Chapter 1. Savanna Collins

7.4K 104 4
                                    

"Out of the way" sabi ng mga "kaibigan" ko sa mga taong nakakumpol sa corridor


Napairap na lang ako. Araw araw na lang ganito. Hindi na ba talaga sila nasanay? Why am I even stuck here in this filthy place?! Nahati ang daan at doon kami naglakad.


"Ang ganda niya talaga" bulong ng isang lalaki

"Damn those legs. Dude!"

"Ano ba yan, kala mo naman sila ang reyna dito" sabi naman ng isang babae sa kasama niya

"Kainggit naman! Grabe, ang gaganda nila"

"Kasing astig niya talaga si Haley ng Paramore. I love her hair dude. Anong pakiramdam kaya niyan sa kamay ko habang nagmamake out kami? Sht! Kunin mo number niya"

"Mukha pa lang niya, halatang she's having plenty of hook ups"

"I saw her sa bar, kissing some random guy. Ilang lalaki kaya ang nakakuha sa kaniya last night?"


Napailing na lang ako sa mga naririnig ko.


"Hindi na ba sila nasanay? Pshhh. Mga inggitera!"


Savanna Collins is the name. Center of attraction and attention. Red hair, morena skin, sizzling hot body. Maganda kasi ako, yan tuloy laging madaming mga matang nagmamasid sa akin. Well, I can't help it, I'm really popular at sadyang madaming mga inggitera sa paligid. Ang papangit kasi nila! Don't you dare call me Ava dahil hindi tayo close. I'm a senior student here at Bridgehill University.


"Bakit ba kasi hanggang ngayon nandito yan? Like duh! She's already 21 pero nag aaral pa din siya" bulong ng maarteng babae

"Sabi kasi nila, nahuli daw siyang kasex yung isang prof sa faculty room. Napatawan ng sanction kaya hindi makagraduate"

"Grabe naman pala talaga. Napakalandi niya! Pati professor pinapatulan. Dapat hindi lang sanction, dapat expulsion na right?"


People and their chismis. Ganyan talaga ang buhay, umiikot dahil sa mga haka haka at mali maling chismis. Pagbigyan, diyan sila masaya e. Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan pero hindi nila ako kilala. Walang nakakakilala sa akin.


"Ava, sobra na sila!" sigaw ni Jean

"Let them be. Akala kasi nila kinakaganda nila yan. E kung tignan mo naman sila, mula ulo mukhang paa"

"Yuh right. Mga babaeng mukhang singit" segunda naman ni Ella


Napangisi na lang ako sa sinabi ng dalawa. Well, hindi ko masabi kung kaibigan ko sila. Maybe were just some individuals na nagclick kaya nagsama sama. Yun din ang definition nila e. Friendship? Sisterly relationships? Those are just old chest nut. Well I don't care. I don't believe in those damn relationships dahil madalas, sila pa ang tratraydor sa iyo. Wait, why do I sounded so bitter? Tsk.


"Ang kakapal naman ng mga ito. Akala mo naman maganda sila!" bulong ng isa.


Bumulong pa, dinig naman.

"Well, maganda kasi talaga kami. Lalo naman ako. Duh!"

"Kapal. As if naman"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon