23

10K 279 5
                                    

NANG ARAW NA iyon ay nagpasya si Mimi na bisitahin si Mark sa opisina nito. Nagtungo siya sa area nito dahil nag-deliver siya sa isang boutique. Naisip niya na baka hindi magandang ideya na bigla na lang siyang sumulpot doon pero hindi rin naman niya maatim na hindi makita ang nobyo lalo na at nasa malapit lang naman siya. Dalangin niya na sana ay mas ikasiya nito ang kanyang pagbisita.

"I'm here to see Mark. Is he busy?" ang tanong niya sa sekretarya ni Mark.

"Can I have your name, Ma'am?" ang magalang na tugon nito sa kanya.

"Mimi. His girlfriend."

Nangunot ang noo nito. Kapagkuwan ay pinagmasdan nito ang kanyang mukha.

"Hindi mo pa siguro alam pero break na sila ni Yani. Ako na ang bago." Ngumiti siya nang matamis. Malambing ang kanyang tinig. Hindi niya gustong isipin ng sekretarya na nagtataray siya or anything. She was just stating some facts.

"He's a little busy but I'll ask po."

"Okay. I'll wait here. Thank you." Naupo si Mimi sa isang couch sa area na nagsisilbing waiting area. Katulad ng bahay ni Mark, minimal ang dekorasyon sa opisina nito. Hindi gaanong magarbo. Neat at clean. All-business. Sa kanyang palagay ay mas aaliwalas ang paligid kung magkakaroon ng ilang makukulay na paintings sa pader at mga halaman o bulaklak sa paligid.

Hindi naghintay nang matagal si Mimi. Bumukas ang pintuan ng opisina at lumabas doon si Mark. Mabilis siyang tumayo at lumapit. Hindi niya inasahan na personal siya nitong lalabasin. "Hi, I hope hindi ako nakakaistorbo," aniya.

Yumuko si Mark at dinampian ng banayad na halik ang kanyang mga labi. Narinig ni Mimi ang banayad na singhap galing sa sekretarya pero hindi niya ito pinansin. Napako ang kanyang mga mata sa guwapong mukha ni Mark. Tatlong araw rin silang hindi nagkita. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala ang nobyo sa trabaho. Isang mahalagang high profile pro bono case ang umuubos ng panahon at enerhiya nito.

Hinawakan ni Mark ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob ng opisina. "No phone calls or visitors," ang bilin nito sa sekretarya.

Hindi na nito hinintay ang tugon, ipinasok na lang siya nito sa opisina.

"Hindi ko gustong abalahin ka masyado sa trabaho," ani Mimi habang iginagala ang paningin sa paligid. Katulad ng inaasahan niya, clean, neat and very masculine. "Hindi rin talaga ako magtatagal. Dumaan lang ako dahil nasa area ako."

Nagulat si Mimi nang bigla na lang siya nitong yakapin. "I'm glad you dropped by. I missed you."

Mabilis na gumanti ng yakap si Mimi. Labis na ikinaligaya ng puso niya ang mga narinig mula sa nobyo. "I missed you too. You look and sound a little tired."

"I don't wanna talk about work. Gusto ko muna ng break kahit na sandali lang. I need to relax so that I can think of new plans."

Naunawaan ni Mimi na hindi umaayon ang lahat sa kagustuhan nito. Alam niya na mahusay na abogado si Mark pero hindi undefeated. Ang nobyo rin ang pinaka-aktibo sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga nangangailangan sa buong firm na iyon. He was one of the most respected young lawyer in the country.

"You're stressed?" Hinawakan niya ang balikat nito. His body was tensed. Mahahalata sa mukha nito ang pagal at stress kahit na sinusubukan nitong pagtakpan iyon kahit na paano.

"Very," ang pag-amin nito sa kanya. "I don't know what to do."

Ibinuka ni Mimi ang bibig para mas magtanong ng tungkol doon pero naalala niya na ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa trabaho kaya itinikom niyang muli ang bibig. Hinigpitan na lang niya ang pagkakayakap niya rito. Nahiling niya na sana ay mas may maitulong siya. Sana ay mapawi niya kahit na kaunti lang ang pagal at stress na nararamdaman nito. Isang ideya ang bigla na lang kumislap sa kanyang isipan.

"Dance it out."

"W-what?"

Kumalas si Mimi kay Mark. "Let's dance it out." Hinalungkat niya ang bag para sa kanyang cell phone. Binuksan niya ang kanya Spotify app at naghanap ng magandang dance playlist. Nang mag-angat siya ng tingin ay natagpuan niyang nakatingin sa kanya si Mark na para bang hindi pa nito mapagpasyahan kung seryoso siya o hindi. Ginawaran niya ng matamis na ngiti ang nobyo. Ipinakita niya ang screen ng cell phone nang makahanap siya ng magandang playlist.

Umiling si Mark. "No," anito sa mariing tinig. "I don't—No." Itinaas nito ang dalawang kamay at umatras palayo sa kanya.

Ikinaaliw ni Mimi ang naging reaksiyon nito. Hinawakan niya ang kamay ni Mark bago pa man ganap na makalayo sa kanya. "Yes."

Umiling si Mark. "I don't need—"

"It's gonna work, I promise. Madalas ko itong ginagawa kapag stressed na stressed na ako. Loosen up. Let go. Parang iyong mountain driving lang ito."

Ang tigas ng iling ni Mark. "Hindi ito katulad ng mountain driving. This is so much harder. I don't cope with stress like this."

Nagpatugtog na si Mimi. Itinodo niya ang volume ng kanyang phone. Nahiling niya na sana ay may speaker sa opisina si Mark para mas masaya. Nagsimula siyang umindak.

Umiling si Mark at sinubukan kumawala sa kanya. Hindi hinayaan ni Mimi na makalayo pa ang nobyo. Sa bawat hakbang nito paatras ay humahakbang siya palapit. Hanggang sa mabunggo ng likod ni Mark ang mesa nito. Mas pinag-igi ni Mimi ang pagsayaw habang wala pa itong mapupuntahan.

"Mimi," ang pakiusap nito.

"Just try. Come on," ang pakiusap din niya. "You don't have to be good. Just move your body. Loosen up a bit. Let go. It's gonna be fine."

"I'm gonna look so stupid."

"You will never look stupid in anyone's eyes," she assured him. "You are Mark Soriano. You are mine."

Kahit na paano ay napangiti si Mark.

"Sway. Come on. Sway a little." Natuwa si Mimi nang sumunod kahit na paano si Mark. His body didn't sway but his head started moving. Iginalaw-galaw niya ang braso nito. Hinayaan na rin niyang mag-let go ang sarili. Hindi na siya gaanong nahiya kahit na alam naman niya na hindi siya gaanong mahusay sa pagsayaw. Wala na siyang gaanong pakialam kahit na magmukha siyang ewan.

Unti-unting nabura ang lukot sa mukha ni Mark. Wala na ang pag-aalala at pag-aalangan sa mga mata nito. Isang totoong naaaliw na ngiti na ang kumabit sa mga labi. Hindi na niya kailangang igalaw-galaw ang mga braso nito. Kusa na ang paggalaw niyon. Kusa na ang pag-indayog ng katawan nito.

Kusa na rin ang pag-alpas ng tawa ng kani-kanilang mga lalamunan. They danced and laughed until the last song on her playlist. Halos hindi nila namalayan ang paglipas ng oras. Hindi nila alintana kahit na pawisan na silang dalawa.

Nagyakap sila. Parehong naghahabol ng hininga. Kapagkuwan ay sinapo ng dalawang kamay ni Mark ang mukha ni Mimi. Sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Naipikit na lang niya ang mga mata at tumugon sa halik. Mas naghabol siya ng hininga nang magkahiwalay ang kanilang mga labi. Nangunyapit siya sa leeg nito.

"Mas magaan na ang pakiramdam mo?" ang malambing niyang tanong kahit na mahahalata naman niya sa anyo nito ang sagot. Mas relaxed na hindi lang ang ekspresyon ng mukha nito kundi pati ang katawan. Hindi na tensed and mga balikat nito.

Tumango si Mark. "Thank God I have you in my life."

Muling yumakap si Mimi sa nobyo. Umaapaw ang kaligayahan sa kanyang puso na parang gusto niyang maluha. "Thank God I have you in mine. Thank God we have each other."

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon