"YOU'RE SAYING you're not sure if you've ever loved me? After all these years?"
Mark had the most comfortable life. Madalas sabihin sa kanya ng mga taong nakapaligid na madali para sa kanya ang buhay. Madali niyang nakukuha ang anumang gustuhin. Most of the time ay sang-ayon siya sa opinyon na iyon. Ipinanganak siya sa isang marangya at makapangyarihang pamilya. Tinitingala at inirerespeto ang kanilang pamilya. Likas ang pagiging matalino niya at masipag sa pag-aaral kaya naman palagi siyang nangunguna. Nagtatagumpay siya sa anumang pagtuunan niya ng pansin.
He had a good life. He had a good family and great set of friends. He had a good career as a lawyer. Wala na siya halos mahihiling pa sa buhay.
Madali ang lahat para kay Mark maliban pagdating sa pag-ibig. Mula't sapul ay hindi na niya makuha ang pag-ibig na ginusto niya. Kahit na sabihin na ilang taon na niyang kasama ang babaeng mahal ng kanyang puso, kailangan niyang aminin na hindi niya nadama na nakamit na niya ang pag-ibig na inaasam. Hindi naging ganap ang kanyang kaligayahan sa mga nakalipas na taon.
Sa kaibuturan ng kanyang puso ay alam niya na darating ang araw na ito. Kahit na gayon, iginiit pa rin niya ang gusto. Umasa pa rin siya. Naghintay pa rin na maibabalik ang pag-ibig na kanyang ibinigay.
Pinagmasdan ni Mark si Yani na hindi makatingin sa kanya. Bahagyang nalulukot ang mukha nito na para bang pilit lang nitong pinipigilan ang pag-iyak sa kanyang harapan. She looked so delicate and beautiful. He felt the familiar urge to wrap his arms around her and protect her from all the harm. He had always wanted that since the first time he saw her. Pilit niyang ipinako ang sarili sa kinatatayuan.
She was leaving him. After all these years, she was leaving him. Natawa si Mark, puno ng pait.
"I'm sorry," ani Yani sa munting tinig.
"Sorry?" Iyon lang ang masasabi nito sa kanya pagkatapos ng lahat. Sorry? Ano ang magiging saysay niyon? Kaya bang paghilumin ng isang simpleng "sorry" ang sugat na nilikha nito?
"Is there someone else?" tanong ni Mark. Sinikap niyang magpakahinahon at huwag palabasing mapanganib ang tinig.
Naumid na naman si Yani.
Parang sasabog ang dibdib ni Mark. Naikuyom niya ang mga kamay at halos hindi kayanin ng katawan niya ang dagsa ng galit. How dare she!
Mahabang panahon na ang pinagsamahan nila ni Yani. Alam na ni Mark ang sagot sa kanyang tanong base sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya malaman kung saan nito nakuha ang lakas ng loob na umibig sa ibang lalaki. Hindi rin niya malaman kung paano iyon nakalampas sa kanya. Paanong hindi niya nakita ang mga senyales.
"Speak!" he roared.
Napapitlag si Yani at mabilis na bumalatay sa buong mukha ang takot. Nais niyang matawa. Bakit natatakot ito sa kanya? Kailan niya ito sinaktan?
Tinalikuran ni Mark si Yani at tinungo ang console kung saan naroon ang kanyang paboritong whisky. Nagsalin siya sa isang baso. Bahagyang nanginig ang kanyang kamay nang dalhin niya iyon sa kanyang bibig. Hindi niya ibinaba ang baso hanggang sa hindi niya naubos ang lamang alak niyon. Muli siyang nagsalin, halos punuin niya sa pagkakataon na iyon ang baso.
"Mark..."
"Just leave," aniya sa munti ngunit puno ng galit at pagkamuhi na tinig. After all that he had done for her, she dared falling for somoeone else. After all that he had done, she had not fallen in love with him.
What did he do to deserve something like this?
Naramdaman ni Mark ang marahang pagbukas at pagsara ng pinto. Katahimikan ang bumalot sa kanya. She had really left him. Sa loob ng ilang sandali ay natulala lang siya, hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi niya malaman kung paano susulong pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
Storie d'amoreSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...