29

19.8K 485 69
                                    

"ANO ANG PINAG-USAPAN n'yo ni Yani?" ang tanong ni Mimi pagkatapos maupo ni Mark sa kanyang tabi. Inilapag nito sa kanyang harapan ang inumin na kinuha nito.

"Ano ang pinag-usapan n'yo ni Shawn?" ang tanong din ni Mark imbes na sagutin ang kanyang tanong.

Kaagad na umahon ang inis sa dibdib ni Mimi. Nang tumingin siya sa mga mata ni Mark, kaagad niyang nahalata na pareho sila ng nadarama. Hindi nito ikinatutuwang makita na kausap niya si Shawn kagaya ng kung paanong hindi niya ikinatutuwang kausap nito si Yani.

"I asked first," ang matigas na sabi ni Mimi.

"And I don't care. I want to be answered first," ang walang anumang tugon ni Mark.

Nagsukatan sila ng tingin. Hindi gustong bumigay ni Mimi. Nauna siyang nagtanong. Gusto niyang malaman kung ano ang pinag-usapan ng dalawa.

"Parang nakikiusap si Yani at upset ka." Gusto niyang malaman kung ano ang ipinakikiusap ng dati nitong nobya.

"Parang masyado naman yatang natutuwa si Shawn habang kasama ka."

Nagsalubong ang mga kilay ni Mimi. Ganoon ba ang hitsura nila ni Shawn sa distansiya?

"Kung gusto mong tumanghod at mahalin uli ang lalaking iyon ay kailangan mo lang sabihin sa akin," ani Mark.

Namilog ang mga mata ni Mimi sa gulat nang tumimo sa kanyang utak ang sinasabi nito. He did not just say that! Dahil sa inis ay nawalan na siya ng kontrol sa sarili niyang bibig.

"Kung nakikiusap siyang balikan mo siya at gusto mo naman, ang kailangan mo lang gawin ay sabihin nang deretsa sa akin."

Sa pagkakataon na iyon ay ang mga mata naman ni Mark ang nanlaki. "What!" bulalas nito, nababaghan.

Nakagat ni Mimi ang ibabang labi. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Nanikip ang kanyang dibdib dahil sa isang realisasyon. "Gusto mo ba?"

"Ang alin?" Lukot pa rin ang mukha ni Mark.

"Makipagbalikan sa kanya. Kasi hahayaan kita."

Parang sinuntok sa sikmura si Mark. Napatitig sa kanya ang nobyo sa loob ng ilang sandali. Nasa mga mata nito ang labis na pagkamangha.

Maging si Mimi ay namamangha sa kanyang sarili. Napagtanto niya na hindi siya nagiging passive-aggressive. Hindi lang niya basta sinasabi ang mga salita. She had meant it. If that's what he really wanted... If that was what his heart really desired, she would let him go. Kahit na alam niyang labis siyang masasaktan. Napagtanto niya na kaya niya ibigay ang lahat kay Mark basta nakasalalay ang ganap na kaligayahan ng puso nito. Kahit na kalayaan nilang dalawa sa desisyon na binuo nila.

Because she loved him that much.

"You..." ang usal ni Mark. Parang sinisikap nitong magpatuloy pero nahihirapan. "I can't believe we're having this conversation." Marahas na tumayo si Mark at iniwan siya roon.

Ikinagulat niya ang pagwo-walk nito sa kanya. Noon din lang niya nakita na ganoon ang lebel ng iritasyon nito. Paano nga ba nauwi sa ganoon ang kanilang pag-uusap? Simple lang naman ang mga tanong. Wala rin naman silang ginawang masama. Bakit hindi na lang nila sinabi sa isa't isa ang totoo imbes na nagkapikunan sila?

Nangalumbaba siya at pinag-isipan nang husto ang kanyang sinabi. Talaga nga bang kaya niya? Selfless ang taong nagmamahal kaya dapat lang naman, hindi ba? Pero ano ba ang magiging masama kung maging selfish siya? Bakit niya basta na lang ipamimigay si Mark? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng babaeng iyon? Yani did not deserve Mark. She had her chance and she had wasted it.

Mark was Mimi's now.

Napaungol si Mimi. Bakit ba naman kasi nagpabibo pa siya kanina? Bakit niya hinayaan na mabaliw ang sarili? Paanong magiging ganap na maligaya si Mark sa katulad ni Yani? Tumayo siya at nagmamadaling sinundan si Mark, umaasa na sana ay hindi pa siya nito iniiwan. Natagpuan niya ang nobyo sa mga parking lot. Nasa tabi ng sasakyan nito at nakahalukipkip. Lukot pa rin ang mukha nito at halatang labis pa rin na naiinis sa kanya.

Nabatid ni Mimi na hindi na niya gaanong ikinagulat na hindi siya nito ganap na iniwan. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi siya nito basta na lang iiwan doon na walang sasakyan.

"How can you say that to my face?" ang sabi nito sa kanya. "Why do you have to say that?"

"I'm sorry," ani Mimi sa munting tinig. "Nagbago naman ang isip ko. Hindi ko naman paninindigan iyong sinabi ko kanina. Hindi na kita ibabalik sa kanya. Ano siya, sinusuwerte?"

Bahagyang nabawasan ang inis ni Mark. "Don't ever mention it again."

Tumango si Mimi. "Pero gusto ko pa ring malaman kung ano ang pinag-usapan n'yo."

Marahas na napabuntong-hininga si Mark bago siya sinagot. "She was worried about me. Iniisip niya na ipinagkasundo ako ng pamilya ko sa 'yo."

"Iyon din ang dahilan ng paglapit ni Shawn. Actually, si Ava yata ang mas nag-aalala."

Mas nabawasan ang lukot sa mukha ni Mark. "She said she's just concerned and she wants me to be really happy."

Lumapit si Mimi at halos wala sa loob na ibinuka ni Mark ang mga braso nito para sa kanya. Ipinaloob niya ang sarili sa mga braso na iyon. Kaagad niyang naramdaman ang ginhawa nang lumukod sa buong katawan niya ang masarap na init na nagmumula sa katawan nito. "Shawn said the same thing."

Hinagkan ni Mark ang ibabaw ng kanyang ulo.

"Can you believe them? Talaga bang naisip nila na pipilitin natin masyado ang mga sarili natin dahil sa kanila?"

Muling hinagkan ni Mark ang ibabaw ng kanyang ulo. "I'm sorry for walking out on you earlier. I was pissed."

"It's okay. Kahit na sino naman siguro ay maiinis sa sinabi ko."

"Hindi ko na gustong bumalik kay Yani. Hindi niya ako gustong bumalik. She truly liked your friend Freddie. I have decided to stop loving her. I was so done. You're the only one for me. My heart is devoted only to you."

Humigpit ang pagkakayakap ni Mimi kay Mark. "I just want my best friend back," aniya. "Gusto ko lang maayos ang relasyon namin ni Ava uli. Tanggap ko na na sila ang nagmamahalan. Okay naman na ako kasi nasa buhay na kita. You made me so happy. My heart is yours. We chose to let go of the past, of the love that was not meant for us. We chose to be happy together. We chose us. Panindigan natin hanggang sa huli, okay?"

"I love you," ang bulong nito sa kanyang tainga.

Mimi's heart soared. "As I love you."

-wakas-

thank you so much for reading! :)

Belle Feliz

Devoted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon