"Savanna wait for me!" sigaw ko pero tuluyan na siyang nakaalisHindi naman niya kailangan mag walk out! Aishhh. Pasaway talaga. Paano kung saan siya mapadpad? Buti sana kung kabisado niya ang mga lugar dito! Susundan ko na sana siya ng piitin ako ni Hazel.
"Raymond! Saan ka pupunta?"
"Susundan ko ang girlfriend ko. Hindi niya alam ang pasikut sikot dito!"
"Iiwan mo ako?"
"Alam mo na naman ito e!"
"Ihatid mo kaya muna ako sa bahay. Pagkatapos akong bastu-bastusin ng girlfriend mo iiwan mo na lang ako basta dito!" sigaw pa niya habang umiiyak.
"Pero kasi..."
"Sandali lang naman diba?!"
"Oo na! Tara na nga!"
Mabilis kaming umalis sa burol. Sinusubukan kong tawagan si Savanna pero hindi niya sinasagot. Kanina pa salita ng salita si Hazel pero hindi ko siya pinapansin. Binilisan ko na lang ang pagmamaneho.
Ang hilig naman kasi niyang magwalk out, kinakabahan tuloy ako. Baka napaano na yun. I'm so stupid. Bakit ko kasi pinabayaan?
Nakadating na kami sa tapat ng bahay nila Hazel, ilang kanto lang naman ito mula sa bahay namin.
"Salamat Raymond" sabi ni Hazel.
"Walang anuman"
"Magkita ulit tayo?"
Hindi na ako sumagot
Bago siya bumaba ay humalik muna siya sa pisngi ko. Nagulat ako. Hindi na kasi ako sanay na hinahalikan ng ibang tao maliban na lang kay Savanna ko.
"Hazel?!"
"Friendly kiss lang. Ingat ka!"
"Wag mo ng uulitin sa susunod. Kahit friendly kiss lang yan. Ayoko kasing magselos ang girlfriend ko"
Inirapan ako ni Hazel bago siya pumasok sa bahay nila. Totoo naman kasi na may girlfriend ako at kahit na ganoon yun, sobrang mahal ko pa din yun.
Napailing na lang ako. Sinubukan ko ulit tawagan si Savanna pero hindi pa rin niya sinasagot. Pinatayan pa ako ng cellphone. Lalo tuloy akong kinabahan.
"Mahal ko, sagutin mo naman. Nag aalala na ako sa iyo!"
"Nasaan ka ba kasi?"
"Sana nakauwi ka na sa bahay. Tama! Doon muna ako pupunta"
Magmamaneho na sana ulit ako ng makita ko ang purse ni Hazel. Ibibigay ko muna sandali sa kaniya. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa bahay nila. Sakto, nakabukas ang gate kaya pumasok na ako.
"Hazel? Hazel?"
"Tao po!"
Kakatok na sana ako sa pinto ng makita kong nakaawang ito ng pabahagya. Tumuloy na kaya ako? Unti-unti kong binubuksan ang pinto ng mapatigil ako at narinig ang usapan nila.
"Anong nangyari sa lakad mo?" tanong ng ate ni Hazel sa kaniya
"Oo nga ate, may girlfriend na pala talaga si Raymond"
"Sabi ko naman sa iyo kaya itigil mo na yang kahibangan mo ha"
Itinulak niya ang ate niya. Nag iba ang aura niya. Nakasimangot na siya at masamang nakatingin kay Ate Alex.
"No! I won't stop ate. Nagsisimula pa nga lang ako. Babalik sa akin si Raymond"
"Hindi mo ba naiintindihan may girlfriend na siya? Iniwan mo siya diba? Tapos ngayon hahabul habol ka? Aso ka ba?"