"Estudyante po ako doon" nakayukong sagot ko"Ano?!" sabay na sigaw ng Nanay at Tatay ni Raymond
Inaasahan ko na ang magiging reaksyon nila sa sinabi ko. Handa na din ako sakaling hindi nila tanggapin kung anuman ang meron sa amin ni Raymond ngayon pero hindi ko pa rin naiwasangkabahan. Mas lalo ko tuloy napisil ang kamay niya na hawak ko ngayon. Ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko. Konti na lang siguro manginginig na ako.
Sabi ko noong una, wala akong pakialam kung tanggap man nila o hindi pero hindi yun nangyari e. Natatakot kasi ako na ayawan nila ako. Pamilya sila ni Raymond at alam kong ang lahat ng sasabihin nila, papahalagahan ng lalaking mahal ko.
"T...Tama ba ang narinig namin? Estudyante ka at sa Bridgehill din?"
"Opo"
"Estudyante ko po siya Nay, Tay" biglang singit ni Raymond.
"Raymond! Anong kalokohan to?" tanong ni Tatay
Mas lalo akong napayuko sa naging tanong ni Tatay Ferdinand. Ayaw nila sa akin. Tutol sila sa amin ni Raymond.
"Tay! Hindi ito kalokohan. Seryoso kaming dalawa"
"Pero anak"
"Please Tatay. Masaya ako kay Savanna, masaya kaming dalawa, wag niyo na kaming pagbawalan"
Hindi na nagsalita si Tatay. Seryoso na lang siyang nakikinig sa aming lahat.
"Diba bawal? Kahit paano natin tignan bawal magkaroon ng relasyon ang guro at estudyante. Ano ba ang pumasok sa isip niyong dalawa at nagkaroon kayo ng relasyon? Hindi ba kayo nag-iisip?" tanong naman ni Nanay.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi siya ganoong nakasigaw pero sobrang seryoso ang boses niya. Serysoso sila ni Tatay Ferdinand na nakatingin sa aming dalawa ni Raymond.
"Sobrang mahal ko po ang anak niyo, Nanay Helen, Tatay Ferdinand. Mahal na mahal ko po si Raymond"
Nanginginig na ang boses ko. Alam ko any minute now, maiiyak na ako. Umamin ako sa kanila na estudyante ako ng anak nila dahil ayaw ko namang magsinungaling sa kanila. Pero napasama pa yata dahil mukhang hindi nila ako tanggap.
"Wala naman magiging problema kung hindi ka niya estudyante" biglang sabi ni Tatay
"Hindi na po namin napigilan ang mga sarili namin Tay"
"Nandoon na tayo. O sige, mahal niyo ang isa't isa pero hindi niyo ba naisip kung ano ang pwedeng kalabasan nito?"
"T..Tutol po kayo?" tanong ko pa
"Hindi naman sa tutol kami anak sa relasyon niyo ni Raymond. Masyado lang magiging komplikado ang mga bagay bagay. Paano pag nalaman yan sa University niyo? Hindi ba magiging malaking problema yan? Raymond, paano ang trabaho mo? Ikaw Savanna, paano ang pag-aaral mo? Makakaapekto ang relasyon niyo"
Napapangiti na ako kahit papaano. Kahit seryoso pa din sila sa pagsasalita, nawala na ang tensyon sa amin kanina lang. Nakita ko sa mga mata nila na concern lang sila sa amin ni Raymond.
"Tay, Nay, isang sem na lang naman po ako at magtatapos na po ako. We'll try our best na maitago po itong relationship namin hanggang sa makagraduate ako"
"Nanay, Tatay, please, ibigay niyo na ang blessing niyo sa amin ni Savanna. Mahal na mahal ko siya, ayokong malayo sa kaniya"
"Mga kabataan nga naman" naiiling na sabi ni Nanay
Napahinga ako ng maluwag ng madinig ko ang boses ni Nanay na biglang nagbago. Hindi na seryoso. Basta.
"So Nay, Tay? Ano na? Diba sabi niyo, lahat ng mahal namin, mahal niyo din. Lahat ng makakapagpasaya sa amin, ibibigay niyo kung kaya niyo?"