16

9.8K 265 6
                                    

SABAY NA BUMALIK ng Maynila sina Mimi at Mark. Dahil mas malapit ang condo unit nito ay doon muna sila nagtuloy. Ilalagak lang nila ang mga gamit nito at ihahatid na siya nito sa kanyang apartment pagkatapos. Iniwan na niya ang sasakyan sa Matangcaoa. Hindi rin naman niya iyon gaanong nagagamit sa lungsod. Napu-frustrate siya sa traffic at madalas niyang problema ang parking space. Mas convenient para sa kanya ang Grab at Uber kahit na gustong-gusto sana talaga niyang magmaneho.

Nasa top floor ng building ang unit ni Mark. Pagpasok nila sa loob ay kaagad siyang nang-usisa. Hindi na siya gaanong sa napakalinis na kapaligiran. Very masculine ang interior ng lugar. Walang gaanong palamuti o abubot. Mga kailangang furnitures at appliances lamang ang naroon.

"Nice place. Masyadong maluwang para sa isang bachelor na katulad mo pero to each his own. You can afford it naman," ang puna niya habang iginagala pa rin ang paningin sa paligid.

"I was thinking of moving to a much smaller place actually," ang tugon ni Mark nang samahan siya nito. Nailagak na nito ang bag sa silid at naikuha na siya ng maiinom.

Tinanggap niya ang maiinom na inabot nito. "Why? This is place is nice."

"Nahihirapan na akong i-maintain?"

"Sinungaling. Sa linis nitong unit mo, I'm sure na may regular na naglilinis dito. Maganda ang area. Huwag mo nang ibenta dahil lang noong kinuha mo ito ay inisip mong makakasama mo si Yani. Eh, ano naman kung marami kayong memories dito? Puwede ka namang mag-redecorate na lang. Gusto mong tulungan kita? Ilang makukulay na paintings lang ay malaki na ang magiging pagbabago sa lugar na ito. Bigyan mo ako ng panahon at ilang visiting priviledges, tingnan ko lang kung hindi mabura ang lahat ng memories na 'yan. I'm sure, masusulit mo rin ang bayad mo sa cleaning lady mo."

Natawa si Mark. Pinisil nito ang kanyang pisngi. "Minsan ay hindi ko malaman kung saan-saan mo nakukuha ang mga pinagsasasabi mo."

"Tama naman ako."

Tumango si Mark. "Saka masyadong confident."

"I know myself. I love myself."

"Sige nga. Tingnan nga natin ang husay mo."

"At hinamon pa ako. Makikita mo." Pabirong umingos pa si Mimi.

Natawa si Mark. Nilapitan siya nito. Hindi na pinigilan ni Mimi ang sarili, yumakap siya sa binata. Sa totoo lang ay kanina pa niya iyon gustong gawin. Pumaikot sa kanya ang mga braso nito.

"Paano kung hindi ko mabura ang mga memory ni Shawn?"

Napatingala si Mimi kay Mark. Hindi niya gaanong mapaniwalaan ang bahid ng insecurity sa mga mata nito sa kasalukuyan. Hinagkan niya ang baba nito. "Wala namang gaanong memories na kailangang burahin. You'll be fine. We'll be fine."

"Pero paano kung—"

"No pressure, okay? Kung masyado nating pakakaisipin ay baka mas lalong hindi mangyari. Let's just let it happen. Let's not pressure ourselves."

Tumango si Mark at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Hinagkan nito ang ibabaw ng kanyang ulo. "Bakit palagi ka na lang tama?"

Napahagikgik si Mimi. "Hindi lang halata pero smart talaga ako." Nilanghap niya ang panlalaking bango ni Mark. Ang linis-linis ng amoy nito. Masarap samyu-samyuin.

He was her boyfriend. May mga pagkakataon na parang medyo mahirap pa ring paniwalaan ang bagay na iyon. Waring anumang sandali ay magigising siya at mababatid na hindi totoo ang lahat.

Naramdaman ni Mimi na muling hinagkan ni Mark ang ibabaw ng kanyang ulo. Nahagkan ni Mimi ang dibdib nito. Hindi siya nananaginip lang.

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon