Chapter 11. Adventure

1.8K 95 17
                                    



Good morning sa inyooooooo! Ang ganda talaga ng buhay. Haaaaaay. Samahan mo pa ng magandang view mula dito sa veranda ng kwarto ko. Kitang kita ko ang papasikat na araw, ang malumanay na pag alon ng karagatan, ang ilang ibong nagliliparan. Pati na rin ang masarap na hangin na dumadampi sa balat ko. At isang magandang babaeng may pulang buhok na mag- isang naglalakad sa may dalampasigan. Pulang buhok?

Napalapit ako lalo sa railings ng veranda ng matanaw ko siya ng mas malapitan.

"Savanna! Savystick!"

Lumingon siya. Tama ako si Savanna nga. Para siguro akong tangang kaway ng kaway sa kaniya. Napailing siya bago kumaway sa akin pabalik.

"Savanna! Good morning!"

"Morning"

"Bakit mag isa ka? Ang aga pa a?!" sigaw ko pa

"Parang tanga. Ang aga aga nakasigaw!" singhal na naman niya sa akin

Napakamot ako sa ulo ko. Sabi ko nga, ang ingay ko. Baka mamaya, mabato pa ako ng mga taong mabubulahaw ko ang tulog. Tumingin ako sa orasan ko, mag aalas sais pa lang. Kaya pala papasikat pa lang ang araw

"Diyan ka lang ha! Wag kang aalis diyan. Pupuntahan kita!"

"Sige!"

"Basta stay put ka lang diyan. Diyan sa pwestong yan"

"Ay pota. Bilisan mo! Daming daldal"

Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto at nagsuot ng jogging pants. Nakaboxers lang kaya ako. Nagwisik wisik din ako sa mukha at mumog. Nakakahiya naman kasi kay Savystick kung may morning breath ako. Binitbit ko pa ang isa ko pang jacket pantakip sa nakabalandra na naman niyang katawan.

"Oo na! Sexy ka na pero ayokong ipakita mo yan. Lalo na sa iba!"

Hoy utak! Tumahimik ka! Wala ka namang karapatan e. Pero meron! Kasi professor niya ako. Kasi kaibigan ko siya kaya ayoko siyang nag gaganyan. Basta, ang hirap iexplain.

Ang gaan ng pakiramdam ko. Kagabi kasi e. Sisihin niyo si Savystick, pinaligaya niya ako. Ang sarap pala talaga noon sa feeling. Pakiramdam ko tuloy hanggang pagtulog ko, nakaplaster na ang ngiti sa mukha ko.

"Ikaw ba naman ang sabihan na pagmamay-ari ka niya. Kung ibang tao siguro yun baka nagalit na sa kaniya, pero ako? Mas natuwa pa ako ng malaman kong possessive pala siya. Ang sarap talaga sa feeling. Certified friends na talaga kami."

"Baliw ka na ba talaga?" tanong niya pagkalapit ko

"Bakit naman?"

"Tatawa tawa ka kasi mag isa e"

"Wala lang. Maganda kasi gising ko"

"Ahhhh"

Ipinatong ko sa balikat niya ang jacket ko. Aalma pa sana siya ng kinabig ko siya at inakbayan. Ewan ko ba, nasanay na ako. Ilang inch din kasi ang tangkad ko sa kaniya kaya saktong sakto.

"Bawal magreklamo, malamig. Good morning ulit" bigla ko na lang siyang hinalikan sa noo

Nagulat ako sa ginawa ko. Nagulat din siya. Namula pa nga ang tenga niya e. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Kasi naman, aamin na ako. Sa tuwing nakikita ko siya, lagi na lang akong napapatitig sa mukha niya. Tapos, parang gusto ko siya laging ikiss. Normal pa ba ako?

"Ahh. Aray ko.. Aray ko naman Savystick!"

"Bakit ka nanghahalik sa noo?"

"W..Wala lang! Ikaw kasi nagmura ka naman kanina. Buti nga sa noo lang at hindi sa lips e"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon