PATINGIN-TINGIN SI Mimi kay Mark habang kumakain sila. Nasa silong sila ng isang mayabong na puno na malapit sa ilog. Sandwiches at fruit juices lang ang dala niyang pagkain. Iyon lang ang naipahanda niya sa kawaksi kaninang umaga. Magana ang pagkain ng binata. Nakakagutom talaga ang naging mountain driving nila. Pawala na ang adrenaline rush niya at ilang bote na ng fruit juice ang naubos niya.
She had always loved mountain driving. Ang mga kuya niya ang nakahikayat sa kanya. Noong una ay pinagbabawalan siyang magmaneho roon pero ipinupuslit pa rin niya ang Jeep. Mahusay siyang driver, alam niya iyon. Maingat din siya kung tutuusin, kung ikukumpara sa mga kuya niya. Hanggang sa magsawa na ang pamilya niya sa pagsaway sa kanya. Sinasamahan na lang siya roon. Sa kondisyong magtatanim siya ng puno sa tuwing gagawi siya sa lugar na iyon.
Mamaya ay magpapatulong siya kay Mark na itanim ang ilang seedling na dala niya.
"'You wanna say something?" ani Mark nang mahuli siyang nakatingin.
Tumango si Mimi. "Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob."
"Hindi ko alam na kailangan mo pang mag-ipon. I thought you have plenty already."
"Kailangan ko ring pakapalin ang mukha ko para masabi ang gusto ko."
Nagsalubong ang mga kilay nito sa pagtataka. "Now I'm curious. What is it? Kung pabor ang hihingin mo ay wala namang kaso. Basta kaya kong ibigay sa 'yo."
Inubos muna ni Mimi ang sandwich na hawak at uminom ng juice bago niya sinimulan ang gustong sabihin. May pag-aalangan siyang nadarama pero masidhi rin ang kanyang kagustuhan. Gusto niyang malaman kung ano ang maaaring mangyari sa pagitan nila. Gusto niyang sumubok.
Gusto niyang subukan nila ang isang relasyon.
"Be my boyfriend," ang deretsang sabi ni Mimi. May ni-rehearse na siyang speech. May pambungad. May mga dahilan kung bakit magandang ideya iyon at kung bakit kailangan nilang gawin. Ipagtatanggol din sana niya ang sarili para hindi naman magmukhang atat na atat siyang magka-boyfriend, kahit na medyo totoo ang bagay na iyon.
Napamata sa kanya si Mark. Parang hindi nito gaanong mapaniwalaan ang narinig mula sa kanya. Hindi niya gaanong masisi ang binata. Kahit na sino naman ay magiging ganoon ang reaksiyon siguro. Kahit na ba napag-usapan na nila kahit na paano ang pagiging more than friends but less than lovers, nakakagulat pa rin.
"Pakiulit?" ang sabi nito kapagkuwan.
Napabuntong-hininga si Mimi. Hindi na niya maaaring bawiin ang lahat kahit na gustuhin niya. "Let's be officially together. I'll be your girlfriend, you'll be my boyfriend. I know it sounds a little crazy. I'm so aware. Naisip ko lang, hindi rin naman bad idea, 'di ba? Kahit na subukan lang natin. Tingnan natin kung compatible tayo. Why not coconut? Mukhang magkakasundo tayo nang husto. Guwapo ka, maganda ako. Heartbroken ka, heartbroken din ako. Iniwan ka, pinagtaksilan ako. We can heal each other. We can make each other happy. We can distract each other." Marahas siyang napabuntong-hininga nang mabatid ang ginagawa. She was babbling almost nonsense. Kahit na aware na siya roon, hindi pa rin niya ganap na narendahan ang kanyang bibig.
"I'll be yours, you'll be mine. I'll be very devoted to you. You'll have to be very devoted to me."
Nakamata pa rin si Mark sa kanya. Parang hindi pa rin nito malaman kung ano ang sasabihin sa kanya.
Nalumbay si Mimi. Naramdaman niya ang mabilis na pag-drain ng kanyang enerhiya. "Just forget about it. I'm just crazy. It's not a good idea. Kalimutan mo nang may narinig ka tungkol sa kahit na anong pakikipagrelasyon mula sa akin." Ano ba naman kasi ang naisip niya? Paano niya pinaniwalaan na maaaring pumayag si Mark? They had been having so much fun together pero hindi naman ibig sabihin iyon ay puwede nang gawing opisyal. Kahit na sinong tao yata ay maniniwala na hindi iyon isang magandang ideya. Masyadong mabilis siguro. Dapat ay naghintay pa siya.

BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomanceSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...