"WELCOME!"
Iginala ni Mark ang paningin sa paligid ng apartmet ni Mimi. Pinigilan niya ang sarili na mapangiwi. "Nalooban ka ba?" ang kanyang tanong kahit na alam na niya ang sagot.
Natawa si Mimi. "Mukhang masyado lang makalat sa standard mo itong apartment ko dahil masyadong malinis ang tirahan mo. Sa standard ng isang karaniwang tao, okay pa ito."
Napatingin na siya kay Mimi sa pagkakataon na iyon, bahagyang nababaghan. Nakalahad ang mga braso nito na para bang proud ang dalaga na ipakita sa kanya ang lugar nito. "Talaga bang pinaniniwalaan mo ang sinabi mong iyan o kinukumbinsi mo pa rin ang sarili mo?"
Kahit na kanino pang pamantayan ay magulo at makalat ang apartment. Nagkalat sa paligid ang mga kagamitan. Maging ang mga painting sa pader ay tabingi na. Hindi naman nangangamoy ang lugar, sa kanyang pasasalamat. Kailangan lang ng seryosong pagliligpit.
Lumabi si Mimi. "Kahit na parang wala sa order ang mga bagay-bagay sa apartment na ito, may sistema ako. I know where my things are."
"Iyan ang madalas idahilan ng mga taong tamad magligpit."
Nanlaki ang mga mata ni Mimi. Malakas pang napasinghap ang dalaga na parang offended na offended ito. "How can you be so cruel to your girlfriend?"
Imbes na mag-alala ay parang gustong mapangiti ni Mark. Bahagyang umangat ang isa niyang kilay. Ikiniling din niya nang bahagya ang kanyang ulo. Nabatid niya na ibang-iba ang pakikitungo niya kay Mimi sa pakikitungo niya kay Yani. Madalas siyang nag-iingat kay Yani. Mas madalas na pinag-iisipan muna niya nang husto ang mga sasabihin. He was never carefree. Hindi katulad ngayon kay Mimi. Masyado siyang komportable na kaya niyang sabihin ang kahit na ano.
Kung kay Yani ang apartment na ito, malamang na hindi na siya magsasalita at sisimulan na lang ang pagliligpit.
Mas ngumuso si Mimi. "But I'm an artist. I'm allowed to be messy."
"Hmn."
"Fine! I'll find time para makapagligpit at makapaglinis. Medyo sore nga sa eyes ang paligid. I'm not sure how I lived like this." Bahagyang nalukot ang mukha nito habang iginagala ang paningin sa paligid.
"So usually ay hindi ganito kakalat ang bahay mo?"
"My work area is usually a lot messier. Pero ang ibang part ng bahay ay malinis at masinop dati. Noong kasama ko pa si Ava rito sa bahay. Siya ang madalas na magligpit at maglinis. Mula noong magkasama kami rito sa city ay siya na ang gumagawa sa bahay, nagluluto." Kaswal na nagkibit-balikat si Mimi pero napansin pa rin ni Mark ang pagdaan ng lungkot at hinanakit sa mga mata nito.
Gusto sana niyang lapitan at yakapin si Mimi ngunit alam niya na mas malulungkot ang dalaga. Hindi niya ito gustong nalulungkot. Hindi maganda ang nagiging epekto sa kanya ng kalungkutan nito. Inilabas niya ang cell phone sa halip. "I'm gonna call someone," pamamaalam niya nang mahanap ang contact number na kailangan niya.
"Who?"
"A girl named Aiyana. Siya ang regular na naglilinis ng condo ko. Twice a week. Very trustworthy at hindi niya pakikialaman ang parte ng bahay mo na ayaw mong pakialaman niya. Kung hindi mo gustong pasukin ng sinuman ang work area mo, hindi niya papasukin kahit na gaano pa iyon kadumi at siya ang tipo ng taong hindi matagalan ang kalat at dumi. I think you'd like her. She's always smiling like you. Bubbly and chatty. Mahal niya ang ginagawa niya kahit na ano pa ang sabihin ng iba, kahit na paano siya hamakin ng iba. Hindi ko sinasabing papalitan ko si Ava sa buhay mo. Hindi ko iyon magagawa kahit na gaano pa kabait at kahusay maglinis ang babaeng sinasabi ko sa 'yo. Siguro ay darating ang araw na magkakaayos din kayo ni Ava. Sinasabi ko lang na hindi mo na muna dapat hayaan na maapektuhan ka masyado ng pagkawala niya."
Humalukipkip si Mimi. "Sa ganoong klase ng betrayal, how can one forgive?"
Parang may mariing pumisil sa puso niya nang makita niyang gusto talaga nitong malaman ang kasagutan sa tanong na iyon. There was longing in her eyes. She wanted her best friend back. Hindi lang para maglinis o magluto. Sadya lang mahal nito ang Ava na ito.
"Hindi ko kayang sagutin iyan for you, Mimi, pero gusto kong maniwala na darating ang araw na kaya mo nang sagutin iyan."
Tumingin sa kanya si Mimi, nasa mga mata pa rin ang pag-aalangan. "So itong cleaning lady na ito ay magugustuhan ko? Hindi lang hired help kundi potential new friend para hindi naman ako gaanong malungkot sa pagkawala ni Ava? Feeling mo ba si Ava lang ang kaibigan ko?"
"I just really want someone to clean up here," aniya sa nagbibirong tinig.
Napangiti na si Mimi. Kusang lumapit sa kanya ang dalaga at ipinaloob ang sarili sa kanyang mga bisig. Niyakap niya ito. She squeezed him tight. Mas napangiti siya. Bumaha ang masarap na pakiramdam sa kanyang buong pagkatao. He liked being this close to her.
"I'm happy you came into my life," ang pabulong nitong sabi.
Hinagkan niya ang ibabaw ng ulo nito. "If you want me to stay in your life, you have to let me contact Aiyana."
"Fine. Have her clean my apartment twice—no thrice a week."
"Ano nga uli ang sinabi mo kanina sa unit ko? We will be all right." Nasisiguro na halos niya ang bagay na iyon. Isang malaking sorpresa sa kanya ang maganda at mabilis na progreso ng kanilang relasyon. Wala rin kasi siyang gaanong inasahan. Naisip lamang niya na walang masama sa ideya nito.
Pakiramdam niya ay kayang-kaya niyang mahalin ang babaeng ito. Nang buong puso.

BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomantizmSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...