawa si Mark. "Yes, tama ka siguro sa lahat ng mga sinabi mo."

"Pero saka na natin pakaisipin ang mga bagay na puwedeng ipagpabukas. Let's enjoy this night and get to know each other more."

Ganoon nga ang ginawa nila. Masarap ang mga pagkain na inihain sa kanila. Nagpakabusog sila nang husto. Habang kumakain ay napagkuwentuhan nila ang tungkol sa trabaho ng isa't isa. Ibinahagi ni Mark ang ilang interesanteng kaso na nahawakan nito. Ibinahagi rin niya ang ilang inspirasyon niya para sa ilang designs.

Napunta ang usapan sa hobbies pagkatapos.

"You don't have hobbies?" ang sabi ni Mimi, bahagyang napamulagat. Hindi niya gaanong mapaniwalaan iyon. Kahit na ang Kuya Antwon nito ay may mga hobby sa kabila ng pagiging abala bilang mayor.

"Kasasabi ko lang. Gym. Exercise. Those are my hobbies."

"Hobbies are activities you do something for fun. You do not exercise for fun."

Natawa lang si Mark. "I got nothing else, I'm sorry."

"I'm taking you out tomorrow. I'll show you what fun is."

"Bakit parang gusto kong kabahan sa linya mong ganyan?"

Si Mimi naman ang natawa sa pagkakataon na iyon. "Trust me, we'll have so much fun together!"

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon