"NALAMAN MO ang lahat ng gusto mong malaman mula kay Aiyana?"
Nginitian nang matamis ni Mimi si Mark. Nasa isang restaurant sila at kumakain ng hapunan. Tinawagan niya ang nobyo at niyayang kumain sa labas at kaagad naman siya nitong pinaunlakan.
"Yes, I did learn a lot. She's in love with you."
Nasamid si Mark na mas ikinatawa ni Mimi. "She is not," ang sabi nito habang pinupunasan ang bibig ng napkin.
"She is not," ani Mimi. "Did you ever thought she can be your girlfriend? Love interest?"
"Ano ang saysay ng pagtatanong ng ganyan kung ikaw naman na ang girlfriend ko ngayon?"
"I just wanna know."
"What for?"
"Oh, you are good. Gusto ko na tuloy magduda."
Pinakawalan na ni Mark ang ngiting pinipigilan. "Kapag sabihin kong 'oo,' magseselos ka ba?"
Nangalumbaba si Mimi. "Dahil girlfriend mo nga ako, malamang na magselos nga ako."
Iniiling ni Mark ang ulo. "We're good friends."
"She cares so much about you, you know."
"I care about her also."
Hindi magawang magselos ni Mimi kay Aiyana dahil doon. Hindi siya petty. Isa pa ay naipaliwanag na sa kanya ni Aiyana kung bakit ganoon na lang ang pagmamalasakit nito kay Mark. Ang kanyang boyfriend ang tumulong sa dalaga sa pagsisimula nito. Alam niya na labis din ang pagsusumikap nito pero gusto nitong tumanaw ng utang-na-loob.
"She will like me more than your ex. I bribed her with a heart necklace." Tototong binigyan niya ng gold heart necklace si Aiyana. Hindi para talaga suhulan ito kundi dahil alam niya na para rito ang particular piece of jewelry na iyon. Maganda ang length at shape ng leeg ni Aiyana at bagay na bagay ang alahas. Simple lamang iyon at elegante. Hindi kaagad mapapansin pero kapag natitigan ay hahangaan nang husto. Parang ganoon si Aiyana.
Ayaw nga nitong tanggapin iyon pero ipinilit niya.
"Natutuwa naman ako na may bago kang kaibigan."
"Thank you."
"You're very welcome. Pero speaking of jewelries. I have something for you also." Inilabas ni Mimi mula sa kanyang bag ang isang jewelry box na yari sa kawayan at ibinigay kay Mark.
Nagsalubong ang mga kilay nito at sandaling nag-alangan pero sa bandang huli ay tinanggap pa rin nito ang ibinibigay niya. "You don't have to give anything," ang sabi nito.
"Giving jewelries is sort of my thing, Mark. Since you're my boyfriend now, I'm giving you lots."
"Normally ay ang lalaki ang nagbibigay ng alahas sa babae."
"I'm a jewelry designer, duh. Open it."
Binuksan nga ni Mark ang kahon. Pinagmasdan niyang maigi ang reaksiyon ng mukha nito. She was excited to give that to him actually. Hindi na siya gaanong nagtaka sa reaksiyon nito nang makita kung ano ang nasa box. Parang gusto nitong mapangiwi pero pinipigilan nito ang sarili dahil baka ma-offend siya.
"Wear it often, okay?" ang kanyang hiling, malambing ang tinig.
"Uh, I don't think this would suit me," ang sabi nito sa kanya. "It's beautiful, don't get me wrong. Hindi lang ako sanay na nagsusuot ng kahit na anong alahas."
Isa iyong gold bracelet, parang bangle type pero panlalaki. Hindi iyon isang safe accesory para sa mga lalaki. Iilan lang talaga ang babagayan ng ganoong uri ng alahas. She had always loved designing and creating jewelries and accessories for men. Mas may challenge.
Pinagmasdan ni Mimi ang wrist ni Mark. Sa kanyang palagay ay babagay ang alahas sa binata. "Let me put it on you," ang kanyang hiling.
Nag-aalangan man ay pinagbigyan pa rin siya ni Mark. Ang ganda ng ngiti niya nang maikabit niya ang bracelet. Hindi siya nagkamali. The bracelet suited him perfectly. "It looks good on you."
Salubong ang mga kilay na pinagmasdan nito ang alahas sa sarili. May pag-aalangan pa rin sa mga mata nito, parang ayaw siyang paniwalaan sa mga sinasabi niya.
"Leave it on," ang malambing niyang utos. "Please."
"Mimi—"
Dumukwang siya at dinampian ng mabining halik ang mga labi nito. "Please?"
Napailing-iling si Mark. "Fine. Thank you."
"Kapag may bumati sa bracelet at nagsabing maganda or bagay sa 'yo, dapat ay sabihin mong galing iyan sa girlfriend mo."
"So collar ito?" ang natatawang sabi nito. "Dapat ay meron ka rin."
"Igagawa ko ng singsing ang sarili ko." Inakala ni Mimi na matitigilan si Mark sa kanyang naging pahayag na kaagad niyang pinagsisihan. Kailan ba niya isasaisip na hindi dapat basta-basta binabanggit ang singsing sa mga lalaki? Kung para sa kanya ay kaswal ang ganoon bilang sa mga alahas umiikot ang mundo niya, baka hindi para sa mga katulad ni Mark.
Hindi naman sila nagmamadali. Baka naman isipin nito ay nasa highest level na ang pagiging atat niya.
Hindi niya sigurado kung makakaramdam siya ng relief o kaba nang tumango si Mark at nanatili ang ngiti sa mga labi. "Okay. Gumawa ka ng singsing para sa sarili mo. I'll pay for it."
Muling dumukwang si Mimi at hinagkan ang mga labi nito. Hindi na lang dampi sa pagkakataon na iyon. Kung wala lang sila sa restaurant ay baka mas patagalin pa nila ang paglalapat ng kanilang mga labi. Parehong maganda ang kanilang mga ngiti nang umayos na sila sa kani-kanilang mga upuan.
BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomanceSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...