"SEE? I'M BORING."
Napangiti si Mark. Kanina pa iginigiit ni Mimi ang pagiging boring nito pero malayo siya sa pagiging bored sa kasalukuyan. Iba ang siglang nararamdaman niya habang kasamang naglalakad ang nobya sa malapit na parke. Tuwing araw ng Linggo ay madalas siyang low bat. Hindi gaanong nagkikikilos kapag walang trabaho na kailangan.
Hindi naman ibig sabihin niyon na hindi niya gustong makasama si Mimi sa araw na iyon. He had truly missed her. Naging abala ang dalaga sa mga nakalipas na araw at ayaw niyang gaanong makaabala kaya naman hindi siya gaanong tumatawag kahit na gustong-gusto sana niyang marinig ang tinig nito.
Napatingin siya sa kamay nilang magkahugpong. Mas napangiti siya. Mas gumanda ang pakiramdam. Hindi niya akalain na magugustuhan niya ang ganoon. Hindi niya masabi kung kailan nagkahugpong ang kanilang mga kamay. Hindi niya namalayan. Parang natural na lang na abutin nila ang isa't isa. Parang natural na panatilihin ang koneksiyon ng mga katawan nila.
Hindi niya naranasan ang ganoon kay Yani. They never walked liked this. She didn't like holding hands.
Para sa kanya ay hindi boring ang kanilang ginagawa. Umaapaw ang excitement sa kanyang dibdib kahit na sa totoo lang ay wala naman talaga silang ginagawa.
"Tell me again," aniya matapos hagkan ang ibabaw ng ulo nito nang ihilig nito ang sarili sa kanya. "Bakit tayo nasa labas at naglalakad-lakad ng walang patutunguhan. And why you think this is boring."
"We should live like a plant," ang walang anumang tugon nito sa kanya. "Hindi ko alam kung may mas bo-boring pa roon."
"Explain."
"Drink lots of water. Soak in the morning sun. Produce oxygen to help clean the air." Itingala nito ang ulo at humugot ng malalim na hininga. Kumpara sa ibang parte ng lungsod ay medyo mas malinis ang hangin sa bahaging iyon.
"May point ka."
"Of course, may point ako. Ang simple lang kaya huwag mong kakalimutan. Para rin maipaalala mo sa 'kin dahil nakakalimutan ko minsan. Ilang araw akong hindi lumabas ng bahay at hindi nasikatan ng araw."
"So iyon pala talaga ang dahilan. Ilang araw kang hindi nasisikatan ng araw kaya niyaya mo 'kong maglakad-lakad sa labas?"
"And this is a boring activity."
"Being with you will never be boring. Nasabi ko na iyan kanina."
"Talaga ba?"
Tumango si Mark. Nagsasabi siya ng totoo. Hindi niya akalain na magiging ganito pero masaya pa rin siya.
"Being with you feels really, really good," ang sabi nito sa mahinang tinig. "Sana ay ginawa na natin ito noon pa." May bahid ng panghihinayang sa tinig nito.
"May iba kang kinahuhumalingan noon."
"Well, may girlfriend ka noon."
Halos sabay silang natawa. Nakakatuwa na hindi sila naaalangan sa pagbanggit ng tungkol sa mga nakaraan nilang relasyon. Nakakatuwa na kaya na nilang pagtawanan kahit na paano ang mga nangyari. Pinaghihilom nila ang sugat ng isa't isa.
"So what do plants eat?" ang kanyang tanong kapagkuwan.
"Ipagluluto kita!" ang masigla nitong anunsiyo.
"Okay."
BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomansaSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...