22

9.9K 271 6
                                    

"THAT DOESN'T look good."

Kunwari ay tiningnan nang masama ni Mimi si Mark. Sinikap niyang magmukhang offended, pero base sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha nito ay hindi siya nagtatagumpay. May munting ngiti sa mga labi nito pero parang may mas ilalapad pa ang ngiting iyon base sa magandang kinang ng mga mata nito. Parang may pumipisil-pisil sa kanyang puso. Bakit habang tumatagal ay mas nagiging kaakit-akit sa kanyang paningin si Mark? Bakit parang hindi niya makakasanayan ang kaguwapuhang taglay nito? Parang patuloy siyang maaapektuhan at kikiligin.

Ilang sandali na inisip muna ni Mimi ang dapat na itugon sa sinabi ni Mark. Ilang sandali muna ang lumipas bago niya naipaalala sa sarili kung ano ang nangyayari. Hindi iyon madaling gawin at noon lang talaga nangyari sa kanya.

"Kung makahusga ka naman." Napangiwi siya nang mapagmasdan ang "sauce" na ginawa niya sa isang kawali. Masyado iyong malabnaw at mas mukhang sabaw na libre sa mga karinderya kaysa carbonara sauce. Sa unang tingin pa lang ay malalaman nang hindi magiging kaaya-aya ang lasa niyon. Hindi na niya maalala kung paano iyon naging ganoon.

"You can't make me eat that," ang sabi ni Mark.

"Napaka-ungrateful nito. Ikaw na nga itong ipinagluto." Ang totoo ay hindi rin naman talaga niya ipapakain ang sauce na iyon sa nobyo. Hindi siya ganoon kasama pero hindi rin naman ganoon kabuti. Hindi nito kailangang malaman kaagad na hindi niya ito pipilitin na kainin ang iniluto niya.

Pagkatapos nilang maglakad-lakad sa parke kanina ay dumaan sila sa grocery store. Naghanap siya ng madaling recipe at binili nila ang mga kailangang ingredients. Napagpasyahan niyang gumawa na lang ng carbonara. Kumbinsido siya na kayang-kaya niya dahil parang ang dali lang ng instructions. Kayang-kaya niyang sundin. Maling-mali siya.

Banayad na natawa si Mark. "You look so cute in an apron. You also looked legit. Parang alam mo ang ginagawa mo sa kitchen. Maling-mali ako."

"I grew up in a house full of maids. Talaga bang inasahan mo na marunong akong magluto?"

Noon na ganap na kumawala ang pinipigilan nitong tawa. Hinila siya nito palayo sa kalan at niyakap. "Thank you for the effort."

"I wanted to do something special for you. I'm sorry you're gonna starve. Should we order pizza?"

"Let me try. Let me cook for you."

Nagsalubong ang mga kilay ni Mimi. Nadismaya siya dahil pinakawalan siya nito para tingnan ang mga natitira sa kanilang mga pinamili.

"Marunong ka ba? Kahit na katulad ko ay lumaki sa bahay na may maids at cooks?"

"Hindi rin gaano pero sa palagay ko ay mas may common sense ako sa kusina kaysa sa 'yo."

"Hey!" Sinubukan niyang magtunog offended pero hindi rin yata niya gaanong napagtagumpayan.

"Let me try. Kung fail din ako, sige, let's order pizza. Sayang din naman kasi itong mga pinamili mo."

Tumango na lang si Mimi at naupo. Nangalumbaba siya at pinanood ang bawat galaw ni Mark sa loob ng kusina. "Kailangan mo ng recipe sa phone ko?"

Umiling si Mark habang isinasalang sa kalan ang bagong kawali. "Na-memorize ko na ang dapat na gawin nang basahin mo nang malakas ang recipe kanina."

"Wow, you're really smart. Ang sabi nila ay puro memorization lang ang law school?"

"Kahit na siguro sino ay mamememorya ang recipe dahil paulit-ulit mong binasa. Kahit na ganoon, hindi pa rin katakam-takam ang kinalabasan."

"He-he."

He winked at her and her heart melted. Masarap panoorin si Mark. Hindi siya nainip. His every move was just graceful. Parang hindi nito gaanong alam ang gagawin sa simula pero nakagamayan na rin nito paglaon.

Mabilis na natapos si Mark sa bagong sauce. It looked so perfect. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Mimi. "Marunong ka at nagluto ka na ng ganito dati," ang akusa niya.

Inihanda ni Mark ang mesa. "Hindi pa ako nakapagluluto ng ganito dati at hindi ko sigurado kung magugustuhan mo pero kaya kong magluto for survival, Mimi. Matagal-tagal na rin akong naninirahang mag-isa. Kahit na most of the time ay sa labas ako kumakain, kaya ko namang magprito ng itlog."

Naupo na si Mimi. "I just need practice then."

"We can practice together."

Nagliwanag ang mukha ni Mimi. "Talaga?"

Tumango si Mark. "We can do things together. Cook. Walk. Or just be together."

"I'd love that!"

"Eat up."

Mabilis na sumunod si Mimi. Masarap ang iniluto ni Mark. Siguro ay bias siya. Siguro ay dahil kinikilig lang siya. Siguro gutom lang siya kaya siya nasarapan. Hindi mahalaga ang mga iyon. Nakabuo na siya ng pasya.

"Hindi na ako mag-aaral magluto. Hindi na ako magpa-practice. Ipagluto mo na lang ako palagi," aniya habang ngumunguya. Nais niyang maging malambing pero hindi niya sigurado kung napagtagumpayan niya.

"Okay," ang mabilis nitong tugon.

"At ako lang dapat ang babaeng ipagluluto mo."

"Okay."

Ang ganda ng ngiti ni Mimi. Perpekto ang relasyon na iyon. Maligaya siya sa piling ni Mark. Safe na rin sigurong sabihin na maligaya rin sa kanyang piling si Mark. Nahiling niya na sana ay manatiling ganoon na lang habang-buhay. Sana ay patuloy lang maging magaan at masaya ang lahat sa pagitan nila.

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon