Chapter 9. Isang Mura Isang Halik

1.7K 82 21
                                    



Kanina ko pa tinatawagan si Savystick. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang gusto kong madinig ang boses niya. Parang nung naghiwalay kami kasi kagabi, may mabigat siyang iniisip. Parang malayo din lagi ang tingin niya. Ewan ko ba sa kaniya. Nag aalala lang naman ako.

Balak ko sana siyang tawagan kaninang 8 am kaso naisip ko na baka tulog pa siya. Kanina din 12 nn kaso baka naman kumakain siya. Pagdating ng 6:00 pm tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot. Hanggang ngayon, mag aalas onse na pero hindi pa din niya sinasagot.

"Savystick naman pakisagot, nag aalala na kasi ako"

Nakailang ring na pero di pa din niya sinasagot. Di naman nakapatay kasi hindi out of coverage area.
"Ano na bang nangyayari sa iyo?"

Pag 11:30 na at hindi pa niya sinasagot, hahanapin ko na siya. Napakapasaway niya talagang bata lagi na lang niya ako pinag aalala. Tsk. Nahiga na ako sa kama ko pero nagpapaikut-ikot at pagulung-gulong ako.

"Ano ba yan! 11:01 pa lang! Bakit ang bagal ng oras!!!"

"Naku talaga Savanna! Kinulan mo na talaga ako. Ayaw ka kasing mawala sa isip ko. Pasaway ka na nga sa totoong buhay pati ba naman isipan ko hindi mo na tinantanan sa pang bubully mo"

Para na akong tanga dito. Kasalanan ni Savanna lahat ng ito. Kasalanan ng pinakapasaway na estudyante na nakilala ko. Pag tingin ko sa orasan, 11:03 pm. Lord bakit ang bagal po ng oras?

"That's it. Tatawagan ko na siya ulit!"

RINGGGGGGGGGGGGGG

Sa wakas sinagot niya din!

"Savanna kanina pa kita tinatawagan!"

"Hi shiiiir! Shorry. Hahahaha"

Iba ang boses niya. Teka, nasaan ba siya? Bakit ang ingay! Lasing ba siya? Na naman?

"Are you drunk?"

"I dunno? Hahaha. Woohoo. Let's party"

Yes, she's drunk. Ano ba talaga ang problema niya? Bakit kailangan niya pang magpakalasing?

"Nasaan ka? Pupuntahan kita?" tanong ko sa kaniya pero hindi sumagot.

Tumayo na ako sa kama at nag-ayos. Nakalagay pa din sa tenga ko ang cellphone habang nagbibihis. Nakapantulog na kasi ako. Tsk, ano bang gagawin ko sa batang yan? Dapat parusahan e.

"Shorry shir, tagal ko ba? Tinanong ko kay bartender pogi kung saan ito e"

"Nasaan ka Savanna?!"

"Wag ka shumigaw... Dito ako sa ***** Baar... Ay oo, dito sa bar kung shaan tayo nagmake out, naalala mo? Hahahaha"

Nandoon siya. Natatandaan ko pa naman ang daan papunta doon. Bakit ba siya ganyan? Sa tuwing may problema ba dapat, bar at pagpapakalasing ang solusyon? Lumabas na ako ng bahay. Wala pa din si pinsan, gagamitin ko muna ang kotse niya.

"Ano bang problema mong bata ka?! Pupuntahan kita diyan. Stay where you are and don't entertain boys"

"Okaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay"

Pagkasabi niya noon ay pinatay ko na ang cellphone at mabilis na nagmaneho. Mukhang wala siyang kasama. Baka kung ano na naman ang mangyari sa kaniya.

"Ano na ba ang gagawin ko sa iyong pasaway ka?"

Pinaharuruot ko na ang kotse. Nag aalala na kasi ako sa kaniya

"Lord, iiwas mo ako sa aksidente at huli ha? Mabuti naman po ang intensyon ko. May batang pasaway lang akong susunduin"

Hindi na yata maayos ang pagkakapark ko, basta na lang kasi ako nagpark at tumakbo papasok sa loob ng bar. Dahil weekends, madaming tao. Saan ko naman kaya hahanapin ang babaeng iyon? Ang daming tao, ang daming humaharang sa akin.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon