"Please stop saying that you love me! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko deserve ang isang tulad mo? Bakit ba napakakulit mo? Stay out of my life!"
"Savanna, hanggang kailan mo ba balak na itutulak ako palayo? Love comes unexpectedly, just as you did. Nararamdaman ko mahal mo din ako. Why don't we give it a try? Alam ko mahirap at bawal pero gagawin ko ang lahat just for us to make this work."
Pakiramdam ko dinudurog niya ako sa bawat salitang sinasabi niya. Ramdam ko, dito sa puso ko na mahal niya rin ako pero bakit ayaw niyang subukan? Bakit niya ako itinutulak papalayo?
"Aalis na ako. Walang pupuntahan ang pag uusap natin SIR"
Lumakad na siya papalayo pero hindi ko hahayaan. Alam kong mahal niya din ako. Nararamdaman ko iyon. Hinabol ko siya at niyakap muli mula sa likuran niya.
"Savanna please"
"Ano ba Raymond!"
"Nararamdaman ko, mahal mo ako."
"Mali ka ng nararamdaman"
"Hindi! Sabi ng puso ko, mahal mo ako. Please, I'm willing to do anything. I'm willing to risk everything makasama lang kita"
Pilit siyang kumakalas sa yakap ko pero pilit ko ding hinihigpitan. Pakiramdam ko kasi pag nakawala siya, hindi ko na siya ulit mahahawakan.
"Wala kang kailangang irisk"
"Pero mahal na mahal kita Savanna. Hindi ko naman ginusto itong nararamdaman ko pero hindi ko napigil"
"Tigilan mo yang kalokohan mo. Hindi na nakakatuwa"
"Kailan pa ba naging kalokohan ang mahalin ka?"
"Stop saying those bullshits please. Wag mo na akong pahirapan"
"Savanna, if you are scared, nandito naman ako. Wala ka namang dapat ikatakot diba? I won't let anyone hurt you"
"Shut up! Just shut up!"
Pilit pa din siyang kumakalas. I can hear the sadness doon sa boses niya. Alam kong umiiyak din siya. She's hurting too pero ang hindi ko maintindihan bakit ayaw niya.
"Savanna. I love you so much that it hurts already."
"Let me go"
"Ayoko"
"Raymond! Ano ba! Stay out of my way and stay out of my life!" sigaw niya.
When she got the chance, mabilis niya akong itinulak at tumakbo papalayo sa akin. Wala na akong pakialam kung umiiyak man ako. Nasasaktan ako. Sobra. She's in love with me yet she doesn't want to be with me.
"Savanna!" sigaw ko.
Para na siguro akong tanga na humahabol sa kaniya. Mabilis siyang nakasakay sa sasakyan niya. Pilit ko pang kinakatok ang pintuan niya.
"Savanna please"
"I love you so much!"
"Get lost!"
"Savanna, wag ka naman ganito"
"Savanna!"
Takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa hindi ko na siya naabutan.
"Ahhhhhhhhhhh" sigaw ko
Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Ano pa bang dapat kong gawin? Bakit ba ganito kahirap? Mali yata na umamin pa ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Sana hindi na lang. Bakit kasi sa iyo pa e. Bakit sa estudyante ko pa?