"I'M NOT IN the mood, Yani," ang sabi kaagad ni Mark kay Yani habang hinihintay niyang maihanda ng bartender ang inumin ni Mimi.
"I won't take much of your time, Mark."
"You hate talking to me," ang akusa niya. "Masyado nang huli para baguhin mo ang nakasanayan."
"That's low, Mark."
"And I don't really care."
"Naiintindihan ko na galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari, dahil sa ginawa ko. Hindi kita minahal katulad ng naging pagmamahal mo sa akin pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi kita minahal. Mahal kita at patuloy na mamahalin. Alam mo rin siguro na palagi akong magmamalasakit sa 'yo."
"Saan patungo ang usapan na ito, Yani?" Napagtanto niya na alam niya ang mga sinabi nito. Pinaniwalaan naman niya na minahal siya nito kahit na paano.
"I'm concerned."
"About?"
"About your girlfriend."
"You can find someone else and I can't? You can be happy loving someone and I can't?"
"Ang sabi ni Freddie ay Punzalan ang apelyido ni Mimi."
"And?" Hindi niya halos namalayan na ginamit niya ang kaparehong tono na ginamit ni Mimi kanina nang ikagulat ni Ava ang kanyang pagiging Soriano. Hindi na masukat ang inis na kanyang nararamdaman sa kasalukuyan. Ano bang masama sa kanyang pagiging Soriano at pagiging Punzalan ni Mimi?
Mas lumago ang pag-aalala sa mga mata ni Yani. "Nabanggit mo sa akin dati na nagpupumilit ang pamilya mo na maikasal sa isang Punzalan. You told me the tale. Nag-aalala lang ako na baka masyado mong pinipilit ang sarili mo. Hindi mo kailangang—"
"I'm gonna stop you right there," ang pamumutol ni Mark sa ibang sasabihin pa ni Yani. Alam na niya kung saan patungo ang usapan na iyon. "Sa palagay mo ay dahil sa kasunduan kaya kami may relasyon ni Mimi ngayon? Sa palagay mo talaga ay kaya akong pilitin ng pamilya ko sa ganitong paraan?"
"Well, after what happened—"
"I got into a relationship because you left me? You gave yourself a lot of credit."
"I'm just concerned, Mark. I want you to be happy. Hindi lang kaligayahan ko ang isinaalang-alang ko nang bumuo ako ng desisyon. Isinaalang-alang ko rin ang kaligayahan mo. I want you to find someone who will love you the way you deserve."
Naihanda na sa wakas ng bartender ang mga kailangan niyang inumin. "I have found her, Yani. I have loved you for so long. I have decided to stop one day. I chose to stop with the obsession. I realized you have been a habit. Something I can't give up, someone I can't let go. Dahil sa isip ko ay malaki na ang nai-invest ko. Ayokong sayangin ang lahat ng pinagsamahan natin, ang mga pinagdaanan natin. Pero na-realize ko na kaya ko palang bumitiw. Kaya ko palang balewalain ang lahat ng iyon. That woman, she makes me happy. I'm devoted to her now. Halos hindi ko namalayan, I have fallen in love with her. So what I'm really trying to tell you is stop with the concern. You have your own life now. I have my own."
Naglakad siya pabalik kay Mimi. Hindi nga lang siya nakalapit nang husto dahil nakita niyang kausap ni Mimi si Shawn. Kaagad niyang naramdaman ang pagkulo ng kanyang dugo.
BINABASA MO ANG
Devoted (Completed)
RomanceSometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa...