Chapter 27. Debate and Heartbreak

1.8K 80 45
                                    



Nakatingin ako sa Memory Love Lane namin ni Raymond. May panibago na naman akong naidagdag na pictures. Our moments sa secret place namin kahapon. I am still at awe sa tuwing inililibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Sobrang nag iba. Sobrang nagbago. Nagkaroon ng desenyo. Parang ako lang. When he came into my life, everything changes. Nabago din ang pananaw ko sa buhay. I can now see how beautiful our world really is ng dahil sa kaniya.

"Thank you My Raymond"

Naghahanda na ako. Today is our Debate Club's first competition. Sobrang thankful ako na kahit under observation pa din at dinidinig yung case ko sa Board, hinayaan pa din nila akong sumali ngayon. Ayoko naman kasing masayang ang pinaghirapan namin at ni Raymond. Speaking of my Raymond, kanina pa siya umalis. Madami daw kasing ipinapaasikaso si Dean sa kaniya for the competition. Sabi niya hihintayin at ihahatid daw niya ako pero pinaalis ko na siya. Kaya ko naman ang sarili ko e.

Before he left, tinanong ko siya about the thing that I've heard that he said last night. That really bothers me. Hindi ko alam pero kinkabahan ako. Para kasing may panibago na namang mangyayaring masama. Hindi ko kasi alam. After the issue has leaked, hindi na ako ganoong kapanatag. Parang anytime, another wave of heartache will come.

"Sorry pero para sa iyo din ito. I love you very much Savanna"

Palabas na sana si Raymond ng pinto ng tawagin ko siya

"Lalaki ko, sandali lang po"

"Ano yun"

"Kasi.. ano..."

I am nervous, halata yun sa boses ko. Damn! I am even playing with my fingers. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Hinawakan niya ang mukha and smiled warmly at me, doon nabawasan ang kaba ko.

"Upo muna tayo babae ko. It seems na may mahalaga kang sasabihin sa akin"

Hinatak niya ako papunta sa may couch.

"Okay now tell me"

"Kasi last night, before I sleep, I heard you say something. Hindi ko lang sigurado kung tama ako..."

"A..Ano yung narinig mo babae ko?"

Now he's nervous. Nagstutter siya e. I don't want to think any negativities, ayokong matakot, ayokong maparanoid.

"You said, 'Sorry pero para sa iyo din ito. I love you very much Savanna'. Why are you saying sorry? Para saan? Bakit? Sasakyan mo ba ako? Hindi naman diba? Tell me Raymond. Please, natatakot na kasi ako. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko, iiwan mo na din ako."

Bakit hindi siya nagsasalita? Tama ba ang pakiramdam ko? Maiiyak na ako ng maramdaman kong nakahawak siya ng mahigpit sa kamay ko.

"B..Baka mali ka lang ng dinig mahal ko. Baka sa sobrang pagod mo sa activities natin kagabi, kung anu-ano na nag naririnig mo"

"Ano ba kasi yung sinabi mo? Hindi ako mapapalagay nito e!"

"Ang sabi ko. Salamat sa iyo. I love you very much Savanna"

"S..Sigurado ka?"

"Opo. Halika nga dito"

Hinatak niya ako at pinaupo sa kandungan niya. Niyakap din niya ako ng mahigpit.

"Wag ka ng umiyak ha? Alam mo namang ayokong makita kang nasasaktan"

"Hindi mo naman ako sasaktan talaga diba?"

"Diba sabi ko sa iyo, hurting you is the last thing I want to do. Mahal na mahal kasi kita e. If masaktan man kita, hinding hindi ko yun plinano o sinadya. Kaya ang gusto ko, kung anuman ang mangyari, sa akin at sa akin ka lang manininwala. Ako lang ang iisipin mo at ang pagmamahal ko sa iyo"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon